PLAY NIYO PO YUNG VIDEO SA RIGHT SIDE :) THANKS AND ENJOY.
12 years. Twelve years ko na kinikimkim tong sama ng loob ko sa nanay ko. Sa bawat luhang pumapatak sa mata ko, sa bawat hikbi na iniinda ko at sa bawat uhog na sinisinghot ko. Walang alam ang nanay ko. Walang syang alam. Kasi.... Wala syang pakelam. Para sakin, Ibang iba talaga ang trato niya kumpara sa tatlo ko pang kapatid.....
Ako si Merphine Meyer Estrada. 14 yrs. old. Isa lang ang kahilingan ko sa buong buhay ko. Isang kahilingang para saaki'y walang katuparan..... Na para saki'y isang grandeng kahilingan na kahit kailan hndi matutumbasan ang aking kaligayahan. Na kahit sa isang saglit ng aking buhay, maisasakatuparan.
AUGUST 29, 20**
"Meme hugasan mo na yang pinagkainan!" utos ni Mama.
Agad naman akong tumayo saaking kinauupuan at agad na tumungo sa kusina para hugasan ang pinggan.
Apat kaming magkakapatid. Pangalawa ako sa bunso. At nagiisang babae.
"Meme pagkatapos mo riyan labahan mo lahat ng bag at sapatos ng mga kapatid mo pati narin yung sayo" sabi nya
"Opo." sagot ko
Ako na lamang ang katulong ni nanay sa mga gawaing bahay dahil nagiisang babae ako. Tandang tanda ko pa ang katagang ibinato nya sken na "Ang babaeng katulad mo dapat parating kumikilos sa bahay yan mapalaba, mapalinis, mapahugas at mapaluto. Babae lahat gumgawa nyan. Para pag asawa mo may alam ka. Yung hindi ka tutunganga. Ano ka mayaman?"
Si Papa? Ayun. Sumakabilang bubong na. Bilang daddy's girl napakasakit para saakin na iwan ako ng papa ko. Sya lang yung super close ko. Yung parating kausap ko. Sa kabila naman ng pagiwan nya saamin, hinding hindi nya nagawang kalimutan ang natatanging responsibilidad nya bilang ama. Buwanan syang nagpapadala ng pera para sa sa pang araw araw na pangtustos. Paminsan minsan ri'y dinadalaw nya kami ng may dalang iba't ibang pasalubong.
Matapos kong gawin ang mga pinapagawa ni Mama, bumalik ako sa pwestong aking kinauupuan. Nanunuod silang apat sa Sofa. Samantalang ako nama'y nakahiwalay sa tabi at nagiisa. Bakit ang loner ko? -.- Nahihiya ako makisali skanila.
Biglang nagsalita si Mama.
"Katapusan na pala ngayon, siguro nagpadala na ang ama niyo. Magbihis kayo't magmamall tayo."
Tuwang tuwa naman ako at agad na tumungo sa kwarto para magbihis...
"Maiwan ka nalang Meme. Walang magbabantay ng bahay. Wala ka namang gagawin doon. Bibilhan nalang kita."
Awch. Pahiya ako dun ah. -o- Pero, sanay na ako. Magaaral nalang ako para tumaas yung grade ko tapos maipagmamalaki ako ni mama.
9pm na at gutom na gutom na ako. Ang tagal nila mama.
Halos nakatulugan ko na ang iniinda kong gutom..
"MEME BUKSAN MO ANG PINTO. MEME!
Dali dali kong binuksan ang pinto. At tumambad sakin ang sobrang dami nilang pinamili! Naexcite naman ako kasi andami nilang hawak.