Chapter 3: His First Touch
Warning: SPG/R18.
Read at your own risk.Nag-unat ako ng katawan at nahulog sa sahig. Ngumiwi ako sa naramdamang sakit ng aking pangupo. Napakamot na lang ako sa batok—teka, lumiit na ba ang kama ko?
"Good morning, Evie."
Agad akong napadilat nang marinig ang pamilyar na boses. Bumungad sa 'kin si Father Jude na nakatayo sa harapan ko habang nakabukaka ang aking mga hita. Mabilis kong pinagdikit ang mga binti at nilibot ang tingin sa paligid, nararamdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.
"Teka..." kinapa ko ang gilid ng bibig at tinanggal ang tuyong laway. "Nasaan ako?" muli akong tumingin sa kaniya.
"My office." Binaba niya ang hawak na tasa sa upuan. Nakasuot lang siya ng puting t-shirt at pajama, pero ang lakas pa rin ng dating niya. "Here. Have something warm."
Ang mainit lang naman dito ay ang mukha ko. Huminga ako ng malalim at kinuha iyon, gumaan agad ang pakiramdam ko nang maramdaman ang init sa 'king palad.
Sumimsim ako sa inumin, honey tea pala ito. Wala sa huwisyong napaungol ako nang bumaba ang init sa 'king sikmura habang napapikit.
"Thanks, Father Jude." Ngumiti ako at dinilaan ang labi. "Ang sarap."
Grabe, mas masarap pala ito kaysa alak. Napamulat ako at nagtama ang mga mata namin.
Wala akong pake kung may dumi ako sa mukha tutal dito na nagtatapos ang pagiging delulu ko. Siguro mas nakakabuti na layuan ko na siya matapos ang nangyari kagabi.
Maraming nagkakagusto sa kanya kahit alagad siya ng Diyos— maraming nagkakasala.
Muli akong sumimsim habang sumusulyap sa kanya. Sino bang hindi?
"You don't remember anything..." humina ang boses niya sa dulo.
Kumunot ang noo ko at pilit na inalala ang nangyari. "Ah, napaaway ako kagabi Father—" huli na nang napagtanto ko ang nasabi.
Nakakunot na ang kanyang noo. "Napaaway? That's why you have small cuts in your face."
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Nilagok ko muna ang inumin—"Sh*t! Ang init!"
Napatayo ako at nilabas ang dila. Bw*sit! Natataranta kasi ako sa mga titig niya. Deserved ko siguro 'to, wala kasing filter ang dila ko.
"Come here." Marahan niya akong hinila paupo. Umusog siya at sinapo ang mukha ko bago inihipan ang nakaawang na bibig.
Unti-unting kumabog ang dibdib ko at napako sa pwesto. Ang bango ng hininga niya. Siguro ipagpapaliban ko muna ang pagmo-move on. Pwede naman siguro.
Bahagya siyang lumayo sa 'kin at mataman na tumitig. "Good?" Wala sa huwisyong tumango ako at napatikom ng bibig. "You need to go home. It's almost 1 pm, Evie," malumanay ang kanyang boses, "sa pagkakaalam ko ay may duty ka."
Muli akong tumango habang unti-unting nilapit ang mukha sa kanya sabay naalala ang nangyari kagabi. Hinalikan ko siya.
I just kissed a priest, and I wouldn't mind doing it over again.
Mabilis siyang tumayo at hinawakan ang noo ko. Nagising ang diwa ko sa ginawa niya, baka sa susunod na lang 'yung second kiss.
Huminga ako ng malalim at kinuha ang mga gamit ko. Teka... wala ang jacket ko?
"You threw up last night. I had to laundry it," aniya at tinuro ang mesa. "It's not good to drink too much, Revie Cosima."
Hindi ko siya pinansin at kinuha iyon bago sinuot. Sandali akong napapikit nang nanuot sa ilong ko ang gamit niyang sabon.
BINABASA MO ANG
Infernal Fate (R-18 | COMPLETED)
ParanormalRevie Cosima thought that falling in love with a priest isn't a bad thing and just the mere emotions of a human. Little did she know, an entity from the abyss is enjoying her unrequited love story. ━━ A/N: Do not test God's patience... if you don't...