Chapter 4: Bloody Rosary

729 110 3
                                    

Chapter 4: Bloody Rosary

Warning: SPG/R18+
Read at your own risk.

Tinali ko ang buhok bago nagtungo sa table 1 na nasa harap lang ng stage. Maingat kong nilagay ang alak at isang bucket ng ice.

Ang daming tao na ngayon, lalo na siguro sa araw ng pista sa nayon. Baka busy na rin 'yung craving ko sa mga susunod na araw.

Bigla na lang nag-iinit ang pakiramdam ko kapag naalala ang nangyari. Ang hirap naman kasing layuan kung gano'n ba naman kagwapo at kasexy. Ang bango pa.

Sumulyap ako sa pamangkin ni Father Jude, nakatingin siya sa 'kin habang kumakanta. Ngumiti ako sa kanya bago tumalikod at nagtungo kay Tino.

I wish he was here, but nah, baka nasa harap na siya ng krus ngayon at nagdadasal.

Binagsak kong nilagay ang tray sabay napabuntong hininga. "Tino! Gagawing club ba ito?" sumulyap ako sa mga babaeng nagsasayawan, may naglalap-lapan pa sa upuan. "Tingnan mo nga roon oh, naka-topless na siya." Tumaas ang kilay ko. "Infairness ha, ang laki ng dibdib niya mas malaki pa sa 'kin."

Nilagyan niya ng fries at fried chicken ang tray. Natatawa siyang bumaling sa 'kin. "Hoy, Revie! Sukatan na ba ng dibdib ngayon? Paano na lang ang pinagkaitan ng grasya?" mabilis niyang pinitik ang noo ko na nagpasimangot sa 'kin. "Oo sabi ni mama, kailangan pa yata niya ng panibagong permit. Baka nga bukas ay iibahin na ang interior, 'yun ay kung i-approve nila."

Baka tataas na ang sahod kapag gano'n. "Last na 'to ah, lapit na midnight, 'saka hindi pa ako nag be-break."

Sumulyap siya sa orasan. "Ahh sh*t, muntik ko na makalimutan. Okay, okay. Papunta mga kaibigan ko rito baka gusto mong mabasbasan ng dila?" humagalpak siya ng tawa bago mabilis na inihalo ang mga inumin.

Binuksan ko ang ilang butones sa damit at kinuha ang tray. Umismid ako. "Ewan ko sayo. Hindi ka bagay maging kupido."

Sumiksik ako sa mga nagsasayawan na nasa gitna hanggang makarating sa table kung saan nagkukumpulan ang mga babae.

Akalain mo nga naman, nasa dugo na talaga nila ang humatak ng maraming babae. Maingat kong nilagay sa table ng pamangkin ni Father Jude ang order nila.

"Hey, miss..." Napahinto ako nang marinig siya. "Kulang ang order ko," aniya

Kumunot ang noo ko sa narinig. Tinapik niya ang kanyang hita sabay tinaasan ko siya ng kilay. Lumingon siya sa paligid at sumenyas na umalis ang mga babaeng nakaupo hanggang kami nalang ang natira.

Napairap tuloy sila sa 'kin at binangga ang balikat ko.

"Why do you always steal glances from me, pretty girl?" tanong niya.

Napasinghal ako. Nobody can replace Father Jude. Natatawa akong tumitig sa kanya bago magsalita. "What?"

Tumango siya at muling tinapik ang kanyang hita. "But I don't mind eating your wet folds tonight."

Nagpa-practice ba ang isang 'to?

"No, thanks. You're too young for me." And I need my holy cravings.

Tuluyan akong tumalikod sa kanya at deritsong pumasok sa crew room, naririnig ko pa nga na tinatawag ako ni Tino.

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang sarili sa salamin. Gusto kong makita si Father Jude bago umuwi-ah, sh*t. Kailangan ko pala umakyat sa 2nd floor para makapasok sa bahay.

Bigla na lang akong ngumiti sa repleksyon sabay napakurap. Ngunit nanatili naman na seryoso ang ekspresyon ng mukha ko.

What the hell was that?

Infernal Fate (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon