Bus,,Love Story
by: Chelle_06
Edited by: Ely_Crensez
OneShot
Masarap ang umibig...
Masaya kapag nakakasama mo ang taong mahal mo...
Masarap isipin na may promoprotekta sayo...
Pero panu kung isang araw magising ka nalang sa katotohanang wala na pala siya...
at di mo man lang nasabi ang damdamdamin mo para sakanya...
-
Aalis na ang bus...
Nagmadali akong sumakay dito baka kasi maiwanan ako. Punong-puno na ang bus ng mga sakay, wala na akong mauupuan, kaya tiniis ko nalang na tumayo, para lang hindi ma late sa school.
Pero di nagtagal ang pagtayo kung yun, kasi buti nalang merong isang lalaking maginoo na ka edad ko. Tumayo sya sa kinauupuan nya at pinaupo ako.
Dun ko sya unang nakita. Bumagay sa kanya ang pagiging maginoo nya.
—
Nakasabay ko na naman sya. Pero buti na lang, kaunti ang nakasakay sa bus hindi tulad ng dati siksikan parang nasa lata nang isang sardinas.
Tinabihan ko sya, gusto ko sana siyang kausapin, at tanungin kung anong pangalan nya, kaso nahihiya ako, ang seryoso kasi ng mukha niya, gusto ko sanang makipagkaibigan. Dahil gusto ko na sya.
Dumaan ang mga araw parati ko na syang nakaka tci sa pag sakay ng Bus, pero hindi ko parin magawang magsalita, kapag kaharap ko na sya... Sobra kasi akong nahihiya at parang parating umuurong ang dila ko sa gusto kung sabihin sakanya.
—-
Isang araw pasakay na ako ng bus, hinanap ko sya para tabihan ulit, kaso mali yata yung desisyon kung hanapin sya. Kasi nakita ng dalawa kung mata may katabi na sya sa kinauupuan nya, isang babae at mukhang ang saya saya nila, dahil tawa sila ng tawa, kaya pumunta nalang ako sa ibang upuan pero tanaw na tanaw ko parin sila, di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, wala naman akong karapatang magalit, pero parang tinuturok ng karayom ng pa ulit-ulit ang puso ko. Gusto kung malaman kung sino ang babaeng kasama nya kaso wala naman akong karapatan para itanong yun.
——
Napag desisyonan kung gumawa ng sulat. Para sa kanya. Balak ko na sana itong ibigay, kaso wala akong lakas ng loob, at baka iwasan nya ako. Katabi ko na sya at naka tanaw sya sa bintana, gusto ko syang kalabitin para ibigay itong sulat, ngunit miski mga kamay ko umuurong na rin.Kaya inipit ko nalang sa librong dala ko. Kasi baka sakaling maibigay ko, pero hanggang sa pa baba na ako ng bus, hindi ko parin ito naibigay. Pero bigla nalang may humawak sa braso ko akala ko kung sino, yung taong mahal ko pala si Ivan. Oo Ivan ang pangalan nya nakita ko kasi yun sa I.D nya tuwing natutulog sya, at gaya nga ng sabi ko mahal ko na sya.