MADILIM NA MUNDO

119 3 0
                                    

Sabi ni isip tama na,

Sabi ni puso kaya mo yan, mahal mo diba??

Ngunit naguguluhan ako, naguguluhan ako kung itutuloy ko pa ba o tatapusin na,

Pagkat sa bawat  mapanghusgang tingin, sa bawat matang nakamasid,

Sa  bawat galaw ko, iniisio and sinasabi nila, dinaramdan ang pangungutya nila.

Naguguluhan ako.

Na sa bawat pagpatak ng luha sa mata,

Ay ang pagsilay ng mga mga ngiti sa kanilang mukha,

Hindi ko na alam pagkat ako'y napapagod na.

Napapagod na sa mga panghuhusga, sa mga pangungutya, sa mga mapanuring mata nila, ako'y napapagod na.

Hindi ko kailangan ng atensyon niyo,

Ang kailangan ko lamang ay ang tunay na pagmamahal galing sa inyo.

Talaga bang sinumpa ako?

Na kahit pagtanggap ay di ko matamo.

Ano bang kasalanan ko?

Ba't ako patuloy na pinarurusahan ng mundo?

Ano bang mali ko?

Nais ko lamang ay tanggapin ng tao,

Pero bakit ganito?

Bakit pati sarili kong magulang ay tinalikuran ako,

Alam kong ako'y bobo, tanga, pangit at walang kwenta,

Ngunit sapat na nga ba iyong dahilan para ako'y iwan niyo?

Sa mga panahong tinalikuran ako ng mundo ,

Si unan ang naging karamay ko,

Kasama si patalim na madalas na humahaplos sa aking pulso.

Na sa bawat gabing ako'y lumuluha,

Isang tinig ang bumubulong sa tenga ko,

"Tapusin mo na hindi kana mahalaga."

"Tapusin mo na may mahal na siyang iba."

"Tapusin mo na hindi ka na niya inaalala."

"Tapusin mo na upang wala ka nang sakit na madama."

"Tapusin mo na, tapusin mo na ang buhay mo."

Ngunit ayoko pa!

Dahil alam kong may Diyos na sa akin ay gumagabay,

May Diyos na sinasamahan ako nung mga gabing may bumubulong sa tenga ko.

May Diyos na sa akin ay tunay na nagbago.

At ngayon alam ko na  ako'y mapalad,

Na kahit walang magulang na sa akin ay gumagabay ay hindi ako sa kasamaan napadpad,

At alam ko na, na kahit wala sa aki'y tumatanggap,

Ay mayroong Diyos na sa akin ay hindi nangiwan at nagmahal,

Di tulad ng magulang na sa akin ay nagluwal.

At Diyos ko, ikaw ang liwanag ko,

Pagka't hinango mo ako sa aking madilim na mundo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PoetryWhere stories live. Discover now