14-After The Heartbreak

329 36 36
                                    

Have you ever seen the sun after the heartbreak?

Frozen somewhere in time

Have you ever seen the stars after the word goodbye?

This song by Brielle Von Hugel best described my state of mind after what Nessie did to me.

The night after I cut class with Nine, nakahiga lang ako sa kama at nakatulala while listening to this song on Youtube. Nagkataong natyempuhan ko lang ito sa suggested videos, and nang mapakinggan ko ito, tagos sa puso ang lyrics, even if I did not break up with a boy.

Gaya ng sinabi ko noong una, pwede rin cause ng heartbreak ang isang kaibigan na tinalikuran ka at ayaw ka nang makasama.

Nakatulog ako nang hindi ko na namamalayan ang oras. Pagkagising ko kinaumagahan, the first thing I saw was my phone beside my pillow, along with my tangled earphones. Na low-batt na ito.

I struggled to get up and rubbed my forehead. Naalala ko ang mga pangyayari sa canteen with Nessie. It hurts so much when everything came back to me.

Tanggapin mo na, hindi mo na siya kaibigan.

Looks like I have to remind myself about this over and over from now on.

I pulled myself out of my bed. Picking up my cellphone, nilapag ko ito sa bedside table at sinaksak sa charger. Napatingin ako sa alarm clock. 8:30am na, at ang una kong klase ay 9am.

Napagdesisyunan ko na hindi na muna papasok ngayong araw. Hindi ko kakayanin kung makasalubong ko si Nessie sa kung saan man parte ng uni. I don't have the heart to face her. Baka hindi ko mapigilan ang sarili na tawagin siya at piliting makipagbati sa akin.

Pero naisip ko rin, useless din kung gagawin ko iyon in person. Maybe I should accept that we will never be friends anymore. Siguro nga, di ka pwede makipagkaibigan kung isang sikat na writer ang kaibigan mo at ikaw ay hamak lamang na nasa ibaba niya.

If I can't be like her, sa academics na lang ako babawi.

Napagdesisyunan ko na ngayon na hindi na ako magsusulat at magpo-post ng kwento sa nasabing site.

Besides, nag-enjoy naman ako during my three years. May buhay sa labas ng Wattpad. At ang buhay na iyon ang sisikapin kong makamtan at gawing meaningful para sa akin.

---

Wala namang tao sa bahay namin buong araw, kaya hindi big deal sa aking pamilya na hindi ako pumasok. Nagkulong lang ako sa kwarto at nakinig ng music na malungkot. Naisipan kong mag log-in sa Wattpad pagkatapos. May mga nagco-comment pa rin sa mga characters ni Nessie sa story ko. I just muted them, my mind felt tired and numb to even shoo them away.

I typed a message on my bulletin board:

"Hi, thank you for the wonderful three years I spent with you here. This is VennyG signing off on Wattpad."

Yun lang ang nilagay ko. I logged out without explanation.

Sila na bahala mag-interpret kung bakit ako nag-sign off. Sa bagay, nawalan na rin ako ng gana magsulat after everything that happened. Hindi na ulit ako nag-log in sa Wattpad after this.

---

The next day was a struggle for me going to class. I tried to put on a normal face the moment I walked in my school halls. Mag-isa na pala ako starting today. I have to brave this out.

"Venny! Hi, ikaw ba nag-send ng anonymous confession about Nessie Vargas?"

Tumigil ako sa paglalakad at lumingon. A girl with curly hair smiled sheepishly at me. She's none other than Kelly Sia, the entertainment writer for the school newspaper. Isa rin siyang kilalang tsismosa, at alam halos lahat ng nagaganap sa school, mula sa mga admins hanggang sa mga estudyante. You wouldn't want to meet her. May ability siya to ruin your day by asking you irritating personal questions.

The Green-Eyed WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon