Sa paglipas ng panahon na tayo'y magkasama
Ang buhay ko'y nagbago,lahat ay natatama
Pusong galak na pumapalakpak kapag nakikita ka
Ngiti na Hindi mapunit-punit sa tuwing hinaharanaMga Pangako na tinatanim sa ating mga puso
Na kahit anong mangyari magkasama hanggang dulo
Hanggang tumanda ugod-ugod na kung lumakad
Nakangiting magkahawak ang mga kamay na inilalahadKahit ano mang problema Ang haharapin
Ikaw pa Rin Mahal ko ang aking pipiliin
Unos, bagyo kahit ano mang pagsubok tatahakin makasama ka lang habang buhay
Upang tayo'y magkasamang mamuhayIto ang ating Pangako na Hindi mapapako
Kahit itaga pa sa bato, gamitan mo pa ng martilyo
Walang makapag gigiba sa ating mga Plano
Na hanggang dulo ikaw at ako ay tayo.