Niyaya ako ni Ai na pumunta sa kanilang bahay upang doon matulog. Si Ai ay matalik kong kaibigan at almost 8years na kaming magkaibigan. Nagdadalawang isip tuloy ako kung pupunta ako kasi baka andon yung kuya nya.
Si Erick. Ayaw ko sa lalaking yon ever since grade 3 lagi nya ko sinisiraan sa mga kaklase ko na crush ko pa naman, kahit sa ibang estudyante na lalaki kaya walang nanliligaw sa akin e. And the fact na palagi nya akong inaasar kaya simula non makita ko lang mukha nya bwisit na ako.
Kinuha ko ang cellphone ko ng mag ring ito, si Ai pala natawag.
"Hello?"
"Sisssss sige naaaa, dito ka na matulog" Napabuntong hininga ako sa sinabi nya, napakagat sa labi dahil diko alam kung itatanong ko ba kung andun ang kapatid nya. Alam nya na ayaw ko rito pero nahihiya pa din ako kasi syempre kapatid nya iyon.
"Huy sis? Are you there? Or over there?" Nababaliw na naman to.
"Oh? Andito ako"
"Please na punta ka naaaaa, naipagpaalam na kita kay tito pumayag na sila atsaka don't worry wala si kuya dito kaya please sis?" Nagulat ako ng onti dahil sa inaasahan na pagbanggit sa kapatid nya.
Wala na akong magagawa dahil di naman nagsisinungaling tong babaeng to "Hays, fine"
"Yehey!!! Thank you sis, daanan kita sa bahay nyo a? Byee" Pinatay ko na ang tawag atsaka kumuha ng mga damit at kaunting gamit para sa pagiisleepover ko.
^^^
"Sherii namiss kitaa!!!" Agad akong niyakap ni Ai nung makita nya ako, di nya kasi ako nasundo dahil bawal naman syang lumabas ng gabi atsaka bago yung driver nila kaya di pa sila ganon nagtitiwala, weird pinasundo sakin pero di naman pala ganon pinagtitiwalaan psh.
"Haha namiss din kita" Napatawa ako ng ngumuso sya, diko alam dito pero ang childish ng babaeng ito.
"Kumain ka na? May pagkain sa kusina tara" Sakto naman na kumulo tyan ko, di na kasi ako nakakain kanina dahil sa pagiimpake ko.
Pumunta na kami sa kusina at kumain, pagkatapos ay nagshower ako. Gamit ni Ai ang sa kwarto nya habang ako dun sa general nilang cr, dito sa baba iyon.
Ngayon ko lang napagtanto na diko nadala ang toothbrush ko sakto naman na napatingin ako dito sa lababo, sa container ay meron don na pink na toothbrush. Siguro kay Ai to, she won't mind if i use her's right? Tutal halos magkapatid na kami at walang arte sa katawan.
Paglabas ko ay nakabihis na ako't nagpupunas ng buho– wtf!?
"Anong?!" Nanlalaki kong mata sa kanya.
"Ow you're here?" Sht. Bat sya andito? I thought may assignment sya na by group at magiisleepover sya sa classmate nya pero why is he here?
"What are you doing here Erick?" Masama kong tingin sa kanya.
"Woah easy, bahay namin to kaya dito ako nakatira. Alam mo naman yon diba? Bat mo pa tinatanong?" Argh, the nerve!
"I mean galing ka sa kaklase mo and i thought na dun ka tutulog so bat ka andito?"
"Wow, you admire me that much na alam mo kung asan ako?" Nakangisi nyang sagot sa akin.
"Just answer my gaddamn question" Mariin at nawawalan na kong pasensya.
"Okay chill" natatawa nyang tugon "Natapos namin agad iyong project namin and pagod na ako so i decided to go home" Hays wala akong mapapala dito. Nagsimula na akong magmartsa papunta sa kwarto ni Ai at wala naman akong narinig pa mula sa kanya.