Untitled Part 1

885 143 51
                                    


Mabilis natapos ang exam, kalahating oras pa ang natitira. At dahil walang magawa ay napag-pasiyahan ng aming guro na magpa-debate sa kalalakihan at kababaihan.
Ma'am: Boys versus Girls tayo, okay? Isang panlaban ng babae at isa sa lalake.
Agad na nagturuan ang aking mga kamag-aral.
"Ma'am! Ma'am! Si Vin sa lalake." Sigaw ng panig ko, ako ang tinuturo nila. Napa-singhap ako ng i-boto ng kababaihan si Ella, hindi ako handa sa mga sasabihin lalo na't siya ang aking makaka-harap. Lalo naman akong pinaka-kaba sa ginawang punto ng aming guro.

"Oh, Vin at Ella, ang topic niyo ay why do boys cheat, and why do girls leave. Alam niyo na naman kung ano ang ipaglalaban niyo d'yan, why do girls leave for Vin. And why do boys cheat for Ella. Start!"

Ilang sandali'y tumahimik ang paligid at tunog lamang ng pag-ikot ng bentilador ang tanging maririnig sa silid.
Hindi ako maka-tingin ng diretso sa kaniya at ganun din siya.

"Hoy Vin, Ella! Ano na?" Senyas ni Mico sa amin.

Inunahan ko na ang mag-salita, 'di man praktisado ay bahala na kung ano ang lalabas sa bibig ko.

"Why do girls leave? Dahil nag-sawa, nan-lamig, napagod hanggang sa sumuko sila, mahina kasi." Ang bawat bigkas ko'y may diin, halatang sa kaniya mismo ang hatid nito.

"Why do boys cheat? Dahil hindi sila marunong makuntento sa isa, gusto nila nabibilang sa kamay ang babaeng meron sila. Para may reserba kapag pinagsawaan 'yung isa."
Sa huling linya'y tumingin sa akin si Ella.

Tumingin ako sa mata niya't nagka-tagpo ang aming tingin, nababasa ko sa kaniyang mata ang sakit, namumula na ito't wari ba'y nais ng bumagsak ng luha.

"Oh, oh walang iiyak ha. May nangyayari bang hindi ko alam? Vin at Ella?" Basag sa katahimikan ng aming guro.

Ang buong klase'y tahimik pa rin. Tila ba'y ayaw nilang wasakin ang pagkakataong mabuksan at mapag-usapan namin ni Ella ang ganitong bagay, dahil mula noong mag-hiwalay kami ay pilit at suportado silang maibalik ang nakaraan.

"Change topic, eto naman. Lahat ba ng tao, deserve ng second chance or more?"

Nabuhayan ako sa sinabi ng aming guro, maipa-pahayag ko na rin ang matagal ko ng nais sabihin. Mabilis akong sumagot.

"Opo, Ma'am! Si Lord nga kahit marami tayong kasalanan binibigyan pa rin tayo ng chance, eh 'yung tao pa kaya?" -Vin-

"May taong hindi na deserve bigyan ng chance, kapag sobrang sakit na ng ginawa. Baka ulitin ulit 'diba? Minsan kailangan gamitin ang utak natin, 'wag puro puso." -Ella-

"Kung kaya namang magbago nung tao, why not? Isa pa kung may nararamdaman ka pa dun sa tao, isang dahilan din 'yun para pagbigyan mo siya ng pagkakataon. Dahil kung mahal mo, pagbibigyan mo. 'Wag mo i-sarado ang puso mo na magbigay ng chance sa mga taong deserving pa rin naman kahit papaano. Hindi naman ibig-sabihin na nasaktan ka ng isang beses eh uulit-ulitin na, syempre dapat tingnan mo 'yung sitwasyon kung after ba nun wala pa ring pinagbago 'yung nanakit sa'yo. Kung pinagsisihan naman niya ng sobra 'yung ginawa niyang mali, tao lang naman tayo. Minsan saka lang matututo kapag nagawa na 'yung mali. At kung nagbago siya para sa'yo, bigyan mo ng chance. Dahil hindi lahat ng bumabalik eh nagbabago para sa taong mahal nila."

Pagkatapos kong sabihin 'yun, hindi na muling nakapag-salita si Ella, nakita ko ang butil ng luha sa kaniyang mata. Sigurado akong naramdaman niya ang pagiging seryoso at totoo ng sagot ko.
Kinuha ko na ang pagkakataong iyon, hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon, hinawakan ko siya sa kamay at biglang lumuhod. Na ikina-kilig nilang lahat.

"Ella, alam kong mahal mo pa ako. Pinagsisihan ko naman na lahat, matagal rin akong naghintay ng ganitong pagkakataon para masabi ang panig ko. Pinakita ko naman na nagbago na ako, 'diba? Kahit ngayon lang, kahit isang chance nalang at hindi ko na sasayangin pa 'yun. Ibibigay ko na lahat ng pagkukulang ko noon. Please, Ella. Just give me one more chance and I will prove to you how much I love you."

Hindi siya sumagot ngunit ang pag-yakap niya sa akin ng mahigpit ay sapat na upang malaman kong pinagbigyan niya ako. Sa mga oras na 'yun ay napawi ang lahat ng hirap at pagod sa paghihintay ko ng lampas kalahating taon.

Lumapit ako sa aking guro para magpa-salamat, dahil sa debate ay nagka-balikan kami.
Bago pa man ako mag-salita ay inunahan na niya ako.

"Vin, alam ko ang nangyayari sa mga anak ko dito sa paaralan. Nito ko lamang napag-alaman na naghiwalay kayo, eh kung nagsabi ka agad edi matagal ko na sana pina-gawa 'yan? Sinadya ko ang debate para magka-ayos kayo. Pakatatag kayo, 'nak."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DebateWhere stories live. Discover now