Chapter 1

74 3 2
                                    

Cassandra Smith

Hello every one my name is Cassandra Smith, 22 years old I'm a flight attendant. And now is the day of my vacation. Yes. Makakapag-relax narin ako for one month. Nakakastress kasi nitong mga nakaraang araw ang daming problema, nagkadelay kasi nung isang araw dahil sa bagyo kayo ayun. Yung mga tao, nagagalit.


Can't they understand? May bagyo kaya hindi pwede lumipad yung plane.


Hay. Sana makita ko siya ulit, kahit masilayan man lang masaya na ako. I really like him-- oh, scratch that-- I love him. Yeah. Mahal ko siya Pero hindi niya ako kilala. Ang saklap diba?



"Uyy, ganda una na ako sayo huh. Kita-kits na lang sa Monday, bye ingat." Delma


"Oh, Sige. Ikaw din. Mag-iingat Ka. Bye." She's my friend since college. Tatlo kami pero fashion naman yung hilig niya. Kaya magkikita-kita kami sa lunes ng gabi sa isang sikat na bar.



Matapos kong magligpit ng mga gamit ko. Lumabas ako dala-dala ang maliit kong maleta. Hindi ko pinapansin ang mga taong napapalingon sakin tuwing dumadaan ako lalo na yung mga lalaki. Maganda kasi ako.joke.




Napangiti ako ng makita ko ang kotse ni Kuya. Hihix.. Mahal na mahal niya talaga ako, kahit madami siyang tambak na trabaho sinundo niya parin ako.




Nakangiting sinalubong ko si Kuya Carlo ng bumaba ito ng sasakyan. "Kuya namiss kita.sobra." niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa tuktok ng ulo ko.




"I miss you more. Sabi ko naman sayo diba, you can resign in your work at sa company ka na lang magtrabaho." Sinimangutan niya ito pero tinawanan lang siya.





"And I also told you that this is my dream. Right?" Nakangiti itong tumango-tango. Na parang Alam niya na ang sagot ko.





"OK. Let's go?" Tumango ako at nagtungo na kami sa sasakyan. Siya na rin ang nagbuhat ng maleta ko.





"Namiss kana Nina mommy at daddy. Siguradong mututuwa sila pag nakita Ka."




"Miss ko na din sila. And I'm excited too." Ako kasi yung bunso kaya spoiled rin minsan. Kaya nakukuha ko yung gusto ko. Kahit labag sa kanila yung kinuha kong kurso. Pero wala rin silang nagawa kundi payagan ako. Dahil mahal nila ako. At mahal na mahal ko rin sila.




Napatingin ako kay Kuya na bakas sa mukha yung saya. But I know deep inside that he's not really happy, cause he never experience what he really like . he wanted to be a photographer but since dad insist to get business ads course, hindi na siya umangal.




Dalawang oras rin yung biyahe namin dahil sa sobrang traffic. Well, always naman traffic kaya wala ng bago dun.




Unang pumasok si Kuya, narinig ko pang binati siya nina mom and dad, nasa sala lang sila, well sabagay 6 pm pa lang naman.




"Baby boy ko. Kamusta naman yung lakad mo.?" Narinig ko pang tanong ni mommy, napahagikhik tuloy ako sa isipan ko. Hayy, hindi parin siya nag babago.




"Mom, please don't call like that. I'm not a baby anymore." Naiiritang sagot ni Kuya.




"What's wrong with that. Ikaw parin naman yung baby boy ko ah, lumaki Ka lang. Hon, oh ayaw niya na sakin." Sigurado akong nakalabi yung si mommy habang nakatingin kay dad. Haha




"Hon naman. Malaki na nga raw siya. Paano na lang kapag may girlfriend nayan tapos narinig na tinatawag mo pa rin siyang baby." Natatawang paliwanag ni dad, at nakipag fist-bump kay Kuya, napasimangot tuloy si mommy. Sumilip kasi ako kaya nakikita ko sila.





Lumapad naman yung ngiti ni Kuya ng mapatingin siya sakin.




"Anyway, I have a surprise to the both of you."




"Really. What it is then?" Mom ask.



Sinenyasan niya akong lumapit, pumunta ako sa likod nila mommy at daddy hindi nila ako napapansin kasi nakatingin sila kay Kuya.




Tinuro niya ako kaya napatingin sila sa akin. Sinalubong ko sila ng isang matamis na ngiti. Nanlaki naman yung mga mata nila kaya Napatawa ako.



"Hi mom, dad. I miss you both."


"Baby ko. Umuwi kana talaga." Umiiyak na sabi ni mom habang yakap ako.


"Na miss Ka namin ng mommy mo." Nakiyakap narin si daddy at si Kuya samin.




Masaya ako na buo kami ulit. Grabe ang saya saya ko ulit na makasama sila, pero Alam kong sandali lang to dahil may trabaho ako. Gusto ko silang makasama palagi, pero gusto ko ring mag explore. Matupad yung pangarap kong puntahan.



Nagkamustahan lang kami tapos kumain ng dinner. Nagpahinga narin kami, napagod rin kasi ako sa byahe.

____

___

Linggo ngayon kaya nasa bahay lang ako. Maagang umalis si dad at mom dahil mag go-golf raw sila ng mga friends nila.



Plano ko ding pumunta ng mall mamaya. Wala kasi si kuya ,may meeting raw siya ngayon.




Alas dos na ng hapon, nakabihis narin ako. Ready na akong pumunta sa mall. Magw-window shopping lang ako.

Nag taxi na lang ako papuntang mall, tinatamad akong mag maneho. Pagdating ko sa tapat ng mall bumaba na ako pagkatapos mag bayad. Agad akong pumasok at nag libot-libot.

........

Ilang oras narin akong naglibot at medyo sumakit na rin yung paa ko kaya nagpasya na kong mag kape.

Habang nagkakape ako, inilibot ko yung tingin ko sa loob ng mapadako ang tingin ko sa kabilang mesa, nakaharap sakin yung lalaki kaya kitang kita ko yung muka niya may kasama siyang babae. Nakangiti siya sa babaeng kaharap niya habang hawak ang kamay nito.

Kilala ko siya, siya lang naman yung lalaking mahal ko. Iniwas ko yung tingin ko sakanila dahil pakiramdam ko naninikip yung dibdib ko.

Umalis na lang ako dun at umuwi na, ayokong makita siyang masaya kasama ang babaeng mahal niya. Sila parin pala hanggang ngayon.

'Sana bumaliktad yung ikot ng mundo'.

____

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Wan't My Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon