Chapter 8: Grieving With A Twist

566 97 0
                                    

Chapter 8: Grieving With A Twist

Warning: SPG/R18+
Read at your own risk.


"Ma?" tawag ko sa kanya nang makababa. "Alis na ho ako, 'wag niyo na akong hintayin kasi umaga pa ako makakauwi."

Inayos niya ang mga baraha bago lumingon sa 'kin. "Sige anak, mag-iingat ka ha, marami pa namang lasing sa labas," aniya.

Nagtungo ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "Magpahinga na ho kayo, mukhang marami-rami ang bisita niyo kanina."

Hinilot niya ang batok at napahinga ng malalim. "Oo eh, ang bigat sa pakiramdam. Maaga akong mag me-meditate mamaya, baka gising na ako pag-uwi mo."

Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Love you, mama."

Aalis na sana ako nang biglang bumukas ang bintana. Napamura si mama nang lumipad ang mga baraha. Agad akong nagtungo sa kanya at tinulungan siya na pulutin ang mga ito.

"Ako na, ma. Huwag kana yumuko." Nagtungo na lang siya sa bintana at sinara ito habang pinupulot ko naman ang mga baraha. "Ipapaayos ko 'yang bintana niyo, mama. Maluwang na kasi ang lock diyan eh."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at nilagay ang mga baraha sa box. "Kinalawang na kasi ang lock eh. Nako, kung may kakilala ka na marunong niyan, Revie, papuntahin mo rito."

Inabot ko sa kanya ang huling deck cards. "Opo, ma. Mauna na ho ako."

Tumango nga siya bago mabilis akong tumakbo papunta sa club. Mababadtrip na sana ako nang marinig ang sipol ng ilang lasing sa kanto. Ngunit hindi mawala ang ngiti sa labi ko matapos ang nangyari sa confession box.

Father Jude. Nababaliw na yata ako sa kanya.

"Revie!" Bumungad sa 'kin si Tino sa counter habang umiinom. "Shot! Shot!" sigaw niya.

Kumunot ang noo ko at lumapit sa kaniya. Kinuha ko ang baso ng alak bago nilagok—napangiwi ako nang uminit ang aking lalamunan.

"Anong nangyayari?!" tanong ko. Napalakas ang boses ko dahil halos hindi na kami magkarinigan.

Palakas nang palakas ang kanta. Lumapit si Tino sa 'king tenga. "Walang trabaho sa susunod na tatlong araw simula bukas kasi ipapa-renovate ang ikalawang palapag sabi ni mama pati na rin ang stage rito at extension sa gilid!"

Sabi na nga ba at gagawing lodge. Oh well, mabuti na lang din 'yun at makapagpahinga ako—more time para kay Father Jude.

"Happy Fiesta Santa Hellena!" sigaw ng vocalist.

Napatingin ako sa gawi niya. Hindi na siya tulad ng dati, 'yung mahinhin na binata at kailangan pa ang presensya ng tito Jude niya.

"Put your hands up! Put your hands up!"

Sumapit ang madamag na puro alak, tawanan at usok ng sigarilyo ang nasa paligid. Hinilot ko ang batok bago nagtungo sa crew room.

Naabutan kong nakatulala si David sa kawalan, halata sa mukha niya ang pagod. Napailing na lamang ako at kinuha ang mga gamit.

Bumaling ako sa kanya bago magsalita. "Una na ako, David." Sinuot ko ang jacket. "Mag-ingat ka mamaya ha."

Napakurap siya at tumingin sa 'kin. "Opo, ate Revie. Ingat din po."

Tumango ako sa kanya at lumabas. Muli akong napailing nang makita si Tino na natutulog sa ibabaw ng counter.

Tahimik at malinis na rin ang club. Baka may nakita siguro si David na kakaiba habang naglilinis. Sa mga inumin kasi ako naglinis kanina, pati na rin sa banyo at si David naman ay sa dining.

Infernal Fate (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon