"Umalis ka nga dito Jam" inis kong sabi sa kanya.
"Ayoko nga blehhh" aba talagang iniinis niya ako ah.
"Pag hindi ka umalis diyan sa upuan ko sige ka sasabunutan kita"
"Edi sabunutan mo" nangiinis na sabi njya dahil sa sinabi niya sinabunutan ko agad siya..
Aahhhhh. Bakla ba siya? Kalalaking tao ginantihan ako. Kalaa niyaa ah .
"Aaaahhh. Ayaw ko na Aiah alisin mo na yung kamay mo sa buhok ko baka malagasan pa ako ng buhok dahil sayo eh"inalis ko na yung kamay ko sakanya naaawa kase ako sa itsura niya.
"Ang weak mo naman,lalaki kaba talaga?" Nangaasar kong sabi sa kanya. Umalis na siya dun sa upuan ko . Sa wakas makakaupo nadin ako.
Nasa classroom kase kami . Kami pa lang dalawa ang nandito. Hindi ko nga alam kung bakit ang aga aga niya pumasok ngayon eh dati nga sobrang late yan pumasok. Ano kaya nakain nito.Ang nakakainis pa katabi ko lang siya. Wala siyang ibang ginawa kundi sirain ang buong araw ko. Sa wakas nagsisidatingan na ang aming mga kaklase.
"Ano tinitingin tingin mo diyan"paano ba naman kase nahuli ko siyang tinitigan ako.
"Tinitignan ko lang kung gaano ka kapanget"asarin ba naman ako. Hindi ko na lang siya papansinin baka magka wrinkles pa ako ng madami.Andito na siya. Mygad . Kinuha ko yung salamin sa bag ko at tiningnan ang itsura ko.Parang ang haggard ko ata ah. Makapagretouch nga muna ako. Naglagay nalang ako ng powder sa face ko at liptint sa lips and cheeks. Tanannnnn . Maganda na ako hihi .
"Hi Philip" nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Hello". Ang pogi niya talaga pwede na ba mahimatay ?feeling ko talaga namumula na yung mukha ko.
"Wag ka ngang ngumiti diyan para kang asong ulol"parang nandidiri niyang sabi.
"Wala kana dun. Siguro naiinggit ka kase walang nagkakagusto sayo hindi katulad ni Philip na sobrang daming nagkakagusto."
"Aanuhin ko naman yung mga nagkakagusto sakin kung iisang tao lang naman ang nagugustuhan ko?"
"Ikaw may nagugustuhan? Sino kaya yun? Ang malas naman ng babaeng magkakagusto sayo"hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya.
"Oo naman ,ano tingin mo sakin hindi marunong magmahal? Ito ang sasabihin ko sayo mukha man akong manloloko pero stick to one to." Hindi ko nalang siya pinansin at tinuon ko nalang ang atensyon ka sa aking teacher na nagdidiscuss.
Sa wakas at uwian na din kami.Si philip yun diba? Malapitan nga. "Hi philip"
"hello"
"anong ginagawa mo dito?"
"May hinihintay lang"
"sino naman yung hinihintay mo?" "yung driver namin"
"Ikaw,pwede ba tayong magdate?" "Pwede naman"kilig kong sabi. "Bukas? 6 pm?" "Sure"Makaalis na nga kailangan kong magbeauty rest para maging mas maganda ako bukas. Sa hindi inaasahang pangyayari. Nakasa lubong ko si Jam mukha ata siyang badtrip ah? Bahala siya basta ako kailangan ko ng makauwi para makapag pahinga .
Habang naglalakad ako hindi ko namalayan na muntik na ako maano ng tricycle.Ngunit si Jam hinatak ako kaya nakaiwas ako ngunkt tumama naman ako sa kanya.
"Umm. Thank you pala" nahihiya kong sabi sa kanya
"Bakit kase ang clumsy mo . Yan tuloy muntik kana maaksidente"
"Hmph. Oo na ako na yung clumsy pasalamat ka niligtas mo ko.Kumain kana ba?""Hindi pa nga eh" " gusto mo samin kana kumain"
"hindi pa nga tayo pero gusto mo na agad ako ipakilala sa pamilya mo. Ikaw ah may tinatago ka palang pag tingin sakin hahaha"
"Wag ka ngang assuming diyan. Pasasalamat ko na din ito sayo kahit papaano,pero kung ayaw mo naman ayos lang sakin"
"Wala naman akong sinabing ayaw ko eh."