PATAKARAN

196 3 0
                                    

Bes mo ko, Bes kita

Laro tayo? Sige walang problema

Nung una, ang saya saya, pero humantong sa ang sakit pala,

Nadapa ako, nasaktan pero okay lang mahal naman kita,

Ay! Oo nga pala, Bes lang kita

Rule # 1

Wag mong ibigin ang taong bes lang ang turing sayo

Sige, simulan nating balik-balikan ang nakaraan nating puno ng sakit at pait.

Nakaraang di mo binigyang saysay at iniwang akong lupaypay.

Yung mga panahong tinapon mo lahat,

Lahat-lahat, pati pagkakaibigang ating pinagsamahan.

Minsan ako'y napaisip,pagkagising sa isang malalim na panaginip.

Bakit ko nga ba sasayangin pa kung pwede namang itigil na,

Pagkat sinta naguguluhan ako kun itatama pa ba o tama na.

Tama na kasi meron ka na!

Rule #2

Wag kang mag assume sa Bes mong meron ng iba

Bes nauna tayong magkakilala pero bakit siya ang pinili mong makasama,

Merong kayo at walang tayo pero kahit ganon minahal kita ng puro.

Mahal kita, Mahal mo siya, Ano ako extra?

Extra na pilit kong inaabot, ngunit di mo kinibot at pilit na nilimot.

Rule #3

Pag pagod na, wag nang ipilit pa

Oo mahal kita, pero tao din ako, kahit di mo nakikita. Tao ako

Mahal kita pero di ako tanga, top to brad wag mong tinatanga

Di ako bulag para di makita ang na gusto mo ang ate ko

Ang ate ko na sexy at ako na chubby ano nga bang laban ko?

Lumipas ang ilang buwan pumunta ka sa aming tahanan

Akala ko iyong si ate'y iyong itatanan

Ngunit pumasok si kuya at iyong tinignan.

Tinignan ang kanyang pandesal na walang palaman

Pinagpawisan ka't kinabahan

Dun ako nagsimulang maguluhan,

Pagkat natitigil ang tawanan pag si kuya'y dumadaan

Napapatigil at napatutunganga

Hanggang ika'y umamin na

Nadurog ang puso sa katagang mong

"Mahal ko Siya, matagal na"

Dun naguho ng pag asa ng puso

Kaya pala,

Kaya pala sa lahat ng kanyang laro ika'y walang mintis,

Kaya pala sa bawat alis,siya'y iyong namimiss

Kaya pala kahit si ate'y makinis si kuya ang iyong nais

Kaya pala. Kasi ika'y wais at lalaki ang iyong ibig

Rule #4

Pag nadapa, matutong bumangon wag manatili sa lupang kinaluluklukan mo

Nadapa ako , pero di ako lumpo para magmukmok at manatiling sugatan

Sa loob ng matataas na pader na binuo ko,

Isang ilaw ang lumabas sa punto,

Tinayo niya ako at dinala sa liwanag ng mundo.

Nakita ko ang saya sa piling mo,

Saya na nawala nung siya'y kasama ko.

Pagkat nabulag ng husto, at ika'y nakalimutan ko.

Hindi ako perpekto, ngunit ako'y inibig at di sinaktan tulad ng tao.

Rule #5

Diyos ang ibigin mo, di ka niya sasaktan tulad ng mahal mo.

Bes, Meron kang iba, pero meron akong Siya,

Siya, na nabayubay sa krus ng kalbayo

Siya, na inalipusta ng nakararami

Siya, na inako ang lahat ng kasalanan

Siya, na inalay ang buhay para lamang mabuhay ka at ako

Hindi ko siya nakikita pero pagmamahal niya palang higit pa sa inaakala mo

Dahil inako niya ang lahat, at piniling maging salat upang iligtas ang buhay ng tao.

At Siya, Siya ang Hero ko,

Pagkat Diyos ko wala ng hihigit pa sayo.

****

Guys ito yung unang una na natapos kong spoken kasi lagi pag nagawa ako hindi ko natatapos kasi nga may bago akong naiisip na gawin tapos ganon na naman hanggang sa wala na akong natatapos HAHAHA

Lovelots...

Cover: wiltedrose213

PoetryWhere stories live. Discover now