Chapter 17: The Exorcist
Warning: SPG/ R18+
Read at your own risk.Dinilaan ko ang ibabang labi bago magsalita. Hindi ko ininda ang kaba na nararamdaman. "Matagal na ho, ma," mahinang tugon ko.
Nagtungo ako sa kanya para humalik ngunit mabilis siyang umiwas. Huminga na lang ako ng malalim at umatras.
"Ano ang nakuha mo sa pakikipag relasyon sa isang pari, Revie?"
Gusto kong sumagot ng sarap at sakit o masarap na masakit, pero nakakabastos 'yun, pero 'yun naman kasi ang totoo. May mga bagay lang na hindi pwedeng sabihin.
"Ma," mahinahong tawag ko sa kanya.
Hahawakan ko na sana ang kamay niya nang marahas niyang tinabig ito bago nagtungo sa kusina.
Bagsak ang balikat ko na sumunod sa kanya. "Mahal ko si Jude, ma."
Napasinghal siya bago magsalita. "Mahal? Talaga, Revie? Anong alam mo sa pagmamahal?" mariin niyang tanong. "Layuan mo siya. Ngayon din."
Kumunot ang noo ko at umiling sa kanya. "No." Mabilis siyang lumingon sa 'kin habang hawak ang baso ng tubig. "No, ma. Hindi niyo ho ba ako naririnig? Mahal ko si Jude, si Father Jude na kung tawagin ng nakararami, pero siya si Jude Lucifer Crassus na mahal na mahal ko."
Nanlilisik ang mga mata niya na tumitig sa 'kin. "Hindi kita pinalaki para makipagrelasyon sa isang alagad ng Diyos. Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo? Hindi ka ba nahihiya?"
Napaatras ako sabay umawang ang labi, halos nabibingi ako sa tanong niya.
"Bakit ako mandidiri, ma? Tao lang naman kami, nagmamahalan lang naman kami." Napahilot ako sa sintido. "Ano 'to? Bakit? Bakit ang lalim ng hugot mo, ma? Sa'n nagmula?" Hindi ako makapaniwala sa narinig mula sa kanya, sa mismong ina ko pa. "Wala na nga akong mga kaibigan na natira, alam mo buti pa sila naiintindihan nila ako. Buti pa ang mga nawala hindi nila ako hinusgahan." Bumibigat ang paghinga ko. "Pero sa lahat ng tao, ma. Ikaw lang nang husga sa 'kin."
Kumikirot ang dibdib ko nang makita ang naluluha niyang mga mata. Humawak siya sa lababo at nasapo ang bibig. Hindi ko man lang namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.
Ang sakit ng dibdib ko, akala ko pa naman sa kanya ako makakakuha ng suporta sa panahon na ganito. Akala ko sa lahat ng tao siya ang makakaintindi sa 'kin.
Nakakapangliit ang sinabi niya, galing pa mismo sa taong nagluwal sa 'kin sa mundong ito.
Malalim akong napabuntong hininga at umiling sa kanya. "Magpapahinga na ho ako—"
"R-Revie." Nangatal ang boses niya na tinawag ako.
Marahas kong pinunasan ang basang pisngi bago lumingon sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. Ito ang unang beses na nangyari sa'min ang matinding pagtatalo.
Kalmado ako sa harapan ni mama, kasi alam ko ang kalagayan niya. Alam ko na mahina ang kanyang puso. Aminado akong matigas ang ulo ko, pero hindi ko nagawang paiyakin si mama ng ganito.
Huminga siya ng malalim bago magsalita. "Ginah*sa ako ng isang pari at ikaw ang naging bunga, Revie."
♱
Muli akong nakaharap sa bintana ng kwarto habang pinaglalaruan ang baraha sa mga daliri ko.
Binuga ko ang usok bago sumimsim ng alak. Kanina pa tumatawag si Jeremiah sa 'kin, marahil nagsisimula si Jude sa gagawin niya. Hindi ko man lang alam saan siya pupunta at saan gaganapin ang ritual na sinasabi niya, baka sa simbahan o sementeryo?
BINABASA MO ANG
Infernal Fate (R-18 | COMPLETED)
ParanormalRevie Cosima thought that falling in love with a priest isn't a bad thing and just the mere emotions of a human. Little did she know, an entity from the abyss is enjoying her unrequited love story. ━━ A/N: Do not test God's patience... if you don't...