C h a p t er 2

10 0 0
                                    

"Ahh Sir, ano niyo po si Catriona?"

"She's my girlfriend."

Kunot noo namang tinitigan ng dalaga ang kausap. "May jowa pala tong Catriona na to, di man lang nagkukwento sakin."

"Ahh, sige. Sasabihin ko na lang sa kanya na gusto mo siyang makausap."

"Salamat." At bigla na lang nakipagshake hands sa babae. "Ano nga palang pangalan mo Missh?"

"Cassandra." Tipid na sagot naman ng dalaga. Itatanong pa sana niya sa kausap kung ano ang pangalan niya ng bigla na lang itong napahiga sa buhanginan ng dahil sa sobrang kalasingan.

Napabuntong hininga na lang si Cassandra sabay sabing, "Itatanong ko pa nga lang yung pangalan, nagshut down na agad ang mga mata. Dyan ka na nga Mister Alak. See you tomorrow." At tuluyan ng nilisan ang kinaroroonan nila.

Kinabukasan, tulad nga ng inaasahan ni Cassandra, maagang dumating ang pinsan niya. Agad niya itong sinalubong at kinutusan sa hindi pagtupad sa usapan nilang susunod agad siya sa resort.

Cassandra's POV:

Di na ko nakatulog pa ng dahil sa paghihintay sa pinsan kong di marunong tumupad sa usapan. Madalas pa nga akong indianin nitong bruhang to eh. Di ko alam kung saan ipinaglihi to ni Tita eh. Well, going back, halos dalawang oras lang ang tulog ko kanina sa sobrang paghihintay sa kanya. Idagdag pa na sasabihin ko pa sa kanya na gusto siyang makausap ng jowa niyang lunod na sa alak kagabi.

"Buti naman at after 200 years, nakarating ka na rin," bungad ko sa kanya ng dumating siya sa resort. Agad naman siyang yumakap sakin na tila sinusuyo ako. Buti na lang maganda to, parang ako. Wag na kayong umangal, isasako ko kayo.

"Sorry na kasi. Di ka ba happy Couz? Andito na ko sa harap mo oh." Binitbit na niya ang ibang mga gamit niya. Tinulungan ko na rin siya bilang likas na matulungin naman ako. HAHAHA. Kala niyo aa. Hmmmp.

Hindi ko na siya ipinagreserve ng kwarto niya dahil sa kwarto ko na siya mags-stay. Hindi rin kasi ako sanay na mag-isa lang sa kwarto kapag nagbabakasyon ako. I find it boring.

"Kahit kelan talaga Cassandra Dela Torre, ayaw mong nag-iisa ka sa kwarto pag nagbabaksyon tayo," sabi ni Catt habang inaayos ang mga gamit niya.

"Alam mo naman kung gaano kaboring para sakin yun diba? Pasalamat ka pa nga at pinatuloy kita dito sa room ko. Di nga kita pinagreserve diba. Di pag nagkataon sa labas ka matutulog, habang ako sarap na sarap ang tulog sa sobrang lambot na bed na to," pambabara ko sa kanya.

"To naman di mabiro."

Kinakalikot ko ang cellphone ko ng bigla kong maalala na gusto nga pala siyang kausapin ng jowa niya.

"Ay, Cat. Oo nga pala. May gustong kumausap sayo."

Halata ang gulat sa kanya ng sabihin ko yun.

"Ha? Sino naman?"

"Ewan ko di ko siya kilala. Basta ang sabi niya, gusto ka raw niyang makausap." Hindi ko sinabi na jowa niya yun dahil gusto kong lumabas mula sa bibig niya na may jowa na siya.

"Client ba?"

"Hindi."

"Babae o lalaki?" Tanong niya.

"Lalaki," tipid na sagot ko.

"Hmm, sino kaya yun?" Mahinang usal niya pero sapat na para marinig ko.

"Aba malay ko sayo. May kailangan ba akong malaman?" Paghuhuli ko sa kanya upang sabihin niya saking may jowa na siya.

"Anong kailangan mong malaman? Meron ba?" Balik na tanong naman niya sakin. Aba, hindi talaga niya nagets. Wala atang balak magkwento to eh.

"Ewan ko sayo. Basta, mamaya mag-usap daw kayo." Pasukong sabi ko na lang. "O siya, sumunod ka na kaagad pagkatapos mong mag-ayos jan. Mauuna na ako," paalam ko sa kanya bago tuluyang lisanin ang kwarto.

Pagkalabas ko naman, saktong sulpot naman nung lalaking jowa ni Catt. Ngingiti-ngiti siyang lumapit sakin.

"Hi. Good Morning Cassandra." Bati niya sakin with a wide smile. Buti naman at naalala niya pa ang pangalan ko matapos akong tulugan na lang kagabi nung itatanong ko rin sana yung pangalan niya.

Binati ko na rin siya with a smile. "Hello, Good Morning Mister."

Natawa siya ng konti matapos ko siyang batiin. May saltik siguro talaga to.

"Zac. Just call me Zac." At sabay pacute pa. Eh kung Zac-kalin ko kaya to. Ang gulo-gulo ng buhok, at grabe, amoy alak pa. Natulog talaga to sa aplaya kagabi? Puro buhangin pa yung mga braso niya at paa. Teka, parang nabulag ata yung pinsan ko. Sa pagkakaalam ko hindi ganto ang mga tipo niyang lalaki. Kinain niya rin pala mga pinagsasabi niya.

"Aahh. Okay, Zac."

"Dumating na ba si Catt?" Excited niyang tanong.

"Ahh, oo. She just arrived a while ago. Andun pa sa room. Nag-aayos."

"Ganun ba? O sige, pupunta muna ako sa room ko to freshen up. Magkita na lang tayo mamaya." Grabe, nagmamadali talaga siya ha. Atat masyado to.

"Okay," sagot ko na lang bago umalis.

Zac's POV:

Nagising na lang ako kanina na may yakap na bote ng beer. Nakahiga sa aplaya, shirtless at sobrang nasisinagan ng araw. Kung di pa ako ginising ng isa sa mga staff ng resort malamang nag-enjoy pa ako sa pagtulog dun.

Pabalik ako kanina sa kwarto ko ng makasalubong ko si Cassandra. Yung kausap si Catt kagabi. Walang paglagyan ang saya ko ng malaman kong nandito na siya sa resort at makakapag-usap na rin kami sa wakas. Kaya heto ako ngayon, nagmamadali na akong magprepare. Excited na kasi talaga akong makita siya.

Katatapos ko lang maligo ng biglang nagring ang phone ko. Hayss, si Mama, kukulitin na naman niya akong umuwi.

"Hello Ma?" Walang gana kong bungad sa kanya.

"Thanks God Zac, sinagot mo na rin ang tawag ko. I've been calling you since last night and you were not answering your phone. Ano na naman bang ginawa mo kagabi ha?" I knew it. Sesermonan na naman niya ako. Napabuntong hininga na lang ako sa mga sinabi niya.

"Iho, come home na. Stop searching for Catriona. Wala ka ngang makuhang balita diba? Pinapagod mo lang ang sarili mo."

"Ma, I already found her. Actually I'm on my way para makita ko na siya at makausap. As soon as we fix everything, I'll go home Ma, okay?" Pag-aasure ko sa kanya. 

"Okay sige Sweetie. Ingat ka jan, okay. I miss you."

Hayy. Feel ko na naman na hindi niya tanggap si Catriona para sakin. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit si Catriona lang ang ayaw niya sa lahat ng mga naging girlfriend ko. Mabait naman siya, matalino, maganda. Lahat na ng good qualities ng isang babae na sa kanya na pero ganun pa rin, ayaw sa kanya ni Mama.

"Okay Ma. I miss you too," sagot ko na lang bago tuluyang ibaba ang phone ko.

------
Hi mga Tyong😁 Sorry for the long wait. Mejo busy kasi sa school this past few weeks kaya ngayon lang nakapag-update. Susubukan kong mag-update ng mas madalas this week.

Yun lang mga Tyong. Don't forget the rule😁Vote, comment, share. Solomots💕lavyah mga Tyong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Helping Him To Find HerWhere stories live. Discover now