PERA 1

3 0 0
                                    

Bakit nga ba napakahalaga ng pera?

Tinanong ko ang pinsan kong five years old. Mabilis niyang sagot: Para mabili ko ang gusto ko.

Napaka simpleng sagot, hindi ba? Oo nga naman, paano ka nga naman makakabili ng mga gusto mong bagay kung wala kang pera?

Sa panahon ngayon napaka importante ng bagay na yan. Datung, salapi, money, pera. Kung ano man ang tawag mo diyan, ay nako 'day! Mahalaga yan!

Let's go back sa panahon ni kopong kopong...

Alam ko namang alam mo na 'to. Pero iinform pa din kita...

Dati, wala naman talagang tinatawag na pera ang mga Pilipino... Diba? Itinuro 'to nung elementary ka, wag kang magkaila!

So ayun nga, wala naman talagang pera ang mga Pilipino. Exchange exchange lang ng mga gamit ay okay na.

Kung ibabalik kita sa panahon ng lolo mo sa talampakan at may gusto kang isang bagay, let's say, kailangan mo ng isang kilong bigas, maghahanap ka ngayon ng kapalitan mo. Imbes na pera ang ibibigay mo, syempre dahil sinabi ko na nga na wala pa ito noon, ang iaalok mo ay yung bagay na meron ka.

Halimbawa: Meron kang kumikinang na perlas at kelangan mo nga ng bigas, syempre you have to exchange it with what you have.

Na gets mo ba?

Kung hindi, ay hala sige! Bumalik ka sa elementarya at mag-aral ng Hekasi!

Pero dahil nasakop tayo ng mga kung anu-anong bansa, pinauso nila ang pera. Ang pilak. Na kailangan mong magkaroon nito, para lamang makuha mo ang gusto mo...

#sadlife

iPonSeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon