Chapter 11: Highway To Hell
"Nakabihis na ho ako, ma!" sigaw ko galing sa itaas at nagmamadaling bumaba. Naka suot lang ako ng pambahay, itim na shorts at t-shirt. Saglit lang naman kami lalabas ni mama.
Napabuntong hininga si mama at binuksan ang pinto. "Ewan ko sayong bata ka, ang tagal mo kumilos paglalabas tayo."
Ngumiti ako sa kanya at tahimik na lang na sumunod. Buti na lang at nakatulog si mama kagabi, hindi niya ako nadatnan na madaling araw ng nakauwi.
Huminto ako sa gilid at kinuha ang bisikleta bago muling sumunod kay mama. Malamig ang simoy ng hangin, alas syete pa lang kasi ng umaga. May iilang kapit-bahay na nagkakape sa labas at bumabati kay mama.
"Saan mo na naman nakuha ang kwintas mo, Revie?"
Nagising ang diwa ko sa tanong niya. Napahawak ako sa kwintas sabay tipid na ngumiti. "Binigay lang po ng kaibigan ko."
"Alam mo ba ang ibig sabihin niyan?" aniya. Umiling ako bilang tugon. "Evil eye."
Huminga ako ng malalim sa narinig. "Mama! Alam niyo naman na wala akong alam sa ganiyan eh. Ano ba ang evil eye?"
Umirap siya sa 'kin bago magsalita. "Ibig sabihin, tinataboy nito ang malas at pangkontra na rin sa demonyo."
Nag isang linya ang labi ko at hindi na nagsalita pa. Si Father Jude ang nagbigay nito sa akin at dati siyang exorcist. Ayokong isipin ang mga nangyayari. Minsan nasa kapalaran na 'yun ng tao at hindi sa iba, hindi galing sa iba.
Ilang sandali pa ay nakarating kami sa shop. Nagpaalam si mama na pupunta siya sa palengke at sa bahay na lang daw kami magkita.
Matagal na itong bisikleta sa 'kin, ginamit ko pa ito kapag trip namin ni Casper na gumala. Bahagya akong napangiti sa naisip.
Umupo ako sa gilid at sinimulan na niyang ayusin, kahit ang gulong nito ay kulang ng hangin at pinutol pa ang kadena. Bwesit talaga. Matanong nga kay Tino baka alam niya kung sino ang gumawa nito sa 'kin, malapit lang naman siya sa may entrance eh.
Kinuha ko ang phone sa bulsa nang mag-vibrate ito. Napataas ang kilay ko nang galing kay cravings ang mensahe. Agad ko itong binuksan.
Napangisi ako nang makita ang selfie niya, natatabunan ng nightdress ang kanyang mukha at nakasilip lang ang asul na mata, with caption pa na—I miss your smell and your pussy.
Kinagat ko ang ibabang labi at ginawang wallpaper ito. Matingkad ang kulay asul niyang mga mata dahil sa liwanag. Huminga ako ng malalim bago pinindot ang number niya, ilang beses lang itong tumunog.
"Okay na yan, Revie," panimula ni manong. Agad kong binaba ang tawag. "Parang bago na 'yung pagpapaandar niyan."
Malaki ang ngiti ko at inabot sa kanya ang bayad. Mabilis naman niya itong inabot at nagpasalamat. Buti na lang talaga kakilala ito ni mama, nauna pa ako sa ibang ipapaayos.
"Thanks po, manong!"
Biglang tumunog ang kampana. Wala sa huwisyong tumingin wall clock na nasa shop, alas nuwebe na ng umaga. Prayer time na yata nila. Ibig sabihin isang oras akong nagpaayos, baka nakauwi na rin si mama.
Magaan ipadyak ang bisikleta habang tinatahak ko ang daan pauwi, tama nga ang sinabi ni manong mukhang bago ito gamitin. Mabilis akong nakarating sa bahay, may customer na si mama sa shop at umiiyak ito.
Tinatapik ni mama ang balikat nito habang walang tigil naman sa pag ngawa ang babae, kaya pala may tissue si mama sa ibabaw ng mga crystal.
Ngayon ko lang napagtanto na ang hirap pala maging tarot reader, bukod sa binabasa mo ang baraha at energy nila ay nagiging instant therapist ka pa.
BINABASA MO ANG
Infernal Fate (R-18 | COMPLETED)
ParanormalRevie Cosima thought that falling in love with a priest isn't a bad thing and just the mere emotions of a human. Little did she know, an entity from the abyss is enjoying her unrequited love story. ━━ A/N: Do not test God's patience... if you don't...