Chapter 18: Craving For Pain

502 95 0
                                    

Chapter 18: Craving for Pain


Ngumiwi ako nang maramdaman ang sakit sa buong katawan. Nakahiga kami sa lapag habang napapalibutan ng kumot at unan.

Halos buong araw kaming narito lang sa kwarto, kumakalam na ang sikmura ko.

Kinusot ko ang mga mata bago tumingin kay Jude na mahimbing na natutulog. Napangiti ako at marahan na hinaplos ang pisngi niya.

Ako naman ngayon ang magluluto ng pagkain, palagi na lang kasi siya ang gumagawa pagkatapos makipagtalik sa 'kin.

Bukod sa katas ko, ipapatikim ko rin sa kanya kung gaano ako kasarap magtimpla ng apple juice.

Nag-unat ako ng katawan at pilit na tumayo. Nanghihina man ang mga binti ko ay nagtungo ako sa fridge at binuksan. Napasimangot ako nang wala itong pagkain at tanging alak lang.

Kaya ba nangayayat din siya? Hindi siguro siya kumakain ng tama habang nasa ibang lugar.

Mabilis kong sinuot ang mga damit, baka kasi magising si Jude. Gusto ko pag nagising na siya ay handa na ang makakain para pag nagka-energy ulit siya ay ako naman ang kakainin niya.

Napailing ako sa isip.

Marahan kong pinupog siya ng halik sa noo bago lumabas. Nasa harap lang ng sementeryo ang tinutuluyan niyang motel, kaya pala pumarada siya sa labas ng sementeryo kahapon.

Kulay kahel na ang langit habang tinatahak ko ang daan papunta sa sakayan, ilang segundo akong nag abang bago pa nakasakay.

Hindi ako nakapagpaalam kay mama, baka hinahanap na ako pero sa tingin ko kailangan namin ng space ni mama para makapag-isip. May mga masasakit na salita kaming nabitawan, pero baka nag message siya sa 'kin.

Napakagat ako ng ibabang labi nang hindi mag-on ang phone ko. Hindi ko man lang namalayan na lowbat na pala ito. Bwesit. Kinapa ko ang bulsa ng shorts, nandito pa rin ang gamot na binigay ni Jeremiah... at ang baraha.

Bahagya ko itong inilabas sa bulsa, nakangiti pa rin ito sa 'kin. Huminga ako ng malalim at muling sinilid ito sa bulsa, kung susunugin ko ito ay sisiguraduhin kong hindi malalaman ni mama.

Ilang sandali pa ay nakarating ako sa palengke. Ang daming tao rito, ano kaya ang magandang ipatikim kay Jude bukod sa pwerta ko? Fried rice?

Ughh.

Umalingawngaw sa 'kin ang tawa nila Eura at Tino, 'yung araw na tinawanan nila ako dahil itlog lang daw ang alam kong lutuin.

"Revie!"

Wala sa huwisyong lumingon ako sa sumigaw ng pangalan ko. Nanalalaki ang mga mata niya habang patakbong nagtungo sa 'kin.

Kapit-bahay namin ito, si Aleng Eden, 'yung nagtitinda sa kabilang kalsada.

Huli na para umatras ako dahil mahigpit na niyang hinawakan ang magkabilang braso ko. Ngumiwi ako sa ginawa niya, masakit pa nga ang katawan ko. Masyadong wild si Jude kagabi.

Habol niya ang hininga bago magsalita. "Si mama mo—"

Tila may sariling buhay ang mga paa ko at mabilis na tumakbo. Unti-unting ginapangan ako ng kaba hanggang marating ang shop.

Nasa labas ang mga tita ko, sila ang mga kapatid ni mama. Nandito rin ang mga pinsan ko. Namumula ang mga mata nila na bumaling sa 'kin. Kumunot ang noo ko nang biglang humagulgol si Tita Tanya.

Halos kumakawala na ang tibok ng puso ko sabay lumabas ang policeman sa shop. Wala sa huwisyong nagtungo ako sa kanila kahit mabibigat man ang mga paa na naglalakad.

"Siya ba ang kapamilya ni Anna Cosima?" tanong ng pulis.

Lutang ang utak ko na tumango sa kanya. Magsasalita na sana ang pulis nang marinig ko ang nangangatal na boses ni Tita Emma, nakakatandang kapatid nila mama.

Infernal Fate (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon