NARRATION
"Daniel." natigilan ako ng hinga nang makaramdam ako ng basa sa likod ko. umiiyak sya."Daniel..." sabi ko ng mahina, comforting him. "ba't ka umiiyak?" tanong ko habang humarap sa kanya at pinunasan gamit ang aking thumb ko para punasan ang kanyang luha. ngumiti sya, "wala lang na-miss kita." mahinang sabi nya. sumakit ang dibdib ko nang mag voice crack sya.
"na-miss mo 'ko? hahaha, lagi naman tayong nagkikita sa school?" sabi ko.
"nagkikita nga, pero hindi naman nag papansinan."
and that hit me. bakit ba ang cold ko sa kanya? bakit? ano nga bang reason angela?
at ginawa ko ang di ko akalaing gagawin ko, niyakap ko sya, mahigpit na yakap, "sorry, miss na din kita." sabi ko, at nakita kong napangiti sya, niyakap nya rin ako pabalik.
syempre hindi mawawala yung panira ng moment diba?
"ehem."
mabilisan kaming nag hiwalay ng yakap at tumingin ako kay kuya, si daniel nakatingin naman sa.. kung saan man. "angela." sabi ni kuya habang may masama syang tingin kay daniel. "mag-usap tayo."
"s-saan?" kinuha ni kuya kamay ko at tumingin sya kay daniel, "ikaw, mag-uusap din tayo mamaya." puta, that's the deadliest stare I've ever seen for years.
hinila nya ako palayo kay daniel, tumingin ako sa kanya, 'mamaya nalang' pabulong kong sabi sakanya at mukhang naintindihan nya sinabi ko, lumakad naman sya palayo.
"putangina angela, lumayo ka na nga doon!"
"aray! kamay ko masakit." sabi ko at tinanggal naman nya yung kanyang kamay sakin.
"akala ko ba lalayo ka na doon?" sabi nya.
"bakit ba?" tanong ko.
"sagutin mo tanong ko." sabi nya, puta, pag aawayan talaga namin toh noh?
"none of your business!"
"pa english english ka pa dyan, sagutin mo nga tanong ko."
"ayoko."
"Park Angela."
"ano ba pake mo ha?" ay shet. wrong move. mas lalo ko pa syang ginalit.
"may pake ako kasi kuya mo 'ko! alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo nung iyak ka ng iyak sa kwarto mo.. mahal kita, at ayaw kitang makitang umiiyak, alam mo naman na tayong dalawa nalang ang nakatira sa bahay natin, wala na sila mama, andoon sila sa ibang bansa."
at naiyak ako ng ma-mention ni kuya parents namin, niyakap ako ni kuya, "shhh, alam ko, miss ko na rin sila, pero ginagawa din nila 'yun para satin."
"sorry, kuya." sabi ko, "it's okay. sorry din, nag-alala lang ako masyado, choice mo naman yun eh."
"basta pag sinaktan ka uli nun. sisiguraduhing kong mawawala ang ngipin nun."
"kuya naman eh!" sabi ko at kunyariang sinapak sya, nagtawanan kami, "dalaga na kapatid ko ah.." sabi nya habang ginulo ang buhok ko, "aish! ginulo mo nanaman buhok ko, pakyu ka!"
YOU ARE READING
peach ➶ ᴷᵃⁿᵍ ᴰᵃⁿⁱᵉˡ
Short Story❝ang cute mo ngayon, hehe.❞ ❝???❞ ❝yung buhok mo color peach.. ang cute.❞ √taglish √wannaone series#1 √epistolary+narration Started: 09-6-18 Ended: ---