First love never die. Sa tingin niyo ba totoo ito? Hmm,
May dalawang tao na simula sa pagkabata magkasama na, laging sabay kumain, kilala ng magulang ang isa't isa, lagi ding nag aaway. Tinawag na nga silang CHILDHOOD SWEETHEART.
Then, habang lumalaki sila nabubuo din ang pagtingin sa isa't isa. Si jaja ang babaeng napaka arte, selosa at seryoso pagdating sa pag ibig at si jamiel ang lalaking ayaw magpatalo, seryoso at ginagawa ang kanyang mga sinasabe.
Grade 5 pa lang si jaja, naglabas na ng nararamdaman si jamiel. Di naman mahirap mahulog kay jamiel dahil simula bata alam na nila ang ugali ng isa't isa. Ayun, nahulog na si jaja. <3
6 months nanligaw itong si jamiel kay jaja, di nila alam kung seyoso ba ito dahil elementary pa lang sila ng mangyari ang mga ito. Dahil sa efforts ni jamiel, napasagot niya si jaja. Naging sila, <3
After 1 year, grade 6 na itong si jaja, freshmen naman sa highschool si jamiel. Naging selosa ng todo itong si jaja dahil si jamiel ay highschool na at siya ay graduating pa lang. Halos araw araw nalang sila nag aaway, pero di naman natatapos ang araw na di sila nagbabati. Mahal na mahal lang talaga nila ang isa't isa. Doon din nila na-realize na kahit bata pa sila ay seryoso na sila sa samahang meron sila.
The WORST DAY came. Padaan si jamiel at ang kanyang kaklaseng babae sa tapat ng bahay nila jaja. As in silang dalawa lang, tinawag ni jaja si jamiel pero hindi siya pinansin. Naging understanding naman si jaja, baka di lang narinig ni jamiel. :((
Pabalik na si jamiel, dumaan siya sa bahay nila jaja.
Jaja: bakit di mo ko pinansin kanina? kasama mo lang siya di mo na ko pinansin.
Jamiel: sorry naman, wag ka na magalit. pahiram ako ng gitara mo ah,
Jaja: pahiram muna ng cellphone mo.
Jamiel: oh, wala ka namang mababasa jan eh.
Pumasok na si jamiel sa loob at naiwan si jaja sa labas ng biglang...
"1 message receive"
binuksan ni jaja ang message. SHOCKS!
text : thanks sa paghatid kanina, " KAYA MAHAL NA MAHAL KITA EH :* "
Nagulat si jaja, nasaktan siya at sobrang nagalit, >.< </3
tinanong niya si jamiel kung totoo ba yun, kung ano sila nung kaklase niya. Ang tanging sagot lang sakanya ni jamiel ay " EWAN KO ".
Dahil sa nangyari, nag decide itong si jaja na makipag break. </3 At ang lalong ikinasakit ng puso niya ay ang madaliang pagpayag ni jamiel na maghiwalay na sila.
Mahigit 1 month din ang naging pasakit nito kay jaja, lagi siyang umiiyak, di na kumakain at madaming bagay na ang nagbabago sakanya.
After 6 months, wala na kay jaja ang nangyari pero minsan di maiwasan na di niya ito maalala. Binago niya ang kanyang sarili. Naging palaban siya, ngunit TAKOT NA MAGMAHAL. :(
Biglang bumalik itong si jamiel. Humihingi ng 2nd chance kay jaja. Pero di siya pinagbigyan ni jaja. Dumaan ang 1 year, di pa rin sumusuko si jamiel. Ito namang si jaja NAGPAKATANGA nanaman. Tinanggap niya si jamiel, at muli naging sila. Bumalik nanaman ang dating jaja. :(
Turning their 9 months, wala pang greetings si jamiel. Nagtext ito ngunit hindi ito pagbati, kundi " may iba ka na pala eh, itigil na to " . Nagulat si jaja, nag usap sila ni jamiel. Narinig na nila ang explanation ng bawat isa. Mas naniwala si jamiel sa mga tsismosa jan at di man lang pinakinggan ang side ni jaja.
" Ang sakit naman nun, sa kanila naniniwala ka, sakin hindi " :( T.T
BREAKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK! </3
Nasaktan nanaman si jaja, pero hindi niya alam kung ganun din si jamiel. Haayyy! :(
No more chances, no more communication. Pinili ni jamiel na umalis nalang at lumayo para di na mahirapan si jaja.
After 7 months, nagparamdam itong si jamiel. Pero nakakagulat dahil di niya alam pumasok na pala sa SEMINARYO si jamiel. Nasaktan si jaja dahil past siya nito at di na matutupad ang salitang " FOREVER, TAYO PA RIN " . Naging masaya si jaja para kay jamiel at hanggang ngayon pumupunta si jamiel kila jaja para dumalaw.
Still, their friends. :)