1

2 0 0
                                    


Hyera's POV

Napatigil ako sa tapat ng basketball court.

"Huy!" Si Cath. Tsk. Panira.

"Ano?" Inis na tanong ko. Istorbohin ba naman ako habang tumitingin kay crush.

"Hay nakoooo...tsk tsk. Si Kyle na naman?" Nakangising sabi niya. Di ko napigilang ngumiti. "Bahala ka nga dyan maglilinis nako." Sabi ko at muling tumingin kay Kyle. Ang galing niya talaga maglaro!

"Ehem...kala ko maglili--"

"Oo na eto na nga eh..." Natatawa kong sabi at tumalikod na. Si Cath naman ay pinuntahan si Oliver na boyfriend niya. Basketball player din kasi yun.

--

"Bes sabi ni Oliver may laro sila sa linggo. Nood tayo ah." Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. OMG.

"Sigeeeeee!" Excited na sabi ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiging excited nang dumating si Maika kasama ang mga alipores niya.

"Hoy Hyera! Anong nginingiti mo dyan? Nagpapantasya ka na naman sa boyfriend ko?" Taas-kilay nyang sabi. Napalunok ako. Teka, boyfriend? Boyfriend niya na si Kyle?

"B-boyfr--"

"Oo boyfriend ko siya. Baket? Sa tingin mo naman sayo siya papatol? How pathetic." Mataray na sabi niya sabay hair flip tapos talikod.

Aray ko. Ang sakit nun ah.

May girlfriend na siya? At si Maika yun. Well, inaasahan ko na din naman na magiging sila kase matagal nang maraming nakakapansin na may 'something' sa kanila. Pero masakit padin pala kapag eto na mismo.

"Bes tara na." Sabi ni Cath nang makita niyang nangingilid ang luha ko. Hinila niya ako papunta sa cr.

Ang sakit. 3 years kona syang gusto...tapos...ganito lang mangyayari.

Umiyak nalang ako sa loob ng cubicle.

Ang OA ko na ata. Pero masakit eh.

Mahal kona kasi ata siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon