Uhaw

682 9 0
                                    

        “May huling bilin ka ba bago ko tapusin ang buhay mo?” wika ko sa noo’y naghihingalo at duguan nang katawan ng isnatser. “Hu- hu-wag po. Pa-parang awa mo na. Na-nasa ospital ang a-anak ko. Ako n-nalang ang ina-asahan nya.” Nababalot ng takot ang mga mata nito habang nagmamakaawa. Kinukuha ko sa likurang bulsa niya ang selpon na inagaw nito mula sa akin habang naglalakad ako sa kahabaan ng Taft, kinuha ko na rin ang wallet na nandito. Nung una’y akala ko ay isa din ito sa mga inisnatch nya mula sa kung kanino pang biktima nya, ngunit nang makita akong nakaipit na pityur dito’y, mali ako ng inakala. Larawan ito ng mamang isnatser, na ngayo’y nag-aagaw buhay na sa madilim na eskinita kung san kami nag-pang abot, na may kalung-kalong na batang lalaki. Marahil nagmana ang bata sa kanyang ina, sapagkat ang itsura nito’y malayo sa magaspang na pagmumukha nitong lalaki na aking nakaharap. “Ito ba ang tinukukoy mo?” Wika ko. Nangilid ang mga luha ng isnatser. Ang huling iluluha niya ditto sa mundo. “Huwag kang mag-alala, malapit na kayong magkita.” Sabay bigwas ko ng aking kamao sa kanyang dibdib. Tumigil na sa pagtibok ang puso nito, at kasabay ng huling paghinga nito ay ang pagdaloy ng dugo palabas sa kanyang bibig. “Matulog ka ng mahimbing kuya. Patnubayan ka nawa ni Bathala.” wika ko at sinara na ang mga mata nito.

        Isa akong aswang, sa maniwala kayo’t sa hindi. Ngunit taliwas sa kwento ng mga matatanda, o sa ang paniniwala tungkol sa mga nilalang na gaya ko,  malayo ang modernong depinisyon ng aswang  sa kung ano talaga ako. Hindi ako takot sa bawang, o matutunaw sa asin. Sa katunayan, paborito ko pa nga ang garlic rice sa almusal, na pinarisan mo ng itlog at garlic longganisa. Naman! Longsilog. Tapsilog. Bangsilog. At kung anu ano pang ihalo mo sa silog, kakainin ko yan. Hindi ako nagiging pusa, o uwak, o paniki, o aso o baboy, pero mas mabangis pa ako sa kahit na anong hayop sa gubat kung ako ang babanggain nyo. Hindi ako masusunog sa holy water o manghihina kapag tinapat mo sa krus. As a matter of fact, isa ako sa mga unang bininyagan ng mga prayleng kastila nung una silang nagpalaganap ng kristyanismo dito sa Pilipinas. Hanggang ngayon nga ay nasa akin parin ang gintong rosaryo na binigay sa akin bilang regalo ng isang prayleng naging kaibigan ko. Oo ganon na ako katagal nabubuhay, ngunit mas matanda pa ako sa inaakala nyo. Hindi nahahati ang aking katawan o tinutubuan ng mga buhok at pakpak, matatalim na kuko at ngipin, o humahaba ang dila at kung anu-ano pang katakut-takot na deskripsyon sa nagiging anyo naming tuwing bilog ang bwan. Marahil iniisip nyo ngayon kung kumakain ba ako ng lamang loob o ng mga sanggol sa sinapupunan ng mga buntis. Naging vegetarian ako ng ilang mga siglo kaya alam kong hindi totoong kailangan kong kumain ng mga yan para mabuhay. Kung umiinom nga ba ako ng dugo. Natatawa nalang ako. Gaya nga ng sabi ng mga kabataan sa panahon ngayon, “Eeew, Gross!” Sino ba naman ang may gusto non diba? Maliban sa akin.

            Tawagin nyo nalang ako sa pangalang Sigmund Montemayor. Anglakas maka-mayaman ng pangalan ko ano? Kinuha ko ang pangalang Sigmund, sa paborito kong guro na marahil kilala nyo naman siguro kung sino. Si Dr. Sigmund Freud, isa sa pinaka-magaling  at hinahangaang psychologist na nakilala ng mundo. Oo, naging guro ko si Dr. Freud. Tanda ko pa na parati nya akong nakaka-debate tuwing nasa klase nya sapagkat taliwas kami parati ng paniniwala, at sa huli, siya naman ang sumusuko. Oo, ganun ako kagaling. Masasabi kong matalino ako. Sa haba ba naman ng inilagi ko dito sa mundo, kung susukatin mo ang IQ ko ay hihigit pa kay Albert Einstein na nakadaupang palad ko na rin nang minsan akong nag sa paaralan kung saan siya ay isang batikang propesor.

        Ako ay may kutis na maihahambing mo sa labanos sa kaputian. Hindi ito dahil nagtatago ako sa sikat ng araw. Hindi nga rin pala ako nasusunog sa araw. Mahilig pa nga akong magbabad sa ilalim nito lalo na pag nagbabakasyon ako sa isa sa mga pribado kong isla malapit sa Palanan. Malayo sa ingay ng syudad at kabihasnan. Itim na itim ang aking kulot na buhok kung saan marahil nakuha ang mga katagang basta kulot, salot. Ang aking mga mata ay kasing kulay ng tumigas dagta ng puno ng mangga. Tiyak mahuhumaling ang sinumang makikipag-titigan sa akin. Ngunit kung gugustuhin ko, maari din akong mangontrol ng utak ng iba kapag ika’w ay nakatingin ito sa aking mata at bawawat suhestiyon na manggaling sa aking bibig ay susundin mo gaya ng isang among pinapasunod ang alaga nitong aso. Matangos ang aking ilong, at tuwing ako’y ngingiti ay masisilayan mo ang aking mga mapuputing ngipin na nakakapagpa-aliwalas sa aking mukha. Wala akong pangil, malayo sa akala ng marami tungkol sa mga aswang. Makisig ang aking katawan, dala na rin ng aking karanasan at pamumuhay ng matagal. May taas na five eleven. Sa aking tindig at itsura, mukha lamang akong bente dos anyos na college basketball player sa UAAP, ngunit mas matanda pa ako kay Lapu-lapu.

        Katatapos lamang aking duty mula sa klinikang aking pinapasukan. Pagiging nurse ang napili kong pag-gugulan ng panahon ko ngayon. Naging doktor na ako, inhenyero, construction worker, guro, dentista at kung anu-ano pang mga trabaho nang mga nakaraang siglo. Hindi ko naman talaga kailangang maghanap-buhay dahil marami naman akong resources na kung susumahin mo, ay mahihiya pa si Bill Gates na ikumpara ang yaman sa akin. Pero syempre, hindi ko kailangang ipagyabang, o pinangangalandakan. Kailangan kong proteksyunan ang aking katauhan. Sapagkat ako nga ay isang aswang. At ako na lamang ang natitira sa lahing minsan nang naghasik ng lagim sa sangkatauhan. Alas sais palang ng gabi. Masyado pang maaga upang magpahinga, at masyadong matraffic kung uuwi na agad ako sa aking condo kaya naisipan kong maglibo’t libot muna sa Robinson’s Place na di kalayuan sa aking pinagtratrabahuan. Maraming mga estudyante ang nakita kong nakatambay din ng mga oras na iyon. Matapos ang napakahabang oras ng trabaho at pagkarami raming pasyente, ay ako’y nakaramdam ng pagkagutom. Ibang klaseng pagka gutom. Pagkagutom na tanging ang pag-inom lamang ng dugo ang makakapawi. Hindi lamang naman dugo ang kinakain ko. Kumakain din ako ng normal na pagkain ng isang normal na tao. Ngunit ang pagtatanong kung bakit ko kailangang uminom ng dugo, ay parang pagtatanong kung bakit nahuhulog ang mga dahon. It is in their nature.

        Isang lingo na din kasi mula nang huli akong nakatikim ng dugo ng tao. Mula ito sa isang callcenter agent na namataan kong mag-isang nag-aabang ng sasakyan papunta sa kanyang trabaho. Ala-una na ng madaling araw. Mestiso ang batang lalaki at halos kaunti lamang ang aking  tinangkad kumpara sa kanya. Gwapo ito kung ang pagbabasehan ay ay kanyang facial features: Matangos na ilong, chinito, mapula ang labi, at may cleft chin ito. Ang kanyang mga buhok ay na naka ayos na parang mga actor sa koreanovela, malinis sa katawan at sa tindig nito ay amoy ko agad ang mga tipo nito. Lumapit ako rito.  Nabigla ata ang lalaki sa aking presensya ngunit hindi nya ito pinahalata. Ngumiti at tumitig ako sa mga mata nya. Ngumiti rin ito sa akin at bahagyang namula ang mga pisngi nito. Hindi nya maikakailang attracted sya sa akin. Amoy ko ang pabango nitong Ferarri Black na mas lalong nagpagwapo dito. “Hi. Pwedeng magtanong.” sabi ko sa lalaki. “Hello. Sure. Anu yon?” wika nya na di parin inaalis ang pagkatitig sa aking mga mata. “Nauuhaw kasi ako. Pwede ko bang inumin ang dugo mo?” Natawa lamang sya sa pag-aakalang ako ay nagbibiro. Ngunit alam ko ang nasa isip nya. Nababasa ko ito sa mga mata nya. Luminga-linga ito sa kanyang paligid. Nang masigurong walang mga tao sya na mismo ang lumapit sa akin at hinawakan ang bukol sa harapan ng aking pantalon. Natuwa ako sapagkat hindi nap ala ako mahihirapan sa isang ito. Agad kong tinungo ang labi nito at hinalikan. Hindi naman sya tumutol, bagkus ay nakikipaglaban pa nga at pilit na inilalabas ang dila nito. Ang kamay niya’y nasa loob na ng aking pantalon. Nagulantang ito sa kanyang nakapa at bahagyang bumitiw sa aming pag-hahalikan. Bago pa man sya makapagsalita muli ay agad ko nang ginawa ang aking pakay. Hinawakan ko ang kanyang ulo at akin itong pinababa sa kung saan nasaan ang aking alaga. Alam nya na ang nais kong mangyari. Lumuhod ang lalaki at kanyang pinagsilbihan ang isang nilalang na ngayon nya lamang nakilala. Kung swerte o malas nga ba sya at ako ang nakatagpo nya ngayong gabing ito ay sya lamang ang makapagsasabi. Taliwas sa alam ng nakararami, hindi naming kinakagat sa leeg ang aming mga biktima upang uminom ng dugo…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Huling AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon