Author's Note: Hello! This is my first time to right here kaya sana po magustuhan niyo. This is inspired by the commercial of close-up. Kailangan ko pa kasi muna nang basis dahil nagsisimula pa lang ako. This is a short story about kina Marc and Gabby.
Pero dahil kulang yung story sa commercial, gagawan ko siya nang panimula at ending na rin. Gagawan ko rin siya nang dalawang POV's, isa kay Marc at isa kay Gabby para malaman niyo ang both sides of the story.
Watch niyo na rin yung youtube video sa nung commercial sa side para may guide kayo. Hope you'll enjoy reading this! :)
P.S. Mag-Vote and Comment rin po sana kayo. Salamat ulit. :)
---
<Marc's POV>
I'm Marc Andre F. Lorenzo. 17 years old. Fil-am but I grew up here in the Philippines. I'm 2nd year in college and studying at Southville Academy taking up Business Administration.
My friends call me Marc but I'm also known as The Boy Torpe. Sa edad ko kasing ito wala pa akong nagiging girlfriend. My relatives and friends always ask me kung bakit wala pa daw, eh meron naman daw akong itsura. In fact, gwapo at mukhang gentleman naman daw ako sabi nila. Pero kahinaan ko kasi talaga ang magtapat sa isang babae.
I grew up in a broken family. Di ko alam hanggang ngayon kung bakit naghiwalay ang parents ko but I don't bother ask my dad kung bakit. Ayaw ko na rin malaman.
I'm living with him here in the Philippines.
My mom is a full American. She's Denise Foreman(pero Cooper na ang surname niya ngayon). Sa ngayon, nakatira siya sa U.S. with her two kids and husband.
Dun din sila nagkakilala nang aking Dad at dun din kami tumira hanggang nung nag-4 years old ako nag-divorce sila, and me and my dad migrated here in the Philippines. Pero ngayon I think they're friends at wala na yung conflict between them.
Once ko pa lang nakikita ang Mom ko. I was 14 years old then, and we visited her in the U.S. Mababait naman yung mga anak niya but I've never seen his husband and I don't know why.
She told me that she miss me so much pero ang hindi ko maintindihan kung bakit di man lang niya ako pinupuntahan dito sa Pilipinas.
Sabi niya magcommunicate na lang kami througn phone or social networking sites at ayos na rin sa akin yun dahil may tumatayo naman nang second mom para sakin.
My dad is Richard Lorenzo. He is a businessman. Busy man siya sa kanyang work, masasabi kong hindi pa rin siya nagkukulang sa pagiging ama niya. He provides for my needs and wants and masaya na rin ako dahil kahit papano nakakasama ko pa rin siya dito sa bahay.
Meron siyang new wife at nakatira din siya sa bahay. She's Tita Via. I call her tita kasi I feel awkward kung "mom" ang itatawag ko sa kanya. She is not the typical "evil" stepmother na napapanood natin.
Mabait siya at maaruga. Nagproprovide rin siya sa aking pangangailangan and that is enough para matawag ko siyang aking second mom.
Dahil na rin siguro sa paghihiwalay nang parents ko kaya torpe ako. Natatakot ako na matulad sa kanila ang mangyari sa akin.
I don't also know yung mga saloobin nang mga babae dahil wala akong mom na makakausap tungkol dun. Tita Via is so busy at iba rin kung sarili mong ina ang makakausap mo tungkol sa love.
Above all, my greatest fear na rin is rejection.
Pero I know na hindi dapat ako matorpe kung may magustuhan akong babae dahil alam kong pagsisisihan ko to, just like nung High School ako.