Herro's Note:
You're at the last chapter of Infernal Fate. Thank you for reading this story. Here's Father Jude Lucifer Crassus point of view. Enjoy! <3
━━━
Don't let the demon take your soul.
Repent and pray for your salvation.See you when I see you.
Vale mea,
Herroivaz━━━
EPILOGUE
Kinuyom ko ang krus bago sumakay sa kalesa. Hindi ko inaasahan na ito ang unang tahas ko pagkatapos umalis sa exorcism team ni Father Vraco.
I was a deacon before joining Father Vraco's exorcism team. It was my first time having my own parish, so I felt quite nervous.
Ilang sandali pa ay huminto ang kalesa sa labas ng simbahan. Agad akong bumaba habang bitbit ang mga gamit. Ngumiti ako sa nag-aabang na Deacon at inabot ang nakalahad niyang kamay.
"Praise to be with Jesus Christ," panimula ko.
"Now and forever, Amen," aniya at ngumiti. "Welcome to Santa Hellena, Father Jude. Nagagalak kaming dito ka itinalaga ng Bishop. Halika't ipapakilala kita sa kanila."
Papasok na sana ako ng simbahan nang mahagip ng mga mata ko ang babaeng nagbibisikleta sa gilid ng kalsada. Nililipad ng hangin ang kaniyang maitim at mahabang buhok, tila kumikislap ang maputi niyang kutis dahil sa sinag ng araw.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang naramdaman ko nang makita ang napakaganda niyang ngiti. Nakakalma at nakakagaan na para bang nawala ang lahat ng pagod ko sa katawan.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang lumiko siya sa kanan. Napakurap ako at umiling, hindi 'yan ang pinunta ko rito.
***
Sumapit ang araw ng aking unang misa, huminga ako ng malalim at tumingin sa unahan. Sa dami ng tao na narito ngayon, halos mga kabataan at iilang may edad na; napako ang mga mata ko sa babaeng natatangi ang ganda.
Nakakunot ang kaniyang noo habang nakahalupkip at biglang tumingin sa deriksyon ko.
Agad akong nag-iwas ng tingin. Huminga ako ng malalim bago magsimula. "In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit."
"Amen."
Muli akong tumingin sa unahan sabay nagtama ang aming mga mata. Kinagat niya ang ibabang labi habang nakangiti sa 'kin. Halos mapigil ko ang paghinga, batid kong nag-iinit ang tenga ko.
"The grace of our Lord Jesus Christ, the love of God, and the communion of the Holy Spirit be with you all."
"And with your spirit."
Natapos ang misa na palagi akong sumusulyap sa kaniya. Hindi ko mapigilan. Sa daming lugar na napuntahan ko at sa daming mapangakit na demonyo na nakasalamuha ko, sa kanya ko lang naramdaman ang ganito.
Hanggang sa pagtulog ay hindi siya mawala sa'king isipan. Wala akong nagawa kundi lumuhod at ipagdasal ang takbo ng utak sa malamig na gabing ito.
***
Kinabukasan, wala sa huwisyong nagtungo ako sa labas ng simbahan matapos ang mga paperworks na naiwan ng unang padre.
Hawak ko ang tasa ng honey tea habang nakatanaw sa labas ng kalsada. Kulay kahel na ang langit, pauwi na ang mga trabahante sa kani-kanilang bahay ngunit hindi siya. Hindi ang babaeng nag bibisikleta at maiksi ang suot na palda.
BINABASA MO ANG
Infernal Fate (R-18 | COMPLETED)
ParanormalRevie Cosima thought that falling in love with a priest isn't a bad thing and just the mere emotions of a human. Little did she know, an entity from the abyss is enjoying her unrequited love story. ━━ A/N: Do not test God's patience... if you don't...