ONE SHOT

165 4 7
                                    

IT'S LOVE

CHARACTERS:

Dilan Jay M. Rivera

Hinahangaan sya sa school dahil sa kanyang anking kakayahan, lagi syang top ranking sa academics, hindi lang sya magaling sa academics, hinahangaan din sya sa kanyang kagwapohan. Sya ang pangarap ng mga kababaehan, ngunit may kunting problema sa personality nya dahil, di sya yung tipo ng taong mabilis makipag socialise, kaya kadalasan napagkakamalan syang cold dahil sa kanyang pagiging tahimik sa lahat ng oras, ganun pa man, meron parin naman syang nag iisang kababatang kaibigan.

Jelly Grace O. Cristoval

Simple lang at ordinaryong mag aaral sa parehong paaralang pinapasokan ni Dilan, sya ang namumukod tangi at kababatang kaibigan ni Dilan, madalas silang mag kasama at minsan nga ay napapag kamalan na silang mag jowa pero pareho nila itong itinatanggi. Mahilig mag drawing si Jelly at madalas iginuguhit nya ang mga bagay na nangyayari sa kanya.

Ace Bryan M. Rivera

Nakatatandang kapatid ni Dilan, tulad ni Dilan magaling din sya sa lahat ng bagay, sa katunayan idulo sya ng kanyang kapatid, nag tatrabaho sya sa isang publishing Company at limang taon lamang ang agwat nila sa isat isa.

STARTS HERE..

Hi ako si Jelly Grace 3rd year college BS in Fine Architecture, 20 years old mahilig ako mag drawing, lalo nan g mga anime, may tawag sa taong mahilig sa anime at Otaku ang tawag sa kanila sa Japan. At madalas kong idrawing yung nangyayari sa buhay ko.

"oi, nagdodrawing ka nanaman, di ka ba nag sasawa dyan" si Dilan ang kaibigan kong heartthrob sa school.

"excuse me, this is my source of happiness, kaya wag kang ano dyan..." sabi ko, at pinag patuloy ko yung pag do-drawing ko, naku itong lalaking to pag nasa school walang imik parang binibili ang bawat salitang binibigkas nya, at most of the time wala syang pake sa nangyayari sa paligid nya, pero pag dito sa bahay, halos mainis ka dahil lahat nasisita nya, plastic din ang isang to, maraming naloloko sa pag mumukha ng isang to. Oh well sino ba namang di mag kakandarapa sa lalaking to eh mukhang nung nagpasabog ng kagwapohan si Adonis isa sya sa pinaka maraming nasalo, yes I also admit it. Pero don't include me sa mga babaeng patay na patay sa kanya sa school dahil hindi sya ang gusto ko.

"sus, bat dito mo pa ginagawa yan sa bahay, wala ka bang sariling bahay? every time na pupunta ka dito sa amin, wala ka namang ibang ginawa kundi mag drawing, tapos maghahanap ka pa ng meryenda, tibay mo din eh, kaya ka tuma-aray!! Bat mo ginawa yun?" sabi nya habang hinihimas yung ulo nya.

"Pasensya na dumulas kamay ko eh" nabatokan ko kasi, see kung gano sya kadaldal? I wonder kung anong magiging reaction ng mga babaeng patay na patay sa kanya?

"ang sabihin mo sinadya mo, tototoo naman mukha kang balye, aray! Aray!"

"sige subukan mong sabihin!, hindi ako balyena!"

"sinabi mo din! Aray! Sumusubra ka na!" reklamo nya pano kasi sinasabunutan ko na sya, lalaking to di ko naman sya inaano ah.

"oh, nag aaway nanaman kayo?" natigilan ako sa ginagawa k okay Dilan ng biglang pumasok si Ace, matanda sya sa amin ng 5 years pero ayaw nyang tinatawag namin syang kuya.

"Ace!" sabi ko umayos ako ng upo, at saka ko inipit yung buhok ko sa likod ng tenga ko, Oh my God nakakahiya naman nakita nya nanaman akong nakikipag sabunotan sa kapatid nya.

"kinikilig nanaman ang tanga" mahinang sabi ni dilan kaya tinignan ko sya ng masama, at saka ko sinipa yung paa nya.

"haha, anong problema nyong dalawa ang wiwirdo nyo, nag la-love quarrel ba kayo" sabi nya.

ITS LOVE (Completed Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon