Summer Memories

1 0 0
                                    


             Bakasyon na naman at karamihan sa mga kabataan ay nag paplano na kung saan sila magbabakasyon. Pero iba si Crissa, nakatira siya sa Isla Isabela at mas gugustuhin niyang manatili sa bahay nila at tumulong sa kaniyang mga magulang.

Isang araw, habang siya ay abalang-abala sa pagsasampay ng mga damit sa kanilang bakuran, may isang lalaki na paparating na parang may humahabol dito. At ng makita ng lalaki si Crissa na magsasampay na sana ng kanilang kumot, lumapit sya rito at doon naisipang mag tago.

"Uy? anong ginagawa mo diyan?" tanong Crissa.

"Nagtatago?" kumakamot sa ulong sambit ng lalaki.

"Aahh ako nga pala si Miguel. Nagbabakasyon lang kami rito. Hinahabol kasi ako ng mga kaibigan ko." Dagdag pa nito.

"mmm. gayon ba? pasok ka muna sa bahay inom ka ng tubig baka mamatay ka sa hingal diyan." sabi ni Crissa bago pumasok sa bahay.

Pagpasok nila sa bahay ni Crissa, nadatnan nila ang tatay ni Crissa na nagpapahinga doon sa may sala nila. Nagulat ang tatay ni Crissa dahil kilala nya si Miguel na apo ni Don Federico na kaibigan naman ng tatay ni Crissa. At dahil kilala naman ng tatay niya si Miguel, iniwan nya muna ito at pinagpatuloy ang pagsasampay.

Nang dumating ang tanghalian doon na din pinakain ng nanay ni Crissa si Miguel. Matapos silang kumain, silang dalawa nalang ang naiwan dahil may trabaho ang tatay ni Crissa at mamalengke naman ang nanay nya, kaya ang ginawa nila lumabas sila ng bahay at doon sila nag usap sa may bakuran nina Crissa kung saan may mesa sa ilalim ng punong mangga. Mag gagabi na ng naisipang umuwi ni Miguel.

At dahil nga sa pag uusap nila, mas nakilala nila ang isa't isa. Halos araw araw na silang magkasama simula ng magkakilala sila, minsan namamasyal sila, minsan naman namimingwit sila ng isda, minsan naman doon sila tumatambay sa mansion ng lolo ni Miguel.

"Anong maganda sa bayan?" Tanong ni Crissa.

"Marami. Masaya doon, maraming maaaring puntahan kapag gusto mong gumala. Punta tayo doon sa susunod na taon! ". Sagot ni Miguel.

" Oo ba! Bsta ba ipag abiso mo ko kay tatay ha! " Sagot naman ni Crissa.

"Oo na. Akong bahala. Tara doon tayo sa pangpang.

                Nakasanayan na nila ang ganon, at medyo nahulog na rin ang loob ni Crissa kay Miguel na kahit pilit niyang tinatago halata parin sa kilos niya.

Isang hapon nagtaka si Crissa kung bakit hindi pa dumadating si Miguel doon sa kanilang tagpuan. Nag hintay muna siya ng ilang minuto bago niya naisipang puntahan sa mansyon si Miguel.

Pagdating niya doon, napansin niya ang maraming sasakyan kaya nagtanong sya sa gwuardya, may bisita pala silang dumating kasama na ang magulang ni Miguel kaya umuwi nalang siya sa kanila.

Sa sumunod na araw hindi parin nagpakita si Miguel sa kanya, at nasundan pa ito ng ilang araw bago nya nakita si Miguel pero hindi ito nag iisa. Kasama nito ang isang mestisang babae, mala anghel ang mukha at may mahabang buhok. Akala ni Crissa na hindi siya papansinin ni Miguel pero lumapit ito sa kanya at pinakilala sa kanya ang kasama nito. Nagulat, nasaktan, halo halo ang emosyong naramdaman ni Crissa noong mga panahong iyon, kasintahan pala ni Miguel ang kasama nito. Hindi sya makapagsalita kaya ngumiti lang siya bago siya tumakbo palayo sa kanila.

" Kaya pala! May napupusuan na pala siya, huhuhu. Ikw kasi Crissa sabi sayo na tumigil ka." Umiiyak na sambit ni Crissa sa sarili.

Mahal na pala ni Crissa si Miguel pero hindi niya naman matanggap na kaibigan lang ang turing ni Miguel sa kanya. Na baka gusto lang nito ang may kausap, kasama, o kaibigan sa pamamalagi nito doon sa isla. Dahil sa lubos na nasaktan si Crissa, nagkulong siya sa kwarto niya sa buong maghapon at hindi nya kinausap ang sino man.

Nalaman na lang ni Crissa na naka alis na pala sina Miguel pabalik sa kanila, at may balak daw itong mangibang bansa kasama ang nobya. Kaya kahit nasasaktan si Crissa, pinagpatuloy na lang niya ang kaniyang buhay kahit na may malaking pagbabago na sa mga nakagawian niya. Sa isip at puso ni Crissa ay mananatiling ala-ala nalang ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Miguel. Di bale nang nasaktan siya, masaya naman siya noong mga panahong mag kasama silang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon