Chapter 12: The Untold Shadows

519 96 0
                                    

Chapter 12: The Untold Shadows



"Revie, tulungan mo 'ko. Nasusunog ako."

Nagunahan na tumulo ang mga luha ni Casper habang naglalabasan ang mga uod sa kanyang dibdib, hubo't hubad itong nakatayo.

Biglang nagpakita ang demonyo sa likod niya. "Are you looking for your mom, sweetheart?"

"Bisitahin mo naman ako, Revie." Humagulgol si Casper habang nakatali ang mga paa niya sa kadena.

"Are you looking for your mom, Revie Cosima?" malalim na tanong ng pamilyar na boses.

******

Napabalingkawas ako habang habol ang hininga. Agad kong natanaw silang Tino at Eura na kumakain sa gilid ng kalsada.

Ito ang unang beses na napanaginipan ko si Casper. Napahilamos ako ng mukha. Kinakain ako ng konsensya, narito ako at papunta sa birthday party ng boylet ni Eura.

Kumaway sa 'kin si Tino nang makita akong nakatanaw sa bintana. Huminga ako ng malalim bago lumabas, umihip ang malamig na hangin sa deriksyon ko.

Matatayog na mga kakahuyan na kasi ang nasa gilid. Nagsimula na rin umilaw ang mga bahay sa 'di kalayuan. Grabe, hindi talaga sila nagdadalawang isip na kumain sa liblib na lugar.

Tinalian ko ang buhok bago nagtungo sa kanila.

"Kain, Revie!" pag-aya ni Tino.

Umiling ako sa kanya. "Ilang oras pa ba bago makarating tayo sa Santa Lilith?"

Lumunok si Eura bago magsalita. "2 hours na lang."

Napahaba pala ang tulog ko. Agad silang napatingin sa 'kin nang kumalam ang sikmura ko, mabilis akong umiling sa kanila.

Tama, may tubig na binigay si mama bago kami umalis. Malalaki ang hakbang ko na bumalik sa sasakyan at kinuha ang tubig. Kinuha ko na rin ang cellphone at tiningnan ito, walang signal.

Ano ba yan. Namimiss ko na si Father Jude.

Napasulyap ako sa side mirror at nakita ang pigura ng tao na nakasilip sa 'di kalayuan na puno. Mabilis akong bumaling doon ngunit wala namang tao.

Grabe, hanggang ngayon lasing pa yata ako. Kinuha ko na lang ang gamot sa sakit sa ulo at ininom. Kung ano-ano na lang ang nakikita ko... Napako ako sa naisip, baka may problema ako sa mata.

Ilang sandali pa ay pumasok sila, agad na naglampungan sila Jeremiah at Eura, kung makahigop talaga sa bibig ng isa't isa, akala mo talaga walang kain eh. At dahil huminto kami, baka ala sais na ng gabi kami makakarating sa bahay nila.

"Paano pag tao ang kinain niyo kanina?" pagbasag ko sa katahimikan.

"Eww! Tumahimik ka nga, Revie," sabi ni Eura at napangiwi. Umarte itong naduduwal habang nakangiwi naman si Jeremiah sa tabi niya.

"Pero paano nga?" muli kong tanong.

"Revie!" sabay nilang sabi at binato ako ni Eura ng lipstick sa balikat. Inirapan ko naman siya.

Sumulyap ako kay Tino na tahimik lang na nagmamaneho, pabilis nang pabilis ang takbo niya hanggang napakapit ako sa seatbelt.

"Hey, Cristina. Slow down," sabi ni Jeremiah.

"Bawal tayo magtagal sa kalsada na ito. Maraming naaaksidente rito, ang sabi nila may bigla na lang tatalon sa gitna," seryosong tugon ni Tino.

Malakas na tumili si Eura dahilan na napabaling ako sa kanila. Ngumiwi ako nang sumiksik siya kay Jeremiah, nilalambing naman siya nito. Kinuha ko na lang ang phone at tiningnan, wala pa rin signal. Napakagat ako ng labi dahil sa inis.

Infernal Fate (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon