01 [revised version]

450 24 5
                                    

// warning : this chapter contains heavy description of suicide and mild violence. please proceed with extreme caution //

---

Tahimik at malamig ang paligid. Ang mga mata'y sumusubaybay sa bawat hakbang ng mga magkakaibigang sina Seungkwan, Wonwoo, Seokmin at Jihoon. Pilit nilang inaalis ang nararamdamang kaba sa bawat ngiting ginagawa nila.

"Kuya, bakit ganito ang tingin nila sa atin?" nanginginig ngunit pilit na diretsong tanong ni Seungkwan sa kanilang lahat.

"B-Baka naman ganito lang ang pag-we-welcome nila sa mga transferee." sagot ni Seokmin.

Ang mata ng mga estudyanteng nasa paligid ay nakatuon pa rin sa kanilang magkakaibigan. Ngunit imbis na matakot, nilakasan ni Jihoon ang kaniyang loob at inalis ang takot sa kaniyang mukha para makapaglakad siya nang may bigat at tapang.

Malapit na sila sa pasilyo ng kanilang mga kurso nang may narinig silang malakas na kalabog mula sa 'di kalayuan. Lahat ng estudyante'y kumaripas ng takbo upang makiusisa. Sila, bilang mga bagong salta'y sinundan ang nagkukulasang mga estudyante patungo sa pinanggalingan ng tunog.

"Oh my god!"

"Shit! Kuya!"

"Tangina!"

"Puta!"

Ang tanging bulalas ng magkakaibigan. Hindi nila lubos akalaing sa unang araw ay makakakita sila ng ganitong tagpo. Someone committed a suicide. It was like a hard pill to swallow.

"Si Geom ito, 'di ba?"

"Oo, siya nga. Siya 'yung na-expel kahapon kay Miss Lee dahil ayaw niyang sundin ang Silver rule."

Silver rule?

"Kuya, natatakot ako." ani Seungkwan habang mahigpit ang pagkakahawak sa nagugusot nang polo ni Wonwoo.

"Sshh... Kwannie, magiging maayos ang lahat. Nandito tayo para mag-aral at hindi ibabad ang sarili natin sa dugo, okay?" sagot ni Wonwoo, "Everything will be all right."

Si Jihoon ay napatitig sa malamig na bangkay ng narinig niyang tinawag na 'Geom'. Bakas sa mukha nito ang labis na pagod kung kaya't minabuti niyang kitilin ang sarili niyang buhay para sa ikatatahimik niya.

Nagpadagdag pa sa kaniyang isipan ang tinawag ding 'Silver rule' ng mga estudyanteng nakaiusisa kani-kanina lamang. Bakit gano'n na lamang ang sinapit ng isang dalagang may pangarap dahil lamang hindi niya ginustong sundin ang Silver rule?

"Nandiyan na siya!"

Sabay-sabay na nagkulasan ang mga estudyante palayo sa pinangyarihan ng insidente. Sa takot na mapagalitan nang kung sino mang dadating, sumunod na lamang silang magkakaibigan. Ngunit laking pagtataka ni Jihoon noong marinig niya habang sila'y papalayo ang isang lalaking nagsalita.

"Iligpit niyo na 'yan at itapon sa pit, ayokong maamoy pa 'yan ng Director pagdating niya."

Tangina! Sino'ng tao ang kayang magsabi nang gano'n sa nangyari sa kawawang estudyante?

"Huwag mo na'ng balaking sumigaw at maghanap ng sarili mong sakit sa katawan." nagulat na lamang ang magkakaibigan no'ng may sumulpot sa kanilang harapan.

"Jeonghan. Yoon Jeonghan. Kayo siguro 'yung mga bago?" tanong niya na siya namang ikinatango nila bilang pagsagot, "Ano naman kaya ang ginawa ng mga magulang niyo to make you guys feel hell?"

Magulang? Hell?

"What do you mean?" takang tanong ni Wonwoo, "I mean, how?"

"Well, 'di naman kayo makakapasok dito kung walang connection ang mga magulang niyo or you've been accepted here as a scholar."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

President Kwon [under revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon