Chapter 10: From the Abyss

543 100 0
                                    

Chapter 10: From the Abyss

Warning: SPG/R18+
Read at your own risk.

Napuno ng iyakan ang simbahan sa huling sandali ni Casper. Nasa harapan naman  si Father Jude habang binabasbasan niya ang kabaong ng holy water.

"Revie." Hinawakan ni mama ang mga kamay ko na nakapatong sa 'king mga hita. "Tara na. Kahit sa huling sandali lang ni Casper," aniya.

Pinunasan ko ang basang pisngi bago tumayo. Hindi ko makalma ang kabog ng dibdib ko habang unti-unting nanumbalik sa 'kin ang huling sandali na hawak ko siya sa mga braso ko—duguan at naghihingalo.

Ang sabi ni Tino sa 'kin sinundan daw nila ako at nawalan ng malay. Buti na lang daw ay nasalo ako ni Father Jude. Kung alam nila na higit pa sa pagsalo ang nangyari sa'min.

Napalunok ako at humawak sa kabaong ni Casper. Marahan kong hinaplos ang salamin at tipid na ngumiti. Mamimiss ko ang ngiti niya at mga kawalanghiyaan na ginagawa niya sa 'kin.

"Tara na, Revie," sabi ni Tino.

Pinikit ko ang mga mata habang walang tigil na tumulo ang mga luha, ang sakit ng dibdib ko. Kasama ko siyang lumaki, ang dami naming alaala at hanggang doon na lang 'yun.

Matapos ang funeral mass ay hinatid na siya sa huling hantungan. Wala sa huwisyong nakatingin lang ako sa kabaong, mataas ang sikat ng araw, pero hindi ko man lang maramdaman ang init dahil sa malamig kong mga kamay at paa.

Unti-unting bumaba ang kabaong hanggang tinabunan nila ito ng lupa. Ang sabi nila, babalik at babalik daw tayo kung saan tayo nagmula. Hinalikan ko ang puting rosas bago hinulog kay Casper.

"Pahinga ka na, boy," bulong ko sa hangin. "Dalawin mo 'ko kahit sa panaginip lang." Suminghot ako at pinunasan ang basang pisngi. "Akalain mo 'yun, nakakuha ka pa ng babae bago mawala." Pagak akong tumawa hanggang nauwi sa hagulgol at sinapo ang bibig.

Napabaling ako nang may umakbay sa 'kin, namumugto ang mga mata ni Ate Colet. "Tara na. Hayaan na natin siya magpahinga."

Tumango ako sa kanya at nagpatianod na lang. Hindi na ako muling lumingon pa hanggang tinahak namin ang daan pabalik sa simbahan.

Nagsimulang bumaba ang mga tao at nagpaalam sabay tumunog ang kampana, alas tres na pala ng hapon.

Mahigpit kong inakap si Ate Colet bago lumayo, hinawakan niya ang pisngi ko. "Kapag may kailangan ka o gustong makakausap, nandito lang ang Ate Colet, ha?" muling tumulo ang mga luha niya. Kagat ko ang labi at tumango bilang tugon.

Siya na lang ang natitira sa pamilya nila, nagtatrabaho siya para kay Casper. Hindi ko lubos maisip na ang lahat ng sakripisyo niya para sa kanilang dalawa ay nagtapos lang dahil sa isang ligaw na bala.

Inalalayan ako ni mama hanggang makauwi kami sa bahay. Ang mga makakapal kong kaibigan ay nanghingi pa ng ulam bago umuwi.

Umirap ako sa kanila habang malalaki ang ngisi nila dahil binigyan sila ni mama.

"Tita, si Revie, nang-iirap. Ayaw mamigay ng grasya," sumbong ni Tino kay mama.

Napailing na lang si mama at binigay ang lahat na natitirang ulam. "Wow, Tita! Thank you! Bakit hindi ho nagmana ang ugali ni Revie sa inyo?" tanong naman ni Eura sa kanya.

Umismid ako. "Bruha," mahinang wika ko. Pumanhik na lang ako sa ikalawang palapag.

Mabigat ang pakiramdam ko hanggang ngayon. Time heals, 'yun pa ang sabi nila. Hahayaan ko na lang na maramdaman 'to.

Nagbihis ako ng kulay pulang nightdress na may laces sa dibdib at dulo. Binagsak ko ang katawan sa kama sabay nag-vibrate ang cellphone ko sa gilid ng kama.

Infernal Fate (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon