Chapter 1

14 1 0
                                    

"La alis na 'ko." sabi ko bago patakbong umalis ng bahay. Malapit na naman akong ma late pero di bale,  late comer naman talaga ako lagi mula elementary pa. Pero wag kayo! Honor student 'to!

"Kuya sa Easton High lang po!" pag papara ko sa driver ng tricycle kahit alam kong puno na. Ako na nga yung late ako pa ang mag eenarte, at ito namang si manong, nang dahil na rin siguro sa kahirapan ay di naman tumanggi. Syempre, fifteen pesos rin kaya pamasahi san n'ya hahanapin yun. At kahit kalahati lang ng puwet ko ang naka upo dun sa upuan sa harapan habang nakakapit yung kaliwang kamay ko at gitara naman sa kanan ay go parin ng go! Makaabot lang sa room ng DI MASYADONG late. 

At syempre, dahil sa late comer na naman akong talaga ay nasanay na sa akin ang mga guards at wala nang mga interrogations pang nangyari di gaya nung ibang studyante na dapat rumason muna bago makapasok at dapat valid! Naku! Alam kong medyo bias pero ano pa nga ba ang magagawa ko? 

Pagkapasok ko sa classroom, nag-aattendance na yung teacher. Di n'ya naman ako namalayang pumasok kasi nasa tabi lang naman ng pintuan yung upuan ko. 

"Hoy Jan! Ba't ngayon ka lang?" tanong ni Morisse, classmate ko mula paman junior high school.

"Di ka pa ba nasanay? At isa pa ba't parang pinagsakluban ka naman ng langit at lupa dy'an sa mukha mo?" 

"Eh sa panong hindi? Late ka nang dumating eh!" sagot n'ya na para bang ang laki talaga ng problema, anong nakain nito?

"Ganun? kelan ka pa namoblema sa pagiging late comer ko? Eh sa mula nang magka kilala tayo late na naman talaga akong lagi ah."  

"Eh kasi naman eh! Ngayon na tayo magpe present sa harapan at wala pa akong kakantahin! At kung sana ay di ka late ay naka pag practice pa sana tayo! Ikaw kaya yung mag aaccompany sa akin!" 

"Teka! Ngayooon?!" pabulong na pasigaw kong sagot sa kanya, gets n'yo?

"Yan! Magpa late ka pa!"  naputol naman yung pag uusap naming dalawa nang tumayo yung teacher, tapos na atang mag attendance. Sinusulat n'ya ngayon sa board yung mga mechanics sa presentation di umano. Sa katunayan n'yan last month n'ya pa talaga inannounce yan sadyang di ko lang talaga alam na ngayon na pala, wala kasi s'yang sinabing petsa  tas tong isang nilalang sa tabi ko naman ay para bang di alam ang salitang time management. Eh sa pa'no ba naman, sa malayo pa grabi makapag lakwatsa. Pero ngayong literal na malapit nang mag simula, saka pa natataranta, parang di pa ata na orient sa pag ka hilig mang ambush nitong si Ma'am.

"Jan! Pa'no na to?"

"Magbigti ka kaya."

"Janel naman eh!"

"to naman di mabiro" Nakita ko namang ngumuso s'ya kaya napatawa nalang ako sa isipan ko. Ewan ko nga rin kung ba't ba kasi naging kaibigan ko pa to eh sa liban sa pagiging pikon ay ang dali lang rin mag tampo. Kabaliktaran n'ya naman ako dahil liban sa medyo may pagka palaaway ako at medyo may pagka lalaki kung kumilos, parang gitara nga lang din ata yung nakaka sundo ko. At kung di n'yo alam, di rin ako nagdadala ng bag, nasa guitar case na lahat. Ilang piraso ng papel na naka ipit sa binder at ballpen na laging nasa bulsa, solve na. To the point na kapag una mo akong tinitigan ay talagang aakalain mong  ako yung tipo ng studyanteng walang pake sa grades, lakwatsera at baka aakalain mo pang tomboy. Wala ring nagkakamaling ligawan ako kaya hanggang ngayon NBSB pa rin ako... No Boyfriend Since Birth! Pero kiber! Ano naman ang mapapala ko sa mga ganyan? Wala di ba?

"Next! Janel!" Napatigil  naman ako sa pag iisip ko nang biglaang banggitin ni ma'am yung pangalan ko. Nag simula na pala, at pangalawa ako sa mag peperform. 

Kinuha ko yung gitara tas pumunta sa harapan. To be honest, di talaga ako nag prepare, basta kantahin ko lang yung unang pumasok sa isip ko. Pronunciation at stage presence lang naman yung habol ng teacher eh. Sinimulan kong kapain yung mga kwerdas, ninanamnam ang bawat notang kumakawala. At kung akala n'yo ay nag gigitara lang ako dahil hilig ko lang, nagkakamali kayo. Ibahin n'yo ako sa ibang gitarista, dahil tumutugtog ako na para bang parte na rin ito ng pagkatao ko. Ewan, pero kapag ka na simulan ko nang tugtugin 'to, kahit gano pa ako kagalit o kahit wala ako sa mood ay agad akong kumakalma. Na kahit ang sama na ng timpla ng araw ko makahawak lang ng gitara solve na!

"Mama, just killed a man
Put a gun against his head
Pulled my trigger, now he's dead"

Biglang tumahimik yung buong klase nang mag simula akong kumanta. Ang kaninang nagce cellphone, nagbabasa ng pocket book at ang kaninang masyadong busy sa pagkakabisa sa mga linya ng mga kakantahin nila ay tila ba atat na atat na naman ngayong marinig ang susunod na mga salitang kakawala sa bibig ko.

Di ko alam pero ang lahat nalang ata ay atentibong nakikinig pero parang di ata  nagugustuhan ng teacher namin yung presentation ko. Di ako sigurado, nakangiti naman kasi s'ya pero parang may iba sa ngiti n'ya. Parang... Ahh basta ewan! Unang beses kong makita yung teacher namin na ganto. Di naman s'ya ganto nung una. Siguro stressed lang 'to, balita ko'y kakahiwalay n'ya lang sa asawa n'yang kano. Kaya di ko nalang s'ya pinansin...

pero...

ChancesWhere stories live. Discover now