CHAPTER 1 "A NEW BEGINNING!"

5K 74 10
                                    


CHAPTER 1

"A NEW BEGINNING!"

"Bilisan mo bata ka!! Unang araw ng klase late ka kaagad!!!!" Si mama talaga di na nagbago, palagi pa ring nasigaw sa umaga. "Kilos pagong ka talaga!! Bilisan mo!!" Hindi ko alam kung anong klaseng bilis ba ang gusto nya.

"Alis na po ako!!" Nanakbo na ako palabas habang may pandesal sa bibig at inaayos ang necktie ko. Excited ako this school year kasi nasa grade 11 na ako. Hindi lang yun, kaklase ko this year si Declan - oh wait, speaking of - "Declan!!!!" Tumakbo ako ng mabilis para maabutan ko sya. "Papasok ka na sa school?" Maganda kong tanong sa kanya.

"Pauwi palang ako. Dyan ka na!!" Maigsi nyang sagot sabay tawid ng kalsada at sakay ng jeep.

"Kita tayo sa school!!!!!" Kumaway ako sa kanya pero di nya ako tiningnan. Marinig ko lang ang boses nya masaya na ako. Para akong lumulutang sa ulap kasama ang mga kerubin sa langit.

"Hoy Marissa!!!!! Aga aga nananaginip ka!!!" Isang malakas na batok lang naman ang ibinigay nitong kaibigan kong si Emma.

"Masaya lang ako. Tara tawid na tayo!!" Sagot ko sa kanya habang di pa rin mawala ang maganda kong ngiti. "Ayun may jeep!!!! Bakante pa! Tara na!" Nauna akong sumakay ng jeep at sumunod naman sya. "Nakita ko si Declan." Kinikilig kong sabi.

"Eh araw araw mo naman syang nakikita. Anong bago dun?" Tipid nyang sagot sa'kin. Tama naman sya. Araw-araw ko syang nakikita dahil magkapitbahay lang kami. Magkaibigan ang mga pamilya namin at crush ko na sya simula kindergarten.

"Pero alam mo feeling ko ito na yung pinakamasayang year sa school life ko." Kumuha ako ng barya at nagbayad sa jeep. "Kasi finally nasa ibang section na si Andrea! Hindi na ako masyadong magwoworry sa karibal ko kay Declan." Napatawa si Emma sa sinabi ko. "Ba - bakit ka tumatawa? Hindi mo kasi naiintindihan yung nararamdaman ko. Dapat possessive ako pagdating kay Declan!" Niyakap ko ang bag ko habang iniisip ang maamong mukha nya.

"One-sided lang naman yung feelings mo at isa pa di ka ba nagsasawa na sumunod ng sumunod kay Declan? Di mo pa ba gets sa hinaba haba ng taon na nabuntot ka sa kanya na wala syang interest sa'yo?" Pranka 'tong kaibigan ko palibhasa matalino sya at maraming nagkakagusto. Sana katulad ko sya.

"Oy 10 years na 'tong feelings ko para sa kanya! Ngayon pa ba ako susuko? Isa pa hindi pa sya nagkakagirlfriend ever so ibig sabihin may chance pa ako!!!!" Alam kong di ako yung tipo ng babae ni Declan pero naniniwala pa rin ako na love is blind at mas importante ang effort. Oh my Declan!!

"Bababa ka ba o ano?!!!" Napatigil ako sa pagpapantasya at nakita na nakababa na ng jeep si Emma kaya naman mabilis akong sumunod sa kanya. "Alam mo tigilan mo na yang pag day dream mo. Tandaan mo muntik ka ng di makapasa ng grade 10 last year dahil dyan sa pagtunganga mo!"

"Pero nakapasa naman ako so okay na yun." Inayos ko ang sarili ko dahil papasok na kami ng room. "Bakit ang daming tao sa labas?" Mabilis kaming naglakad papunta sa room.

"OMG! Parang mas lalo syang gumwapo!"

"Hay swerte naman ng makakatabi nya sa upuan."

"Sana mapansin nya naman ako."

"Asa pa kayo!! Walang pwedeng mag may ari kay Declan dahil kung sino man ang magtangka ay mananagot sa'min!!!!"

"Hala, Emma sino ba 'tong mga 'to? Nakakatakot naman sila!" Kumapit ako sa braso ni Emma habang naglalakad kami papasok ng room.

The Blissful SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon