Tiara's POV
"Cancel my meetings for today and for tomorrow, I have some important things to fix. Yung papers na kailangan kong pirmahan, ipunin mo at saka ako magsisign pagkabalik ko." sunod sunod kong sabi sa secretary ko na siyang tango lang ng tango.
Kinuha ko na ang bag ko maging ang car keys ko at nagtungo na sa pinto umalis ng opisina.
"Dont forget to call me kapag may problema." huli kong bilin at saka tuluyan ng umalis.
Nasa parking lot na ako at naglalakad ng maramdaman kong may sumusunod sakin. Hindi ko man nakikita pero di nagkakamali ang sense ko.
Binagalan ko ang paglalakad at idinial ang number ng butler ko.
"James, ayos na ba yung pinapatrabaho ko sayo?"
[Yes, Miss Miller. Nandito na po sila] sagot niya sa kabilang linya.
Naramdaman kong palapit ng palapit yung taong nagmamasid sa akin kaya't agad kong hinugot yung barili kong nakalagay sa bag ko at walang alinlangan ko siyang pinaputukan.
"Good. I'll be there in 15 minutes" ibinaba ko na ang tawag saka bumaling ng tingin sa lalaking iniinda ang sakit ng braso niyang tinamaan ko.
"Speak up. Who ordered you to follow me." hindi siya sumagot sa halip ay tinitigan niya lang ako at ngumisi pero bakas parin ang sakit na iniinda niya dahil sa braso niyang patuloy sa pagdurugo.
"5 secs. Speak and i'll spare your life." muli kong itinutok ang baril ko sakanya.
"H-hex mafia-" hindi pa man niya natatapos ang nais niyang sabihin, pinaputukan ko na ulit siya, this time sa ulo.
"I guess this guy haven't heard about me being ill-tempered" I smirked.
Hex Mafia. For the nth time, Hex Mafia na nman. Tsk. Napailing nalang ako.
Pumasok na ako sa kotse ko at pinaandar ng maaninag ko sa di kalayuan ang dalawang lalaki na hila hila yung bangkay ng taong pinatay ko kani-kanilang.
Nagmaneho na ako at tinahak ang daan patungo sa Crib, ang underground place kung saan madalas maganap ang mga illegal transactions at kung anu-ano pang bagay na illegal.
Wala pa mang 10 minuto ay narating ko na ang crib, kahit lubog na ng araw ay isinuot ko ang shades ko at naglakad papasok.
Natahimik ang lahat ng makita nila akong pumasok. Tanging tunog lang ng takong ko ang maririnig.
Patuloy lang ako sa paglalakad, hindi alintana ang tingin ng bawat kriminal na nandito.
"Okay, so let's start" bungad ko ng makapasok ako sa isang kwarto na may mahabang mesa. Nagtungo ako sa upuan ko at tinignan kung sino ang nakatayo sa harap.
Si Hazel Clinton, 13th rank. Isa siya sa Quince, ang grupo ng mga taong pinagkakatiwalaan ko sa Miller Mob.
Tumango ako sakanya at saka niya sinimulan iulat ang mga impormasyong pinahanap ko sakanya.
"As we all know, Von Hex died last year which is the main reason why Hex Mafia had its downfall." panimula niya.
Nakatuon lamang ang tingin ko sa mga documentong nasa harap ko habang nagsasalita si Hazel sa harap.
"Ngunit nitong mga nakaraang araw, napansin ko ang muling pagbabalik ng Hex Mafia." napatingin ako sakanya at saka ibinalik ang tingin sa mga documentong hawak ko.
"Cut it off." pagpuputol ko sakanya.
Napatingin sila sa akin at tumingin lang ako ng diretso at nagsalita.