"Mahal na mahal kita mahal na prinsesa" kasabay nito ang pagpatak ng kaniyang luha at bahagyang pag-hawak ng binata sa mag-kabilaang pisngi ng prinsesa.
"Kung sana ay maibabalik ko lamang ang nakaraan." Ibinaba ng binata ang prinsesa mula sa kaniyang mga braso at lumapit sa isang bagay na nagsilbing solusyon para sa kaniya sa mga sandali na iyon. Itinapat niya ang ispada sa kaniyang puso bago binitawan ang mga katagang
" Tayong dalawa hanggang kamatayan. Till death do us part mahal na prinsesa. Till death do us part."
Tuluyan mang umagos nag mga luha sa kaniyang mga mata at pinilit niya ang sariling hawakan ang kamay ng prinsesa. Ipinikit niya na lamang ang kanyang mata at dinama ang kadilimang walang hanngganan.
Isinarado ko ang libro at bahagyang tumingala. Tapos ko na kaagad ang kwento, at kaninag umaga ko lang to napulot.
I never dream of being a damsel in distress and will be saved by a knight in shining armor. Pero sa kwento na ito, hindi nailigtas ng prinsepe ang prinsesa. At iyon lamang ang nag-iisang gusto ko dito sa kwento na ito. Being Zebastian? I love tragic stories. Kahit anong klase ng tragedy pa yan. Basta walang magkakatuluyan.
Hindi naman kasi lahat ng kwento, happy ending. Minsan sa umpisa lang ng pagtatapos ang masaya. Hindi pa rin mapipigilan yung mga problemang dadating at dadating tapos ayun na yung sisira sa isang relasyon.
I'm not being bitter here ha? I've never been in a relationship. I'm just stating a fact. Ang pangit kasi sa kwento, yung pinapaniwala ka na pwedeng mangyari ang isang bagay na alam mo-- alam ng lahat at nakararami na imposible naman talagang mangyari. May maganda din naman sa kwento, kasi pwede kang tumakas sa reyalidad. Pwede mong takasan ang problema.
Lumabas na ako ng school at nagsimulang maglakad. Malayo ang bahay namin, pero mas gusto kong maglakad. l
Medyo naging matagal ang paglalakad ko kaya dumaan ako sa isang maliit na eskinita na may malalaking pader magkabilaan. Meron ding mga kariton dito na mukhang luma na at di na ginagamit.
Habang naglalakad naisipan kong huminto muna sa may tapat ng basurahan at buklatin ang librong kakatapos ko lang basahin. Gusto ko lang i-check kung wala na ba talagang kasunod to.
Nagtataka lang kasi ako sa libro na ito... Ang kapal ng libro, at tapos ko na, wala pa nga sa kalahati e. Tsaka ang nakakapagtaka pa ay walang laman ang mga sumunod na pahina.
Habang binubuklat ang pahinang walang laman bigla akong nakaramdam ng kaunting vibration mula sa bag ko kaya sinilip ko ito. Nakita ko ang cellphone ko na may ilaw at nakalitaw ang pangalan ni Mama. Sasagutin ko na sana ito ng sumabit ang daliri ko sa zipper at medyo naipit kaya nagdugo. Biglang naging dahan dahan ang bawat galaw ng bagay sa paligid ko. Humihina ng humihina ang mga naririnig ko. At doon ko na lamang napansin ang pagtulo ngp dugo ko sa bakanteng pahina kasabay ng pagkakaroon ng malaking butas sa kinatatayuan ko at pagkahulog ko sa madilim na kawalan.
Imbis na sumigaw, ipinikit ko ang aking mata at hinintay ang mangyayari sa akin. Bago ako mawalan ng malay, may narining akong nagsalita.
"What the heck?!"
At tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
***
#tddup4ever
#'TilDeathDoUsPartTap the staaaaarrr pleasee! - vimoow
YOU ARE READING
'Til Death Do Us Part
Historical Fiction"What hurts more than losing you and knowing you're not fighting to keep me?"