"Drix, Mahal kita. Pwede ba maging tayo?" Tsskkk. This scene again."Ok." As what I've expected, yun lang naman ang palage niyang sagot sa mga babaeng nagmamakaawang magkarelasyon sila. After all he is well known as a "Casanova" of the campus.
"O-ok?" Hindi makapaniwalang tanong ng babae sa kanya.
"Ok." He said confidently. Then he walked away. Sumunod lang ako sa kanya. When I also left, the girl still can't believe na sila na ni Drix with matching naka nganga pa.
Ang galing mo naman Drix. In just one day 3 girls na ang nasagot mo. Hayuuppp!
"Hoy! Drix! Hintayin mo nga ako." Hindi man lang talaga ako hinintay.
"Ang bagal mo naman kasi maglakad." Sabi niya habang tuloy pa rin sa pag lakad.
"Wow. Ang galing, Hinintay nga kita masagot yung babaeng yun tapos ako hindi mo mahintay." Sabi ko habang medyo tumatakbo. Kasi medyo ang layo niya sa akin. Paano ang haba ng biyas.
"Oh. Easy, high blood ka masyado." Nang asar pa talaga eh.
"Drix!" Sigaw ko. Kaya tumigil na siya. Sa sobrang hingal ko napayuko ako, still catching my breath.
"Kaya pa?" Kita nang hinihingal, nagtanong pa talaga.
Tinignan ko siya ng masama.
"Tara na!" He said then abruptly grabbed my hand.
"Pwede bang hinay hinay lang. Ang bilis mo naman eh. Saan ba tayo pupunta ha?!" Sabi ko habang hinihingal pa rin.
"Basta sumama ka na lang." May choice pa ba ako? Tsskkkk
"Marunong akong maglakad. Wag mo nga akong kaladkarin." Bulyaw ko sa kanya.
"Marunong ka nga ang bagal naman." Aba't sumasagot! Tinignan ko siya ng masama.
Hinayaan ko lang siyang kaladkarin ako hanggang sa mapunta kami sa parking lot.
"Sakay." Utos niya ng makarating kami sa harap ng isang magarbong motorsiklo.
"Amazed huh?" Hindi ko siya sinagot dahil manghang-mangha pa rin ako sa isang motorsiklo na nasa harap ko.
"That's Honda RC213V-S. It costs 184,000 USD." Ako'y nasamid sa sarili kong laway.
"WHAT?! 184,000 USD? So pag sa peso 9 Million+? Are you kidding me Drix?" Bulas ko sa kanya.
"Yes. Correct. No I'm not." Sa sobrang excite ko Kinuha ko sa kanya yung helmet at handang handa ng sumakay. Pumunta siya sa likod nito.
"Tara na! Bagal naman." Reklamo ko.
"Tara na nga. Bakit diyan ka?" Minsan tanga rin tong si Drix eh.
"Sasakay." Sabi ko. Then he laugh.
"Nakakatawa yun?" Pagtataray ko sa kanya. Pero tawa pa rin siya ng tawa.
"Drix! Ano ba? Umayos ka nga." Pagmamaktol ko na tila bata.
"HAHAHA. Alam kong mayaman kami pero para bilhin ang ganyang kamahal na motorsiklo? No way." Pinagsasabi nito? Kunot noo ko siyang tinignan.
YOU ARE READING
Lucky
FanfictionOn-going Kathniel Fanfiction. Anong mas pinapahalagahan mo? Ang pagkakaibigan niyo o ang nararamdaman mo? Can friends turn into lovers? L U C K Y credits sa pic na ginamit ko 🤗 Inedit ko lang siya ulit 💖 God Bless 😇