Maagang naghanda si Jenny papasok na kasi siya sa trabaho ito ang unang araw nya.
"Alissa calling...."ang nakatatak na pangalan ng tawag sa cellphone nya.
Sinagot nya agad."Hello o kumusta kana dyan,ok ka lang ba musta pag aaral mo?..excited na sagot ni jenny,kapatid nya ang tumatawag.
"Ok lang ako ate ikaw kumusta na dyan di kaba nahihirapan?.alam kasi nito na masungit sa kanya ang asawa.
Nasa Cebu kasi nag aaral ang kapatid nya kasama nito ang mga magulang nila.Medyo nahihirapan na nga siya kasi masakitin na rin ang mga magulang.Kaya naghanap siya ng trabaho para makatulong,tama na yung tinulungan siya sa magulang ni jake sa kapatid.Ayaw naman niyang pati personal na gastusin aasa pa siya,wala naman yun sa usapan.
"Oo naman ako pa?eh ate mo to diba tiwala ka lang saka nga pala may trabaho na ako kaya makapagbigay na rin ako sa inyo tuwing sweldo ko."pampalakas ng loob na sabi nya.
"Buti naman ate yaan mo pag nakatapos ako,humanda ka kasi lahat ng kabaitan mo ibabalik ko yan"nakatawang sabi ng kapatid.
"Sowwwsss talaga lang ha?o siya nga pala aalis na ako baka ma late pa ako e first day ko ngayon,ingat kayo lagi dyan tatawag nlng ako kina mama at papa later..bye...
"Okay ate fighting!!! Ingat ka din lagi."
Pagkatapos mag usap nila ng kapatid nya lumabas na siya ng kwarto.Pagbaba ni jeny nakita nya nasa kusina si Jake.
"Mam mag almusal kana ready napo sa mesa,pati yung kape."salubong ni manang.
"Hindi na manang mali late na ako sa trabaho first day ko pa naman cge manang alis po muna ako"
nakangiting sabi ni jenny sabay alis.Di parin sila nagkabati ni Jake after nung last silang mag usap tungkol sa trabaho nya.
Nag aabang siya labas nang masasakyan ng lumabas si Jake at patungo sa kanyang kotse.Dinaanan lang siya nito di man lang nag alok na isabay siya ,sabagay never pa syang sumakay sa kotse nito simula ng dumating siya sa bahay nito.
Grabe napaka arogante talaga nito..nakakalungkot isipin na wala man lang siyang pakialam talaga sakin kahit bilang isang babae man lang.
"E di cge yun pala ang gusto mo akala mo ha di ako marunong lumaban?di na ako gaya ng dati na pag sinigawan mo manginginig na agad kailangan kung lumaban para sa sarili ko ..bulong ni jenny sa sarili.
Nakasakay na rin sya mga ilang minuto after umalis ni Jake.
Gustuhin man ni Jake na isabay si Jeny sa pag alis pero di niya ginawa nagalit talaga siya dahil nag effort ang kasambahay nila sa almusal tapos mag mamadàli lang umalis para sa letseng trabaho na yun.Sabagay ano bang pakialam ko sa Jeny na yun.
Iba din ang babaeng yun palaban, siya pa nga yung may kasalanan kung bakit napasok ako sa sitwasyong to,ito pa ang may ganang mag relax..kung di ba naman ito pumayag wala sana sila sa ganitong posisyon!
Damn!My life really sucks!Matapos ang maghapon ni Jake na puro galit ang nasa isip kaya bago umuwi ng bahay..naisipang nyang mag bar muna..he needs some wine to freshen up his mind.
Mag aalas dose na yata di pa tulog si Jeny nag aalala siya kay Jake di pa kasi nauwi malalim na ang gabi..
Kaya hihintayin muna nya makauwi saka siya matutulog.
Pababa na siya sa sala ng marinig nya ang sasakyan..buti naman dumating na rin.
Kaya tumuloy nlng sya sa kusina para umimom ng tubig.Pagbalik nya muntik na syang mabangga dahil nakatayo ito sa may pintuan at nakapamulsa ang dalawang kamay sa pantalon nito.
Matiim ang mga titig nito sa kanya,natatakot tuloy siya kung anong nasa isip nito."Your still up?why? are you really acting as my wife waiting for her husband to come home,and you did worry bacause i came late?.." Nakangising saad nito na sa tingin niya nakainom basi sa amoy nito habang lumalapit sa kanya.
"Jake i think your drunk lets talk when your mind is clear."jeny said.
Sandaling napatitig si Jake kay Jenny di nya maiwasan kung bakit sarap sa pandinig nya ang pagbigkas ni Jeny sa pangalan nya kaya di nlng niya itinama na sir dapat ang tawag nito sa kanya.
Pero sandali lang yun natauhan agad siya."How about we have to act as a real couple hmn?you know what i mean right?"unti unting itong lumalapit sa kanya.
"Jake stop it!
"And if i dont,what would you do?eto naman ang gusto mo right?Nakuha mo ngang magpakasal sa akin dahil sa pera diba? eh di kasali na rin to".Akmang hahalikan siya nito buti nlng nakaiwas siya.
Nagmamadali siyang umakyat sa taas at doon ibinuhos ang kanyang nararamdaman,ang sakit isipin na yun ang akala ni Jake sa kanya.
Hahayaan ba nya na makuha ang gusto nito?Pag nangyari yon magbabago kaya ito?Dahil kaya niyang gawin yon magiging okay lang ang samahan nila.
Hindi lang dahil sa kapatid nya kaya siya pumayag makasal dito,dahil na rin may gusto siya kay Jake.Kung kailangan baguhin nya ang pakikitungo dito gagawin nya magiging okay lang ang lahat.