Pangako 💕

2 0 0
                                    

Sa paglipas ng panahon na tayo'y magkasama
Ang buhay ko'y nagbago,lahat ay natatama
Pusong galak na pumapalakpak kapag nakikita ka
Ngiti na Hindi mapunit-punit sa tuwing hinaharana

Mga Pangako na tinatanim sa ating mga puso
Na kahit anong mangyari magkasama hanggang dulo
Hanggang tumanda ugod-ugod na kung lumakad
Nakangiting magkahawak ang mga kamay na inilalahad

Kahit ano mang problema Ang haharapin
Ikaw pa Rin Mahal ko ang aking pipiliin
Unos, bagyo kahit ano mang pagsubok tatahakin makasama ka lang habang buhay
Upang tayo'y magkasamang mamuhay

Ito ang ating Pangako na Hindi mapapako
Kahit itaga pa sa bato, gamitan mo pa ng martilyo
Walang makapag gigiba sa ating mga Plano
Na hanggang dulo ikaw at ako ay tayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula ni Jadiing 💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon