Chapter 1: Fated Encounter
"Isa pa! Dito!"
Napairap ako sa pwesto nila. Kanina pa ang table na 'yan, sarap lunurin sa alak. Masyadong papansin. Akala ba nila ay hindi ko halata?
Nagtungo ako sa table nila at nilapag ang tatlong beer. Kinagat niya ang ibabang labi habang malagkit na nakatitig sa 'kin. Hindi naman kagwapuhan. Pinigilan ko na lang ang sarili na huwag umirap.
"Rev! Dito pa!" tawag sa 'kin ng bartender.
Agad akong nagtungo roon sabay sumipol ang lalaking mukhang uod.
"Kanina ka pa kinukilit ng isang 'yun ah. Ito table 6." Bungad sa 'kin ni Cristina o mas kilala sa tawag na Tino.
Kinuha ko ang dalawang alak at napabuntong hininga. "Ang creepy nga eh. 'Kala niya siguro ay naaakit ako sa kanya," tugon ko naman.
Humagalpak siya ng tawa. Maluha-luha siyang tumingin sa 'kin. "Ewan ko sayo! Kung ayaw mo sa lalaki may e-rereto ako sayong kapwa ko."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Nako, Tino! 'Yung huling nireto mo sa 'kin hindi pa naka-move on sa ex niya. Magtigil ka nga. Ang panget mo maging match maker, panira ng love life. Bye!"
"Hoy! Bastos! Grabe ka naman!" asik niya.
Nakakainis ang gabing ito ah. Sinimulan kasi ng panget na dugyot na 'yon. Gusto ko na matapos ito at makapagpahinga.
Napatingin ako sa stage nang magsimulang tumugtog ang banda, biglang naghiyawan ang mga nag-iinuman lalo na ang mga babaeng malapit sa stage.
Grabe, electric guitar pa nga lang 'yung intro eh.
Nagtungo na lang ako sa susunod na table. Marahan kong pinatong ang alak sa table 6 nang makalapit. Nag-angat siya ng tingin sabay nagtama ang aming mga mata.
Ngumiti ako bilang pagbati. "Father..." malumanay kong tawag sa kaniya.
Inilahad ko ang aking kamay para magmano, pero nahihiya siyang ngumiti at umiling. Kinuyom ko na lang ang kamay ko at napakagat ng ibabang labi.
Bago lang si Father Jude rito sa bayan matapos mamatay ni Father Rafael sa sunog. Sa pagkakatanda ko, siya ang pinakabatang pari na nandito sa lugar namin.
Umupo ako sa tabi niya sabay ang paghinga niya ng malalim. Bahagya niyang inayos ang suot na kulay itim na coat.
"Revie Cosima..." mahinang tugon niya.
"Hindi ko alam na pumupunta ka rito. Are you being unholy?" Kinuha ko ang isang sigarilyo sa kaha bago ini-on ang lighter ngunit hindi ito gumana.
"Here." Nilapit niya ang kanyang lighter sa bibig ko at sinindihan ang sigarilyo. Agad akong humigop at binuga sa mukha niya ang usok.
Napapikit si Father Jude habang umiigting ang kanyang panga. "That's so nice of you, Evie," mariin niyang sabi sabay tumatango.
Pinag-ekis ko ang binti at sumandal sa upuan. "It's Revie, Father. So tell me, anong ginagawa ng isang pari sa ganitong lugar?"
Napasulyap siya sa mga hita ko. Hindi ko mapigilan na ngumiti. "I'm human and not a Saint, Evie." Tinuro niya ang stage. "That vocalist is my nephew."
Muli kong binuga ang usok at naningkit ang mga mata ko na tinitigan ang vocalist bago bumaling ulit kay Father Jude.
Sandali akong napako sa pwesto nang makitang banayad na gumagalaw ang kanyang lalagukan. Nakapulupot ang mapupula niyang labi sa bote, habang nakatuon ang atensyon niya sa banda.
I understand you, Eve. I surely do. Thank you for giving the forbidden apple to Adam.
May pagkakahawig sila ng vocalist. Maliban sa blue eyes na mga mata ni Father Jude na tila hawak ang dagat. Maitim naman ang buhok ng pamangkin niya, habang kulay tsokolate naman ang buhok ni Father Jude.
BINABASA MO ANG
Infernal Fate (R-18 | COMPLETED)
ParanormalRevie Cosima thought that falling in love with a priest isn't a bad thing and just the mere emotions of a human. Little did she know, an entity from the abyss is enjoying her unrequited love story. ━━ A/N: Do not test God's patience... if you don't...