My 248 Missions (One Shot)

2.1K 63 26
                                    

Dedicated kay Ms. Ales kasi I'm a big fan.. At isa siya sa mga hinahangaan ko dito sa Wattpad. I'm so in love with Red niya. Ang ganda talaga ng stories niya, pinaiyak ako ng NTBTG at pinatawa din ako. Basta love na love ko talaga ang mga works niya.. Kaya sa kanya ko to dinededicate dahil natuwa ako dun sa one shot niya na So You're a Gangster pati na din yung short story na But he's a Delinquent. Kyaa basta Jamantha ako! :D Good luck po 

                                                         My 248 Missions

___________________________________________________________________________

Naranasan mo na bang mapahiya sa harap ng crush mo? Yung bang prang hindi mo na kaya pang pumasok sa school dahil sa mga pinaggagawa mo?

AKO! Naranasan ko na mapahiya! Lagi kaya akong napapahiya sa crush ko pero hindi ako sumuko until one day wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanya o sa buong campus.

That was the most embarrassing moment of my life, tila bang tumigil ang mundo ko nung nagawa ko yung pagkakamaling yun.

Ano yun? Pero hindi ko kasalanan ang nangyari! Sisihin ang FACEBOOK! Ano ba ang tinutukoy ko? Hulaan niyo. Di joke lang, I accidentally changed my relationship status with my crush. So ano ang dapat kong gawin?

It all started…..

“Kath padaan na siya!” sabi sa akin ng aking kaibigan na si Ericka. Sino ang dadaan? Walang iba kundi si Charles Robert Villanueva, ang ultimate hottie dito sa campus namin. Lahat ata ng babae pinagkakaguluhan siya, at proud to say isa ako sa mga babaeng yun!

Ay ako nga pala si Elizabeth Katherine Andrada, at crush na crush ko si Charles, I’m his number one stalker. Lahat alam ko tungkol sa kanya.

My one sided love started when freshman palang ako at siya naman ay isang sophomore, natamaan lang naman ako ng bola na pinasa niya sa kalaro niya dati sa may quad, lumapit siya sa akin, hindi lang ata ang ulo ang natamaan  ng bola pati pala ang puso ko  tinamaan na sa kanya. Kyaaa. Ang gwapo gwapo niya kaya since then crush ko na siya.

When he’s around nagpapapansin ako, kung ano ano ang pinaggagawa ko para mapansin ako, tulad ng pagkanta ko kahit nasa public area kami ng mga kaibigan ko, bakit maganda naman ang boses ko eh at isa pa libreng concert na nga yung ginagawa ko eh. Lagi din akong tambay sa building nila, minsan kunyari natatalisod ako at kung ano ano pa.

“Teka lang hindi pa ako ready.” Sabi ko kay Ericka, third year na ako ngayon at siya parin ang crush ko. Nagayos na ako ng sarili ko nagpaganda pa ako para sa aking Mission # 230.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at inayos ang bag at ang mga pina-photocopy namin kanina lang para sa buong class. 500 pieces ang total nung mga papel na hawak ko.

“Good luck!” sabi ni Ericka sa akin, sa mga kaibigan ko siya lang ang kunsitidor sa mga kalokohan ko, sa mga naging 229 plus ngayon na mission siya ay laging handa para damayanan ako. Diba ang galing galing niya!

Nag flying kiss pa ako sa kanya at sabay wink, at naglakad na ako papunta kay Charles, simple lang ang mission ko ngayon at ayun ay ang magkabungguan kami at tutulungan niya akong pulutin ang 500 pieces na papel na magkakalat sa sahig bwahaha.

My 248 Missions (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon