Chapter 2: Midnight Confession

717 107 0
                                    

Chapter 2: Midnight Confession


Kasalukuyan kaming nakatambay sa harapan ng lawa. Napairap ako kay Casper habang nakangiti naman ang babaeng kausap niya. Hindi ko man lang siya malapitan. May duty pa naman ako mamayang ala sais ng gabi.

"Casper," tawag ko sa kanya. "Psst, boy."

Winagayway niya ang kamay at hindi lumingon sa 'kin dahilan na napasinghal ako. Aba.

"Hoy!" Kinuha ko ang maliit na bato at nasapol ang batok niya.

"Revie naman eh!" nakasimangot siyang bumaling sa 'kin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Uuwi na lang ako. Duty."

Tumango lang siya sa 'kin at muling winagayway ang kamay. Umirap ulit ako sa kanya at padabog na naglakad palayo.

Anong silbi ng meet up kung mga ka-close lang ang kinakausap nila? Stupid.

Tinahak ko ang mabatong daan palabas sa lawa. Bumungad sa 'kin ang maingay na parke nang makalabas. Ang daming bata na naglalaro rito, summer na rin kasi.

Nagtungo ako sa nagtitinda ng inumin at bumili ng buko juice, presko talaga ang hangin dito kahit mainit.

Inabot ko ang bayad sa kanya habang humuhuni ng kanta. Good vibes lang dapat. Agad akong umalis nang inabot ng tindero ang palamig, naririnig ko pa nga na tinatawag niya ako para sa sukli, pero hindi na ako lumingon pa.

Ngumiwi ako sa unang higop. Ang tamis naman ng buko na 'to, hindi puro at mas madaming asukal. Napahinto ako sa naisip. Bwesit, dapat pala nagpalibre ako sa Casper na 'yon! Bukod sa sinayang niya ang oras ko ay na out of place pa ako.

Napabuntong hininga na lang ako, pero tama ba na iniwan ko si Casper sa mga strangers na 'yon? Bahala na nga. Malaki na siya at kaya na niya ang sarili.

Biglang nahagip ng mga mata ko ang paborito kong bulaklak. Napangiti ako at huminto sa harapan ng nagtitinda nito.

"Pabili po ako dalawa." Inabot ko sa kanya ang bayad sabay sumimsim sa straw. "Salamat po."

Inamoy ko ito at napapikit. Nanumbalik sa 'kin ang napanaginipan kagabi. Hindi ito mawala sa isip ko. Magugustuhan kaya niya ito o baka ibang bulaklak ang gusto niya?

Tinapon ko muna ang asukal na inumin na may konting buko juice at pumara ng masasakyan. Iidlip na lang muna ako bago pumasok sa trabaho, mukhang kailangan ko ng tulog at sana'y mapanaginipan ko ulit 'yun.

Napabuga ako ng hangin... hindi, hindi. Kailangan kong makalimutan ang napanaginipan kagabi.

Kung sila na naman ang banda mamaya ay baka mas lalong dadami ang customers, pero malakas ang kutob ko na wala si Father Jude mamayang gabi. Hindi naman mamalagi ang pari sa lugar na gano'n.

Ilang sandali pa ay huminto ang sasakyan malapit sa simbahan sabay tumunog ang kampana nito. Ang bilis naman ng oras at alas tres na agad.

Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri at inayos ang damit. Hinalughog ko muna ang bag at nag-spray ng pabango.

Kumunot ang noo ko nang huminto ang ilang kabataan sa labas ng simbahan habang impit na tumitili. Agad na tumaas ang kilay ko nang nagtutulakan sila sabay lumabas si Father Jude.

Malalaki ang ngiti nila na nagmano sa kanya. Sige, go. Sana'y mapunit 'yang mga pisngi niyo. Piste. Umirap ako sa kanila bago huminga ng malalim.

Agad naman silang umalis nang matapos halayin ang kamay ni Father Jude. Nanatili ang ngiti niya na tinanaw ang mga kabataan at nawala iyon nang makita ako.

Infernal Fate (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon