'Till Eternity

9 3 0
                                    

---

Pilit kong inaabot ang cellphone kong nag-riring na nasa side table katabi ng kama ko. Argh! Asan na ba yun? Kainis naman oh! Sino ba ‘tong tumatawag at inaantok pa ako. Kinakapa kapa ko habang naka-pikit ang table at nang nahawakan ko na ang cellphone ko ay ang siyang pagka-hulog ko naman galing sa kama ko at tuluyang nawala na ang antok ko.

“Hello!” sigaw ko sa kung sino mang hinayupak ang tumatawag sa akin sa ganitong dis oras ng gabi. “Sino ba to at ano ang kailangan mo?”

Bakas pa rin ang inis sa tono ng boses ko pero nawala rin yun sa balitang narinig ko, isang masamang balita.

“Dude. Si Annie, dinala sa ospital.” Dali dali kong binaba ang tawag at kinuha ang susi ng kotse ko at tinungo ang parking lot. Wala na akong pake-alam kahit may panis na laway pa ang mukha ko. Kahit na gulo gulo pa ang buhok ko. Ang importante ay maka-abot ako sa ospital kung nasan si Annie. Nang pasakay na ako sa kotse ko ay biglang nag-beep ang cellphone ko at nabasa ko ang text ni Kendrick – kapatid ni Annie – kung saang ospital dinala si Annie.

Pagdating ko sa ospital ay sinalubong ako ni Kendrick sa main entrance ng ospital at tinungo namin ang kwarto kung nasaan si Annie. Dahil nasa suite si Annie, alam kong hindi malubha ang karamdaman niya di gaya noon na halos bawian na siya ng buhay dahil sa sakit niyang heart disease.

Dahil sa hatinggabi na ay mga nurse nalang ang nadadaanan namin. Nasa second floor ang kwarto ni Annie kaya hindi gaanong matagal bago kami naka-abot sa kwarto niya. Dali dali kong binuksan ang pinto at napahinto ako sa nakita ko. Gising si Annie at naka-ngiti habang pinapatahan ang mama niya na kanina pa iyak ng iyak habang nasa likod lamang nila ang dad niya. I sighed out of relief. Napansin yata nila kami at napa-tingin sila sa kinaroroonan namin.  Ngumiti si tito sa akin at tumango na parang binibigyan ako ng pahintulot para lumapit at siya namang ginawa ko.

“Annie.” Sabi ko habang papalapit at hinawakan ng dalawang kamay ko ang kaliwang kamay niya. Lumabas muna ng kwarto sina tito at tita kasama na rin si Kendrick kaya kami nalang ni Annie ang naiwan. “Babe, pinag-alala mo ‘ko ng todo.”

Hinalikan ko ang kamay niya na hawak ko at hinayaan ang isang butil ng luha na tumulo galing sa mga mata ko.

“James, babe. I’m okay now. There’s nothing to worry about anymore.” Sabi ni Annie sa akin sabay ngiti. “Tingnan mo nga oh, nakaka-ngiti na ako. Sino bang hindi okay ang nakaka-ngiti?”

“Ikaw. Ganyan ka naman eh, kahit nahihirapan ka, nakaka-ngiti ka pa rin. Babe, mahal na mahal na mahal kita and I don’t know kung ano ang gagawin ko kung mawawala ka sa’kin.” Sa pagkakataong ito, tuloy tuloy na ang pagpatak ng luha ko. Ngumiti lamang si Annie para mapigilan ang luhang sigurado akong malapit nang tumulo.

“Babe? Can you do me a favor? Please?” tanong ni Annie sa akin.

“Siyempre naman, babe. Ikaw pa, malakas ang tama ko sa’yo eh.” Napangiti naman ako ng tumawa si Annie. Yung tawang hindi pinipilit para pagaanin ang loob ng mga taong nasa paligid niya na nag-aalala sa kanya.

“Can you please lie down and sleep beside me? Please.” Tumango lamang ako bilang tugon. Humiga naman ako sa tabi niya at ipinatong ang ulo niya sa kanang braso ko at niyakap siya gamit ang kaliwang kamay ko. Pinatong naman ni Annie ang kanang kamay niya sa dibdib ko at pumikit kaming dalawa  hanggang sa makatulog kami.

Nakaka-silaw sa mata ang sinag ng araw ng magising ako. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinawakan ito gamit ang dalawa kong daliri. Inilibot ko ang katawan ko sa kaliwa ko patalikod sa bintanang tinatagusan ng sinag ng araw dahil sa hindi nakatakip dito ang kurtina. Nakita ko ang pinaka-magandang babae sa paningin ko at ang babaeng sigurado na akong papakasalan ko. Tinititigan ko lang ang mukha niya, ang mahaba niyang pilik mata, matangos na ilong, manipis at mapulang labi at maputlang kutis. Lahat ng nasa kanya, kahit ang kapintasan niya ay minamahal ko at nadadagdagan pa ito sa mga araw na lumilipas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon