Chapter 14: Bloody Mirror
Huminga ako ng malalim at muling uminom ng gamot. Napatingin ako kay Tino na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
Hindi ako makatulog mag-isa kagabi, parang may mga matang nakatingin sa bawat sulok ng kwarto ko, kaya nakitulog na lang ako sa kwarto ni Tino.
Ilang beses na tumawag si Father Jude sa 'kin. Hindi ko man lang magawang sagutin. Ayokong dumagdag sa pinagdadaanan niya.
Gusto kong sabihin sa kanya ang nangyayari pero... pero paano pag nadamay siya?
Alam kong kaya niya... pero papaano pag nawala rin siya sa 'kin?
Ginagaya pa naman ng demonyo ang boses niya. Paano pag pati na rin ang mukha niya? Paano kapag... agawin din ang buhay niya?
Kumabog ang dibdib ko sa naisip. Huwag naman sanang umabot sa punto na gano'n ang mangyari, o matatakot akong lumapit sa kanya at higit sa lahat makipagtalik.
Napahilamos ako ng mukha bago tumayo sabay nasagi ang baso, naglikha ng malakas na ingay ang pagkahulog nito.
"Revie!" napabalingkawas si Tino sa tabi ko. "Ayos ka lang?"
Tipid akong ngumiti sa kanya at pinulot ang mga bubog. Nagising ko pa tuloy si Tino, narinig ko siyang bumuntong hininga bago binagsak ang katawan sa kama.
"Grabe 'yung panaginip ko, pinaghalo ko raw ang gas sa inumin," natatawang aniya.
Napangiti na lang din ako bago nagtungo sa basurahan at tinapon ang mga bubog.
"Anong oras ba tayo aalis?" tanong ko sa kanya nang makabalik sa kama.
"Gano'n pa rin, after lunch, so baka mga 1 p.m. na." Tumayo siya at inayos ang higaan. "Para medyo hindi pa malalim ang gabi pag nakauwi tayo."
Nagtungo ako sa backpack at kinuha ang susuotin ngayong araw, natira na lang 'yung t-shirt at shorts. Baka lulubayan na ako ng nilalang na 'yun kapag—"They can travel through time."
Umalingawngaw ang boses ni Father Jude, ibig sabihin alam nilang ex-exorcist siya at sa kanya ako naka depende? Alam din nila ang mangyayari sa hinaharap?
Huminga ako ng malalim sabay hablot ko sa gamot at siniksik sa gilid ng bag.
"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman," sabi ni Tino. "Akalain mo 'yun, pinagpalit niya ang privacy ni Father Jude para sa blowjob. Baliw talaga si Jeremiah."
Nagising ang diwa ko sa sinabi ni Tino. "Sino bang makakahindi sa bj, Tino?"
"Ako? Ako syempre, wala ako no'n eh!" aniya at humalakhak.
Napailing na lang ako at nagtungo sa banyo. Naririnig ko pa si Tino na kumakanta kahit alas syete pa lang ng umaga.
Napangiti na lang ako, 'kala mo talaga maganda 'yung boses eh. Okay na lang 'yan para pantaboy ng malas.
Mabilis kong tinapos ang pagliligo nang maramdaman ang mga matang nakatitig sa 'kin.
"Kanina pa ako natatae, Revi!" bungad niya nang makalabas ako. "Tabi!" aniya at nagmamadaling pumasok.
"Fingerist na singerist kana pala kapag natatae, Cristina?"
"Tumahimik ka, Revie!" sigaw niya. "Nag fo-focus ako rito! Alis! Alis!"
Natatawang nagtungo na lang ako sa kama. Nagsimula kong lagyan ng lotion ang balat, kailangan pangalagaan ang katawan natin lalo na't may humahalik, dumidila at kumakantot—
Mabilis akong lumingon nang maramdaman ang malamig na hininga sa batok. Nahagip ng mga mata ko ang pigura na nasa repleksyon ng salamin.
"Revie," aniya. Malalim ang kanyang boses na tila galing sa lupa. "Revie Cosima."
BINABASA MO ANG
Infernal Fate (R-18 | COMPLETED)
ParanormalRevie Cosima thought that falling in love with a priest isn't a bad thing and just the mere emotions of a human. Little did she know, an entity from the abyss is enjoying her unrequited love story. ━━ A/N: Do not test God's patience... if you don't...