The Final Chapter
Chapter 19: Bloody CardWarning: SPG/R18+
Read at your own risk.Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako, ang sakit pa rin ng katawan ko. Kumunot ang noo ko nang walang marinig na boses ni mama; hindi man lang niya ako ginising.
Biglang sinapo ko ang bibig at patakbong nagtungo sa banyo, halos iniluwa ko na ang buong sikmura ko.
Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling beses na kumain. Kahapon pa ito nagsimula, hindi na nakapagtataka kung maduwal man ako.
Pinupunasan ko ang bibig habang nakatingin sa cellphone, walang message galing kay Tino at Eura. Umismid ako, pati na rin kay Casper.
Nakalimutan na ba nila ako?
Lumabas na lang ako ng banyo habang tinitingnan ang inbox. Ang daming message, pero wala sa mga taong hinintay ko na makausap.
Wala sa huwisyong binuksan ko ang gallery sa cellphone.
"Hahaha, tingnan mo si bruha! Ininom ba naman 'yung tubig sa basahan! Hoy, Revie!"
Napangiti ako nang binuksan ang video nila Tino at Eura. Natatandaan ko rin 'to, medyo nalasing na yata ako tapos pinagtripan nila ako.
"Revieee! Tulungan mo naman ako kung maganda ba 'tong book cover na ginawa ko? e-rate mo nama— ano ba wag ka nga mag video! Ilayo mo sa'kin ang camera!"
Tuluyan akong napatawa nang sumunod ang video ni Casper. Natatandaan ko rin ito, summer last year at nakatambay kami malapit sa ilog.
Huminga ako ng malalim bago ngumiti. Napahinto ako at nilibot ang tingin sa paligid, nagkalat pa ang mga kahon at iilang mga gamit.
Tama, hindi ko pa pala ito naayos. Konti na lang at luluwang na ang kwarto ko. Wala na rin ang rose gold na tema, sa tingin ko ay mas bagay ang kulay abong pader.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang nakabitay na amulet malapit sa bintana. Siguro nilagay ito ni mama noong natutulog ako. Kailangan ko pa palang ilagay sa kahon ang mga crystals niya pati na rin ang mga tela na may cosmos at zodiac signs.
Tumingkayad ako at inabot ang amulet, napatingin ako sa labas ng bintana. Pamilyar sa 'kin ang motor na nakaparada sa kabilang kalsada.
Kahit sabihin kong lubayan niya ako ay hindi niya pa rin ginagawa, palagi siyang nasa paligid ko.
Malalaki ang hakbang ko na bumaba ng hagdan. Napahinto ang mga paa ko nang makita ang shop, halos kalahati pala ng gamit na narito ay naitago ko na sa kahon.
Agad akong nagtungo sa pinto bago binuksan. Nagtama ang mga mata namin, namumula ang tenga niya habang umiinom ng buko juice.
Nakatayo siya sa harapan ng tindahan ni Aling Eden, dahan-dahan siyang tumalikod sa 'kin sabay napairap ako sa deriksyon niya.
Sino bang mag-aakala na bubuksan ko ang pinto ng shop matapos ang isang linggo.
Sumitsit ako sa kanya. Nakasuot ako ng manipis na maikling damit, ayokong lumabas ng ganito ka-init.
"Jude Lucifer!"
Mabilis siyang lumingon sa deriksyon ko, tatawid na sana siya nang hinarang siya ng mga bata. Umiling siya sa mga ito na nagpupumilit na magmano sa kanya. Napangiti ako nang wala siyang nagawa kundi i-lahad ang kamay niya. Nagmano sila bago siya nilubayan, kumaway pa ang isa sa mga bata.
Kumabog ang dibdib ko nang papalapit siya sa 'kin. Kagat niya ang ibabang labi at huminto sa harapan ko, mas lalo kong binuksan ang pinto at agad naman siyang pumasok.
BINABASA MO ANG
Infernal Fate (R-18 | COMPLETED)
ParanormalRevie Cosima thought that falling in love with a priest isn't a bad thing and just the mere emotions of a human. Little did she know, an entity from the abyss is enjoying her unrequited love story. ━━ A/N: Do not test God's patience... if you don't...