2

3 0 0
                                    

I sighed when i look into the stars in the night sky.

Nandito lang naman ako sa bintana ko at nakatingin sa nakikislapang mga bituin sa langit.

"Mabuti pa sila ang payapa tingnan parang wala lang dinadalang problema" sabi ko sa sarili ko.

"Ano ba yan, te kinakausap mo naman yung sarili mo, Baka mapagkamalan kana ng iba diyan na baliw" sabi ni elis na kaboardmate ko, kakapasok niya lang sa aking kwarto.

"Mabuti na ngang tawagin nilang akong baliw kesa naman sa bobo at walang kwenta" sabi ko pa at bigla namang napatahimik si elis kaya hindi nalang sya nagsalita pa.

"Oh, ano nalang pala yung plano mo para bukas?" pagiiba niya ng usapan

"umalis kana matutulog na ako" tatayo na sana ako ng humirit pa siya ng sasabihin niya.

"hindi kaba papasok bukas?" hindi ako sumagot sabay talikod.

"oh sigi gigisingin nalang kita bukas" dagdag niya.

"wag na!" halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil sa biglang pagharap ko sa kanya at nataasan ko ng konti ang aking boses, ngunit wala naman siyang nagawa kaya lumabas nalang siya.

Sanay naman yan si elis na kapag sinabi kong ayaw ko ay hindi na niya ipipilit pa kasi wala naman siyang magagawa pa.

Bumalik nalang ako sa higaan ko, medyo maliit lang itong bed space na nirentahan namin merong maliit na mesa sa gilid isang kama na isang tao lang ang kasya atsaka maliit na lalagayan ng damit at sa kabilang kwarto naman si elise.

Malayo ito sa bahay na nakagisnan ko pero wala naman akong choice kun di ang magtiis dito.
Hindi ako komportable na ako yung magluluto, ako ang maglalaba atsaka ako yung hahanap ng kakainin ko kasi wala namang sumusuporta sa mga pangangailangan ko. Nasanay ako noong buhay pa ang ina ko at marangya pa ang nakagisnan kong buhay na kasama pa namin ang magaling kong ama. Ngunit lahat ng yung ay nagbago nong namatay ang aking ina at naiwan ako sa pamamahay ng aking ama kasama yung una niyang asawa at doon ko lang din nalaman na ikalawang pamilya lang pala kami.

Flashback

(5 months ago)

"Umalis kana dito wala kang kwenta"

"dapat nga hindi kita obligasyon, pero heto ka at dito nakatira at pinapalamon ko pa! Tingnan mo nga yang sarili mo simula nung dumating ka sa buhay ko wala na akong pera na para sa sarili ko kasi na sa iyo na pangastos ng kailangan mo! eh panu naman ako?" sabi nung asawa nong ama ko. Wala na akong nagawa kinuha ko nalang yung mga gamit ko atsaka umalis na.

"If you are not comfortable with me then I will leave this house, Kung yan lang pala ang sasabihin mo eh sana hindi na ako nakasiksik dito sa pamamahay nio!." Gigil na sabi ko sabay kuha ng mga gamit ko.

"Aba sumasagot sagot pa, umalis kana layas!". Sabay pulot ng asawa ni papa ng gamit ko at binalyang itinapon sa labas.

Kinuha ko yung mga gamit ko sa labas at tuluyan na akong umalis na dala ang poot at sakit sa aking damdamin, hindi ko na nagawa pang lumingon sa bahay kung saan naging miserable ang aking buhay.

End of flashbacks

Napatigil ako sa kakaisip ng maramdaman na umiiyak na pala ako. At nakatulog ng inaalala ang mga pangyayari.

Umalis ako sa pamamahay ng aking ama dahil hindi ko na kaya ang pagtrato ng kanyang asawa.

Pagkatapos ng aking klase ay pumapasok ako sa trabaho sa isang restaurant, ito ang nagsisilbing kinukuhanan ko ng mga pangangailangan atsaka pambayad sa tuition fee dahil hindi naman umuuwi si papa sa bahay ng kanyang asawa at nagtatrabaho ito sa malayo, hindi man lang niya alam na wala na ako sa bahay nila.

Tinanaw ko ang oras sa wall clock na maliit na nakasabit sa dingding ng aking kwarto, alas syete na pala at kailangan ko nang maghanda papasok sa unibersidad na aking pinapasukan.

Si papa ang pumasok sakin sa paaralan kahit mahal ay hindi ko na tinanggihan dahil si papa yung bumabayad ng tuition ko, ngunit simula nong umalis ako sa puder ng asawa niya ako na ang naghahanap ng trabaho upang makapag aral.

Naligo na ako at mga trenta minutos ay nakapagtapos na makapaghanda.

Bumaba na ako sa kusina kung saan naabutan ko si elise na naghahanda na ng pagkain, napangiti ako kasi ang bait ng aking bestfriend at siya ang nagluto ngayon kasi nakalimutang kong gumising ng umaga upang maghanda ng almusal.

"Ella kumain na tayo, malilate na tayo may pasok pa ako!" Sigaw ni elise

"Nandito na kaya ako". Napalingon naman siya at ngumit ng nakakaloko

"Alam ko, binibiro lang kita, akala ko aligaga kapa dun simula kagabe." Napaismid naman ako

"Wag na nga nating pagusapan yung kagabe, lets enjoy the rest of our day today. Ang ganda kaya ng panahon ngayon ayokong masira ang araw ko.

"oh sha sha halika kana nga." At lalamigin na itong pagkain natin." Umupo na ako at pinanuod si elise na maghanda ng kakainin namin. Napangiti nalang ako dahil kahit hindi ako maswerte sa pamilya, maswerte naman ako sa kaibigan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walk on livingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon