Alfred's P.O.V
*Dismissal*
"Ah...RR, Una na ako ha? Sorry kung una kung panliligaw hindi kita maaasi---" naputol yung sasabihin ko ng nagsalita si RR.
"Hindi ako bata para ihatid. Pwede ka ng lumayas" sabi ni RR at inaayos na ang mga gamit nya.
Nakakainis! Kung hndi lang dahil kay Misha eh.
**
"Kamusta kna?" pangangamusta ko kay Misha.
Pumunta ako sa bahay nila para tignan kung okay siya, wala kasi akong vacant time kanina sa school para puntahan siya.
"Okay lang naman ako :) Wala namang nangyaring masama nung umalis ka sa klase namin at lumipat ka sa ibang section. Hehe"
Si Misha ba? Isa sa mga babaeng pinapahalagahan ko sa buhay ko. Pag may nang-aaway sakanya nung bata pa kami, ako ang dakila nyang savior. sa oras na pinapaiyak siya ng mga kaklase nya, todo rescue ako para sakanya. Nangako kasi ako sa ate nya bago mamatay ito na aalagaan kung mabuti ang little sister nya. Mabait si Misha, hindi siya selosa nung kami pa ni Alexa. I mean, hindi siya nagseselos pag hindi ko siya naaasikaso, maintindihin siya.
"Sorry na! alam ko naman na nagtatampo ka eh" lumapit ako sakanya at niyakap siya. naramdaman ko nalang na umiiyak siya dahil sa mga hikbi nya, hindi ko siya inawat sa pag-iyak, mas maganda kasi kung ilalabas nya ito.
"*sob*ikaw naman kasi eh! kala ko tuloy, hindi na ako mahalaga sayo *sob*"parang batang iyak ni Misha.
"Pede ba yun? kahit kailan hindi kita iiwan o hindi kita bibigyan na pagpapahalaga, para na kitang isang kapatid no." pagkasabi ko nun kumalas siya sa yakap at pinahid ang sarili nyang luha.
RR's P.O.V
"Ang sungit mo! Mas gusto ko yung nagsasalita ka kahit pinipilosopo mo ako, hindi yung ganyan ang tahimik mo! jan ka na nga!" sabay akyat ni Gel sa kwarto nya.
Anu ba nangyayari saakin?
Nagulat ako ng may nag doorbell. Tinignan ko naman ito at si Alexa lang pala -_-
Umiiyak siya.
"*sob* RR, nakita mo si mom?" nakakaawang sabi ni Alexa.
"Hindi dito ang police station para mag report ka sa nawawala." sasaran ko na sana siya ng gate ng pigilin nya ito.
"Nag-away si Mom at Dad *sob* naglayas si Mom, tulungan mo ako RR..."
"UTUT MO! Pag tinulungan ba kita, tutulungan mo din akong mabuhay ang tatay ko?!"
"Hindi...pero RR, nanay mo din ang nawawala... nanay natin...*sob*"
"Wala akong nanay." at sinaran ko na nga siya ng pinto.
Nagkakalampag siya ng gate namin kaya binuksan ko ulit.
"tutulungan mo na ba ako?" masayang sabi ni Alexa habang naiyak siya.
"Nope. may sasabihin lang ako, KARMA starts now, my dear Alexa" sabay kindat ko sakanya pero wala paring expression -_- at sinaran ko na talaga siya ng pinto.
Umakyat na ako ng kwarto ng makita kong umilaw ang phone ko, naiwan ko pala sa sofa.
Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext.. Unknown number..
Binuksan ko yung message.
'YOU stole him from me, i am right? well. be ready'
Is this a death note?
BINABASA MO ANG
The Cold-Hearted Girl [Completed]
Romance[Editing] 'Cold-Hearted' walang emosyon o walang pakiramdam sabi nila. Para saakin may nararamdaman din sila, tao yan eh =__= hindi lang nila pinapakita. wala naman kasing magagawa ang pagpapakita ko ng emosyon o nararamdaman ko hindi naman yun naka...