ERIC'S NARRATION
3 words, 8 letters... ang salitang pinakanakakatakot bitawan dahil sa kadahilanang hindi lahat ng nagtatapat nito ay nakakatanggap ng sagot.
Oo isang statement na hindi naman tanong ngunit marami ang naghihintay ng sagot. Ngunit sa mga naganap at pinakita ni Jake alam kong bibigyan nya ako ng magandang sagot pag binitawan ko ito.. Sana... Hindi pala ako sigurado. pero sana."I love you Jake." ang sambit ko.
May katahimikan gaano katagal na ang nakalipas? parang napakahaba. Isa dalawa, tatlong segundo? parang isang oras na.. Sumagot ka Jake. Ayokong masaktan ayokong maulit
ang pagibig na humantong sa wala gaya ng pagmamahal ko kay Coby 3 years ago.
"Mahal na mahal din kita Eric.. Mahal na mahal." Sumagot sya ng pabulong. ramdam ko ang kanyang mga luha sa aking leeg.
Hindi ako nagkamali..Mahal ako ni Jake. Napakasaya ko. mahal ako ng taong mahal ko. Isang bagay na mahirap makamit pero kapag nakamit mo you could clearly say na its worth the wait. Parang kahapon lang magkaibigan kami. Eto na kami ngayon. Nakakapanibago pero ayos lang. I never fear change. Napakasaya ko.
Nagyakapan kami ng mahigpit at pinaglapit pa lalo ang aming mga katawan. Gusto kong magtagal pa kami sa ganitong posisyon ng pagkayakap ng mas matagal pero kailangang matapos din. Naghiwalay kami. Nagkasundo kaming kanila jake ako matutulog tonight. Kinuha ni jake ang kaliwang kamay ko ng kanyang kanan at hinila ako paakyat ng kanyang kwarto. Pareho kaming nakayuko sa carpet. May katahimikhan. Parehong nahihiya na tumingin sa isat isa. Hindi alam at walang gustong magisip ano ang susunod na mangyayari.
Nasa kwarto ako ni jake. alas kwatro na ng madaling araw. Umaga na ng sabado. Hindi ako matulog. hindi na katabi ang taong mahal ko. Masyado pa akong naooverwhelm ng mga pangyayari.
Natutulog si jake ng nakaharap sa akin. Ang kaliwang kamay nya ay nasa bewang ko. Rinig ko ang napaka makalama nyang paghinga at ramdam ko rin ang init nito..
Ang pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib.. Napakgwapo ng mahal ko, katabi ko, yakap ako.
sabi nyay mahal nya ako. Kaya siguro ako nakatitig sa kanya. natatakot ako na kapag ipinikit ko ang mga mata ko ay malamang panaginip lang ang lahat ng ito.
Ayoko itong matapos. Natrauma na ako kay COby, ang una kong boyfriend. Kung magkakataon si jake ang magiging pangala kong boyfriend at sana ay syang huli na din. Tumulo
nanaman ang mga luha ko. mahal na mahal ko si JAke. Tinanggal ko muna ang pagkakayakap nya sa akin at umupo sa kama upang punasan ang aking luha. Tinignan ko sya?
bumilis ang kanyang paghinga na parang naghahabol sa hangin.
Mabilis kong hinawakan ang kanyang kanang kamay at inilapat ang aking mga daliri sa pagitan ng kanya at ang isang kamay ko naman ay niyakap sya.Muling bumalik ang
kanyang paghinga sa normal at may nakita akong mga ngiti sa kanyang mga labi.
Mga alas singko na ako nakatulog nun. 8am ng kami ay nagising, parehong wala pa kami sa wisyo. medyo inaantok pa. PAreho kaming nakatingin sa ceiling ng room nya kung
saan may poster ng bandang Coldplay.
"Gusto ko din ang Coldplay.." wika ko para basagin ang katahimikan.
"Ako din..astig sila eh." wika ni jake
"Gusto din kita.." ang sambit ko
"Ako din, gusto ko sarili ko astig ako eh.. " sagot ni Jake ng pabiro na may nakakalokong facial expression
Nagtawanan kami ng malakas.. Pagkatapos nun ay may katahimikan nanaman.
BINABASA MO ANG
Ikaw na Minsan Kong Naging Kaibigan (boyxboy)
RomanceNot your Typical Gay Love Story