(A/N: hay sa wakas makakaupdate din hehe..sana magcomment din kayo.. T_T bad trip parin ako kay Yuri Y_Y..enjoy nalang sa chap natu sori sa maling spelling itama nyo nalang ^_^)
KURTY POV
natatakot ako..natatakot akong mag isa, natatakot ako para sa sarili ko, parang d ko makakaya na wala si lola sa tabi ko, mahal ko talaga ang lola ko kaya kahit anung mangyari si lola lang ang makakapagpasaya sa akin..si lola lang at wala ng iba..
si lola lang ang makakapagbigay ng pagmamahal na totoo sa akin..
pero bago mamatay si lola..
ang sinabi lang nya..
"matuto kang magmahal ng kapwa..hanapin mo sya, malalaman mo ang gusto mong malaman,"
yun lang at wala na..nakakabaliw..nakakaiyak, alam naman ni lola kung gaanu kasakit na iwanan pero bakit ganun? bakit napakadali lang sa kanya na iwanan ako!?? oo ang OA kung apo pero parang mama na ang turing ko sa kanya, kayo ba kung mamatay mama o papa nyo d kayo magkakaganito?? oo mas swerte ako dahil sa huling hininga ng lola ko nandun ako,yun lang ang maganda pero ang iwanan akong mag'isa??
d ko ata maiisip na maganda yun...
ang pinagtataka ko lang sa mga boses ni lola bago sya mamatay bat di manlang sya nahirapan? bat di manlang sya humahabul ng hininga? may milagro nanaman bang nangyari? tulad ng dati?
nung namatay si Mama, nung namatay si LOla, bat ang dali lang sa kanila? milagro ba yun? sumpa ba yun? o ganun lang talaga kapag alam mung mamamatay kana? napatay si Mama sa sakit at si lola sa sakit sa puso. di kaya....ahhhhhhh ginulo ko nalang ang buhok ko,,.
NAGUGULUHAN AKO.
ayaw na ayaw ko sa papa ko dahil mas favor sya kay Harry ,, si Harry ang magaling, si Harry ang mabait at si Harry ang mas matalino, wala daw akong sinabi kay Harry, pero d ako galit sa kanya..kay papa ako galit..pero kung ayaw ko kay papa mas ayaw ko sa Stepmother ko!! napakafelingera nya!! pera lang ata habol nun sa papa ko pero ayaw naman maniwala ng papa ko..kaya naman mas gugustuhin ko pang makasama lola ko..
pero kung girlfriend ang pag'uusapan..
wala ako nun since birth..
d ko pa naranasan ang magkagirl friend..
4th year high school pa naman ako ngayun, mahaba pa ang time about jan,
akala ko nung una ang buhay ay napakapermanenti pero mali pala ako..
may namamatay at may nabubuhay..
may nabubusog at may nagugutom..
may nawawala at may nakikita..
mayaman ka ngayun next time ubos na ang pera mo
at sa katunayan...
may baboy at may kambing..
may aso at pusa..
may dagat may lupa..
at ang buhay kung minsan napakakumplikado..
kung akala mo noon habang buhay na pero mali pala ..
lahat ng bagay may pinanggagamitan..
at di lahat ng magsyota habang buhay..
yan ang buhay na tinatawag nila..kung d mo alam ang takbo ng buhay..magpakamatay kana lang..
masaklap tanggapin pero kailangan..
"kurty, kumain ka muna" si papa ko yan..nandito ako sa sala nakaupo at tinitigan ang bangkay ni lola..may mga tao pero kaunti nalang ngayun..bukas na rin kasi ang libing ni lola ayaw ni papa na patagalin pa ang lamay..at ayaw nyang gumastos ng pera at sayangin ang oras nya sa taong patay na daw..wala naman ako magawa. anu lang ba ako?? isang teen ager na wala pa sa tamang edad!