❤Chapter 1❤

150 5 1
                                    

"Alliyah's Pov"

Hi ako nga pala si Alliyah Perez 19 years old

Nakasuot lang ako ng short at t'shirt tapos nakalugay lang ang buhok ko

Nandito ako ngayon sa bahay namin nagluluto ng almusal ni Kyle at Abby natutulog pa kasi sila eh, nauna na kasi si nanay sa palengke

Pinatay ko na yung kalan at pumunta na ako sa kwarto para gisingin sila, wala silang pasok sembrake nila eh ako naman huminto sa pag-aaral nung isang buwan lang kapos kasi kami sa pangbayad ng tuition fee pagbukas ko ng pinto tuloy na tulog pa sila

"Kyle, Abby gising na" paggigising ko sa kanila at tinapik sila ng marahan

"(Yawn)Good morning ate" sabi ni Abby

"Goodmorning, oh sige na bumangon na kayo at mag-almusal" sabi ko

"Anong almusal ate?" Tanong ni Abby

"Sinangag na kanin at sinigang" sabi ko

"Yehey sinigang favorite ko" sabi ni Abby

"Oh sige na bumangon na kayo at ligpitin nyo na yang higaan nyo at pagkatapos lumabas na kayo para mag-almusal" sabi ko

"Opo" sabi ni Kyle

Pumunta na ko sa kusina at inihain sa lamesa yung kakainin nila

Maya-maya lumabas na sila

"Oh halina kumain na kayo" sabi ko

Umupo na sila at nagsimulang kumain

"Ah ate si nanay nasaan?" Tanong ni Kyle

"Nauna na sa palengke" sagot ko

"Bilisan nyong kumain tutulungan ko pa si nanay magtinda" dagdag ko pa

"Ate pwede bang sumama sa palengke?" tanong ni Abby

"Oh sige basta wag kang makulit ah" sabi ko

"Opo" sagot ni Abby

Nandito na kami ngayon sa palengke
Ng makalapit kami kay nanay
Tinanong ko sya ng........

"Kamusta po? Marami na po bang benta?" Tanong ko at nagmano, nagmano din si Kyle at Abby

"Ayos lang naman, paubos na rin 'tong tinda ko" sabi ni nanay

"Nagugutom na po ba kayo?" Tanong ko kay nanay kasi hindi sya nag-almusal kanina kakamadali

"Hindi pa naman anak" sagot ni nanay

"Ah kyle?" Tawag ko kay Kyle

"Bakit po Ate?" Tanong ni Kyle

"Samahan mo ako bibili ako ng makakain ni Nanay" sabi ko

"Anak busog pa ako mamaya ka nalang bumili" sabi ni nanay

"Ay hindi po pwede yun nay, di po kayo nag-almusal eh kaya ibibili ko kayo ng pagkain" sabi ko

"Sige na nga, basta mag-iingat kayo ha?" Bilin ni nanay

"Opo" sabi namin ni Kyle

Naglalakad kami ni Kyle papunta a lugawan, Lugaw nalang bibilin ko kay nanay

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Im His Fake Girlfriend (GabRu Love Story) ~ON HOLD~Where stories live. Discover now