J & Z

0 0 0
                                    


"Teka, seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Mahina akong tumawa. Tumango naman ang kausap ko. "Bwisit nga eh, kasi sa picture ang gwapo niya, tapos...tapos...filter is lifeu pala si koya. Azar!" Mahinang napafacepalm ang kaibigan ko habang ikinikwento ang pakikipag meet up nito sa lalaking nakilala sa isang game.

"Oh, buti walang ginawang masama sayo? 'Yan kasi, maghahanap ka na nga lang ng kalandian, sa game pa?" Pinilit kong di matawa sa epic fail na experience ni Lyssa, pero di ko talaga napigilan. Tinitigan naman niya ako ng masama. "Yun nga eh, buti na lang wala. Grabe! Expectations versus reality talaga! Di nako uulit. 'Yoko na beh. Promise!" Inangat nito ang kanang kamay at nagpinky promise pa sa akin gamit ang kaliwa.

"Nadala na 'ko. Shet, first and last na 'to! Di na talaga. Huhu." Wika nito at nilantakan ang Chippy na binili ko kanina. "Sabi naman kasi sayo eh, wag ka mag eentertain ng mga ganyan.."

"Lyssa?! Oh ano? Musta 'meet up' niyo ni lover boy mo?" Natatawang wika ng isa pa naming kaibigan na si Jazz. Nagsidatingan na rin ang iba naming kaibigan na may dalang chichirya at softdrinks.

"Obvious ba?! Edi syempre epic fail!" Naiinis na wika ni Lyssa. "Aww, kawawa naman ang baby Lyssa namin. 'lika hug mo na lang ako!" Umambang yayakapin na sana ni Jazz si Lyssa kung di lang ito hinampas ng walang laman na mineral water bottle sa braso. Natawa na lang kami sa pag aaway ng dalawa. Napatingin ako sa isang kaibigan namin, si Jiro- I don't even know if I should call him a friend, dahil una, hindi kami close. Pangalawa, I don't like him that much..

Ngumiti ako ng mabaling sakin ang tingin niya. At katulad ng nakasanayan, hindi ito ngumiti pabalik. Okay, sige. Edi wag!

"Aray ko naman! 'Wag yung muscles ko! Batak 'yan sa gym." Pagmamayabang ni Jazz. Tinukso sya ng ilan at pinagsabihang 'feeling'.

"Mga bashers!" Sigaw niya.

Sinulyapan ko siya ulit pero busy na ito sa pakikipag usap kay Micah.

Hindi ko talaga alam kung paano naman siya naging kabarkada. Nagulat na lang kami, isang araw sumasabay na siya.

Pinaglaruan ni Ate Kring ang buhok ko. "Kainis, sobrang haba ng vacant ko ngayon. Di ko alam kung matutuwa ako kasi mas maraming time para mag cram o maiinis kasi gastos na naman 'to sa pagkain at pamasahe." Tinitirintas niya ang buhok ko habang mahinang kumakanta.

"Oo nga! Mas ayos pa sched ko last sem, konting vacant atleast tipid! Gahd, 'pano na 50 pesos challenge ko? Buti ka pa, Zy,  ganda ng sched mo!" Wika ni Lee.

"Hassle din naman sched ko. Di pa nga nadidigest ng utak ko yung last subject tapos meron ulit kasunod. Kakastress ng utak." Reklamo ko. Halos isang oras lang ang vacant ko kada subject. Kaurat.

Bumaling si Ate Kring kay Jiro. "Jiro, ilang oras ba ang vacant mo?" Tanong nito. Itinigil ko ang pagnguya sa kinakain ko at nakinig sa sagot niya. "1 hour vacant every subject."

"Oh? Edi sabay pala kayo ni Zy ng sched!" Sagot ni Lee at binatukan siya ni Ate Kring. "Shunga! Malamang sabay sila, same kaya course nila!" Para namang natauhan si Lee sa sinabi ni ate Kring.

"Oo nga pala no, sorry naman, Te Kring! Perfectly imperfect lang!" Nag peace sign ito at tumingin sa relo niya. "Ay, mga beshies. Need to go na ng dyosabells niyo. Next subject si Maleficent!! Bawal malate baka awrahan ako! Bye!" Paalam nito at nagmamadaling umalis.

"Zy, ano oras next sub mo?" Inubos ko ang natitirang pagkain sa supot. "2 PM Ate."

"Shoot. Edi solo flight muna ako ngayon sa mall? Osya. I'll go na! Bye, Zy, Jiro and Micah!"

The next moment, magkasabay na kaming naglalakad papunta sa classroom namin. Walang usap usap. Lakad lang. Walang pansinan. Siguro kung si Lee, or Lyssa, or ate Kring ang kasama ko ngayon, siguradong maingay kami at baka makaistorbo sa ibang nag aaral sa hallway.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon