Chapter 5: The Tarot Cards
Warning: SPG/R18+
Read at your own risk.Maaga kaming pinapunta ni Tino rito sa club para na rin tumulong sa pag-aayos. Grabe naman kasi, agad-agad na pinalitan ang interior.
Humalukipkip ako at pinasadahan ng tingin ang black corner na ito for VIP. Not bad; may privacy talaga sa part na 'to.
"Cristina, 'wag mo sabihin sa 'kin na lalagyan niyo ng lodge 'yung second floor?" tanong ko at bumaling sa kanya.
Nagpupunas siya ng mga baso at nagkibit balikat. "Naks naman, Revie! Alam na alam ah. Nabasbasan ka ba at 'yan ang nasa utak mo?"
Mabilis akong nag-iwas ng tingin sabay uminit ang pisngi ko. Masyado ba akong halata?
"Hindi 'no, napaisip lang ako kasi nilagyan niyo na ng vip rito eh," tugon ko. "Ganoʼn din kaya sa ilang lugar. Noong nagpunta nga ako sa Mystone, ang daming lodge sa second floor ng mga clubs."
"Talaga ba, Revie? Sus," nanunudyo ang boses niya. Napairap ako sa hangin. "Eh ano 'yang kagat sa leeg mo, ha?" aniya.
Huminga ako ng malalim at nagtungo sa counter. "Lamok," tugon ko at tinaasan siya ng kilay.
"Holy mosquito kamo," nakabungisngis niyang sabi.
Muli akong umirap sa kanya at nagtungo sa crew room. May hinala na talaga si Tino. Napaka-observant naman kasi niya kaya nasa counter 'yan, may access siya sa lahat ng papasok sa bar este club na pala.
Wala akong magagawa kung 'yan ang iniisip niya, mas masyado lang halata kung ipipilit ko ang gusto nilang isipin.
Sometimes I don't have to give a fuck of whatever they want to think about me. Let them be, mas as nakakainis 'yun kasi iisipin nila kung totoo ba o hindi.
"Bruha!" Binato sa 'kin ni Eura ang extrang uniporme niya at damit na panloob. Ngumiti ako sa kanya. "Wag kang ngumiti, pasalamat ka at linggo bukas tapos day off ko sa lunes. Bakit naman kasi iniwan mo 'yung spare keys sa loob ng bahay niyo?"
Pumasok ako sa dressing room bago magsalita. "Naiwan ko lang kasi. Aakyatin ko na talaga 'yung bahay namin. Promise."
Napalunok ako nang makita ang maraming kagat sa katawan kahit sa mga binti ko. Holy mosquito nga talaga. Kinagat ko ang ibabang labi habang napangiti, aakitin ko na naman siya mamayang gabi—Bigla na lang may kumalabog sa labas.
"Eura?" tawag ko sa kaniya pero hindi siya nagsalita. Mabilis kong sinuot ang bra at panty bago binuksan ang lock sa pinto.
"Eura?" muli kong tawag sa kanya nang matapos isuot ang uniporme. "Eura?"
Kumunot ang noo ko sabay hinawakan ang busol at marinig ang malalim na tawa sa buong crew room. Agad kong binuksan ang pinto, bumibigat ang paghinga ko na nilibot ang tingin sa paligid.
Ako lang mag-isa. Guni-guni ko lang ba 'yun?
Wala sa huwisyong nagtungo ako sa labas, ang daming tao na nandito. Nasa labas din pala sila Eura at Tino.
Umalingawngaw ang tunog ng tambol sabay naghihiyawan ang mga tao. Ilang sandali pa ay natanaw na ang parada, pinangunahan ito ni Father Jude.
Mahina akong napasinghap nang makita siya. Nakasuot siya ng puting robe habang papalapit sa pwesto namin, mas lalong nakikita ang asul niyang mga mata.
Hindi ko maipaliwanag pero parang kumalma ang tibok ng puso ko kapag malapit lang siya sa 'kin. Napangiti ako at napahawak sa dibdib. Tama, baka guni-guni ko lang iyon at galing 'yung ingay rito sa labas.
BINABASA MO ANG
Infernal Fate (R-18 | COMPLETED)
ParanormalRevie Cosima thought that falling in love with a priest isn't a bad thing and just the mere emotions of a human. Little did she know, an entity from the abyss is enjoying her unrequited love story. ━━ A/N: Do not test God's patience... if you don't...