"Rhea, si Lester nga pala."
Ngumiti lang ako. Ngumiti rin siya pabalik. Hindi ko alam sasabihin ko kaya iyon na lang ang nagawa ko.
"Binu-bully ka na ni Dara?" Pinalo naman siya ni Dara na siyang ikinadaing niya at ikinatawa ko naman nang bahagya. "Buti natatagalan mo itong babaeng 'to?"
"Nakakainis ka talagang bakulaw ka!"
Tinuro pa ni Lester si Dara at tumingin sa 'kin. "Bully talaga, ano?"
Natawa na lang ako.
Hindi namin kaklase si Lester, pero tuwing lunch, recess, at uwian, nakakasama namin siya. Parehas kaming transfer ni Dara, samantalang si Lester ay dito na mula pa first year.
"Lalayo ka diyan kay Dara kapag may quiz. Nako, malupit mangopya 'yan!"
"Imbento ka na naman!"
"Nako, oo. Pati assignment," sakay ko sa pang-aasar ni Lester.
Nakasimangot na humarap sa 'kin si Dara. Nagulat na lang ako at napaaray nang paluin niya ako. "Hindi naman!"
"Nako, pati si Rhea binubugbog mo na. Kawawa magiging boyfriend mo."
Natawa kaming dalawa ni Lester, habang si Dara ay nakasimangot.
Gano'n kami palagi. Madalas ay si Dara ang pinagtitripan. Kung minsan naman ay ako ang kakampi ni Dara. May pagkakataon din na ako ang pinagtutulungan nilang dalawa.
Masaya silang kasama. Sobra.
Habang mas tumatagal ko silang nakakasama, marami akong nalaman tungkol sa kanila. Lalo kay Les. Madalas kami magkausap lalo no'ng malaman na parehas kaming mahilig sa anime at manga. Madalas din kami magkasundo sa mga laro.
May mga pinagkakasunduan din kami ni Dara, pero mas marami kaming parehas ng interes ni Les. Isa pa ay nagkakaro'n na rin ng iba pang kaibigan si Dara. Nakahanap siya ng makakasundo sa KPOP at make-ups.
"Laro tayo!"
"Sige, tapusin ko lang itong chapter na 'to."
"Ano ba binabasa mo?"
"HunterXHunter."
"Uy, anong part ka na?"
"Iyong nasa loob sila ng game. Greed Island."
"A, si Gon mananalo diyan."
Pinalo ko siya sa braso. "Spoiler ka!"
"Aray! Nahahawa ka na kay Dara."
Natawa na lang ako at tinuloy ang pagbabasa. Habang nagbabasa, naririnig kong ini-start na niya ang game sa phone.
"Laro muna 'ko."
"Mm," pagsenyales ko na narinig ang sinabi niya.
May mga pagkakataon na pumupunta ako sa bahay nila, o magkakaro'n kami ng sariling gala. Habang kumakain o naglalakad o nasa biyahe ay mag-uusap kami tungkol sa anime, o sa manga, o sa mga paborito naming heroes at epic naming mga laro.
BINABASA MO ANG
Attachments
Short StoryHindi file, pero na-attach. Date written: October 16, 2018 Date posted: October 16, 2018